P.L. 1-Khylie

56 3 1
                                    

Author's Note:

I dedicate this to Idk_Raizen , thank you for helping.

Khylie's P.O.V.

Kanina pa ako nag-iisip ng malalim kung tatanggapin ko ba yung offer ni Ken sa 'kin. Hindi ko ata kayang maging secretary ng CEO sa company ng Martinez. Nag search ako about sa Martinez Family. Nagmamay-ari sila ng mga malls sa iba't-ibang bansa. At sabi dito na may resort din sila dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. So it's obvious na they are billionaires. Well, as expected.

Bwisit na Ken! Mahirap maging minsan maging secretary ng CEO. Hindi mo alam kung masungit o mabait, pogi ba or maganda kung babae, or pangit, mayabang ba siya or hihiyaw na lang bigla. Yan kasi ang mga naririnig ko sa mga kamag-anak ko. Yung pinsan kong si ate Faye ay tumagal lamang ng 3 months sa company ng Martinez dahil daw sa Boss niyang akala mong nireregla araw-araw.

So pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko ito dahil kailangan ko ng magkaroon ng trabaho para matulungan si Daddy at Mommy.

FLASHBACK

"Girl ! Omg omg! Look at this!", bigla na lang dumating si Ken dito na nambubulabog agad sa bahay namin. Wala sila Mommy at may pinuntahan. Kinusot ko ang aking mata at umagang-umaga ay punyetang nanggigising na. Bad morning.

"What the hell are you doing?! 6:30am pa lang oh! Ang aga mo! Psh!", sinabi ko sa kanya at tinaklob ang aking kanang tenga ng unan.

"Girl, 'wag mo kong ganyanin masisira ang mala-Diyosang mukha ko! Hmp! Just take a look at this poster!", sigaw niya sabay hampas sa mukha ko. Oo brutal yang hinayupak na yan, pero kahit ganyan yan. Mahal ko yan. We're bff's.

Inagaw ko kay Ken ang poster na sinampal niya sa akin at kinusot ang mata ko at sumingkit upang basahin ito.

"OMG! OMG! Ken! Are you serious?!", sabay tingin sa kanya dahil nabigla naman ako noh! Martinez Company hiring a Secretary! Omg! Malaki sahod diyan!

"U-huh, girl tanggapin mo. Malaki kita mo diyan para matulungan mo na si Tita at si Fafa!", I rolled my eyes and ignored him. Well actually, may crush 'tong si Ken kay Papa. Sorry na lang at may asawa na, Haha.

Tiningnan kong mabuti yung poster at nakita ang salary.

85,000 pesos every month.

FLASHBACK ENDS

Palibhasa kanina pa 'ko naghahalungkat ng dyaryo dito sa palengke para maghanap ng trabaho at tumitingin sa mga poste kung may poster ba na nangangailangan ng mga employee at nag search ako kung meron bang mapapasukan na trabaho sa ibang bansa. Wala naman akong passport para makaalis ng bansa

Pero since maliliit yung sahod mga 5k-15k every month, hindi ko tinanggap.

Ito na rin yung pinakahuling baraha. Sa lahat ng raket na pinasukan ko, ito ata ang makakapagbigay sakin ng maginhawang buhay. Malaki naman yung sahod at matutulungan ko ang mga magulang ko. So I guess I'll take this one. Sana naman magtagal ako.

Protective Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon