Khurt's P.O.V.
Nagising ako ng 6am dahil kailangan. Dahil interview ngayon. OO, NGAYON. Nasanay na akong gumising ng 7am. Halata ang eyebags sa aking mata at pinatay ang alarm kong kinabwibwisitan ko pero effective. Fvcking alarm!
Tumawag kasi si Dad sakin kagabi pagkauwi ko ng condo ko dahil ngayon na daw yung interview at akala ko ay bukas pa. Nyeta!
FLASHBACK
10:30pm na ako nakauwi sa bahay dahil galing ako ng bar. Uminom lang ako ng kaunti at nagcelebrate dahil natapos na ang project namin sa Cebu with Mr. Rafael.
Kinuha ko yung susi ng condo ko at tinanggal ang sapatos ko at yung medyas. Nilagay ko ito sa lalagyanan at nagpatuloy lumakad papunta sa kwarto. Binuksan ko yung pintuan ng kwarto ko at isinabut yung bag sa likod ng pintuan dahil may sabitan ito. Pero bago ko pa ito maisabit ay nag-ring ang cellphone ko at kinuha ko sa bulsa ko at tuluyang isinabit ang bag ko
"Hello Dad? Bakit ka napatawag? Gabi na", tamad kong sinabi at dahan-dahang lumakad sa bed ko. Then I lay on my bed while my phone is on my left ear waiting for him to answer my question
"Bukas na interview, son. Good luck for tomorrow. Yun lang"
"What?! Akala ko ba sa isang araw pa!?", nagbago schedule? Sa pagkalaalam ko ay sa isang araw pa yung interview dahil bukas ay may meeting.
"Hahaha! Bakit? Hindi ka ba updated? Hindi ba sinabi sayo ng Mama mo?"
"Wala akong alam!"
"Hahahaha, ito talagang Mama mo oo. Sige na, may gagawin pa kami bukas ng madaling araw", ito na naman sila, mag-aalala na naman ako. Sana gabayan sila ng Diyos kahit saan mang lupalop ng mundo. Dahil hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanila
"Mag-iingat kayo. Tandaan niyo, medyo malakas ang kalaban niyo Pa", sabi ko habang nag-alala. Palagi naman akong nag-alala eh. Buti na lang at hindi sila natatamaan. Bruises lang. But I know they can take them down
"Yes anak, bye"
"Wait dad!"
"Hmmm?", Tanong ni dad
"W-wala dad. Bye", I ended the call and changed my clothes. I brushed my teeth para hindi bad breath. Inayos ko ang higaan at natulog na.
FLASHBACK ENDS
Humiga ako na parang pagod na pagod at sakop ang buong higaan at nakatulala sa kisame at nag-iisip ng malalim kung ano gagawin ko ngayon. Malamang Khurt, ikaw ang mag-aasikaso. Aish! Kakatamad! Dapat around 9pm ako natulog! Hindi man lang sinabi sa akin ng maaga!
Time check: 6:15am
Maaga pa. 9am pa ang interview. Hinanap ko yung remote ng LED T.V. sa kwarto ko. Bale tatlo ang LED T.V., isa sa sala, sa kwarto ko at sa dining area. Malaki ang condo ko na parang bahay na mismo. Well this costs 20 million pesos.