Khylie's P.O.V.
Ano na nga pangalan niya? Kaize? Kale? Kalye? Kanal? Ay tangna! Ayun! Khurt! Omg after these years I saw him finally! My childhood friend! Namiss ko siya! But I need to go na.
Nakita ko ang orasan sa likuran ni Khurt na eksaktong 9am na. I turned around and lumakad palayo sa kanya at nakita ang mga aplikante na naghahanda na. Si Khurt, oo kilala ko siya. Kaya ko siya nakilala dahil childhood friends kami noon. Ewan ko ba kung bakit siya naglaho na parang bula. He didn't even informed na aalis siya sa komunidad namin.. pero i accepted. May kaunting galit na akong naramdaman sa puso ko ngunit hinayaan ko na lang yun.
Patay na patay si Ken kay Khurt. Pogi raw. Pero, hindi ko naman siya napopogian. Masama kasi ugali, mayabang pa. At nakilala ko rin si Khurt dahil sa kapatid niya. Ang kapatid niya ay nakilala ko dahil nagbi-bike ako noon at nagkabunggo kami. Ang kapatid niya ay sinabi sa akin na may crush daw siya sa akin! Hahaha! Pero sabi ko I just see him as my friend. Siya lang mismo ang ayaw akong tantanan na papakasalan daw niya ako paglaki namin. Sinabi ko sa kanya from the beginning na wala siyang pag-asa dahil tutok ako sa pag-aaral. Kaya daw NBSB ako sabi ni Mommy dahil tinatanggihan ko lahat ng lalaking manliligaw ko. Grabe hah Mommy hahaha.
Lumakad ako papalapit sa mga aplikante at nakitang may pini-fill up-an na form. I asked the employee of this company who is assigned to assist us kung meron pa bang papel ba blanko para ma-fill up-an ko for the interview. Kinakabahan ako. Sino ba naman ang hindi? Hindi mo alam kung makakapasa ka or hindi. Dahil mahalaga sa isang tao ang trabaho. Buhay mo nakasalalay dito, pagkain, kuryente, tubig, lahat. Pakinabang mo yan. Gusto ko rin tulungan sila Mommy at Daddy, yun nga lang hindi ko alam trabaho nila. Ilang beses ko na sila tinatanong kung ano trabaho nila, hindi nila sinasabi. Kaya ang inilalagay ko minsan sa mga forms nung nasa Elementary, High School at College ay "Private Employee" That's why I'm here, applying, for them.
Habang binabasa ko ang form ay medyo pinagpapawisan ako kahit air conditioned dito sa opisina. Naghanap ako ng ballpen sa bag ko gladly nakapagdala ako. Nanginginig kong finillup-an yun na parang board exam. Nakapagready na din ako sa mga posibleng itanong sa akin.
Name: Khylie Marie Moratta
Age: 23
Birthday: July 19, 1987
Gender: Female
Status: Single
Address : ** ******** street ****** Philippines
Parent's name: Amanda Moratta & Andrew Moratta
And so on.
Yan! Tapos na! Nilagay ko yung form sa envelope na binigay ni Ms. Employee ng Company na 'to at nakita kong nakapila na ang mga aplikante. Pumila na rin ako at nag-sign of the cross. Lord! Ikaw na po bahala sa akin!
Pabawas nang pabawas ang mga aplikante, hindi pa namin alam kung sino ang mga nakapasa dahil may second interview pa, at sa second interview malalaman kung sino ang mga nakapasa at yung mga hindi. At! Ako na ang susunod na i-interview-hin
"Next!", narinig kong may sumigaw sa loob ng office at ibig sabihin ay ako na.
Binuksan ko pinto at sumalubong sakin ang malamig na hanging dahil sa aircon. Kinakabahan ako at naginginig na pumasok sa loob. My eyes widened when I saw him.
And I was like "What the fvck?!"
The CEO of this company, Khurt Hurtz Martinez. Bat hindi ko alam?! Marami kasing Martinez sa mundo so akala ko back then na hindi si Khurt ang nag mamag-ari ng company na 'to kahit ang big brother niya dahil wala siyang sinabi tungkol sa kanilang pamumuhay kahit nililigawan pa niya ako noon.
Just OMFG! My childhood friend is now a CEO!
"Hi, hehe, Good morning", sabi ko sa CEO at sa Employee. Shet na malagkit! Kinakabahan ako!
"Please be seated," sabi ni Mr. Old Secretary
"Thank you", umupo ako sa upuan na malapit kay CEO. Bale ito pwesto namin
CEO (sitting) & Secretary (standing)
| Table |
Me (sitting) (Available Seat)"Where's your form?", sabi ni Khurt sa akin at naka-poker face pa ang gago. Psh! Sungit!
Kinuha ko yung form sa loob ng envelope at binigay ito sa kanya with a smile on my lips
"Ok, why do you want to be the secretary of the CEO?", tanong ng Secretary sa akin while glaring at me. Dark aura huh? Galit ka teh?
Nakita ko na binabasa ni Khurt yung form ko at hinayaang magtanong si Ms. Employee sa akin
"Because I am willing to follow all of his orders and I'm willing to do anything from the bottom of my heart and I will do my duty to God and my country, and of course to the CEO, because I'm confidently beautiful with a heart and lastly, I can do whatever he say and give my best to best his sexytary. I mean...secretary", I proudly answered with a smile. Syempre dapat may smile! Para naman fresh ka sa tingin nila
"Oh my goodness..", nag facepalm yung Secretary dahil sa sinabi ko. Bakit? Ano meron? Maganda naman ah?
"Pft.. Go on continue..", nagpipigil ng tawa si CEO at sinabi ito kay Mr Secretary. Bakit? Ano ba meron sa sagot ko? Yun nga yung pinakadabest na pinaghandaan ko na sagot eh
"Why do you want this job?", tanong ulit ni Mr. Secretary sa akin.
"I've always been really passionate about not starving to death", I answered and smiled at him
"Seriously?"-Mr. Secretary
"Pfft.. Tangna! Wahahaha!", tawang tawa naman si Khurt, panigurado rinig na rinig ang boses niya sa labas at sabay na pinaghahahampas ang table niya katatawa
"Opo!"-me
He sighed
"Ok last question. Why should we hire you?"-Mr. Secretary habang inayos ang salamin niya at nakatitig sa akin nang mabuti
"Because you're hiring!", sagot ko sabay ngiti sa kanilang parehas
"Pft.. Wahahaha! Hindi ko na mapigilan tawa ko taragis!", Khurt burst out laughing inside the office and rinig na rinig mo ang pagkaka-echo ng boses niya.
"Sir and Sir, kailangan ko po talaga ng trabaho eh. Gusto ko matulungan si Mommy at Daddy. Sige na po please. Kung hindi niyo ko matatanggap, ok lang po. Naiintindihan ko po..", I really need this job. Ito na ang pinakahuling baraha. Wala na kong magagawa kung hindi nila ako tatanggapin
Biglang tumigil katatawa si Khurt at tumingin kay Mr. Secretary. May binulong si Khurt kay Mr. Secretary at tumango naman si Mr. Secretary at nag-bow kay Khurt at lumabas na siya nang office at narinig kong sumigaw si Mr. Secretary "Interview is now finished! Second interview is now officially cancelled!"
Bunalik ko ang tingin kay Khurt at ngumiti si Khurt sa akin na parang manyak at sinabing "You're hired".
------------------------------------
Congrats pacquiao for winning <3
#PacquiaoVSBradleyIII
*laters*
-G.O.P.L.