PIECE #5

1.4K 36 6
                                    

PIECE #5 (SHOES)

"Ito? How're these?" Naglakad siya na parang nasa runway. Hindi ko alam kung kailan pa na-model sa runway ang mga rubber shoes pero gano'n ang ginagawa niya ngayon. Baliw talaga.

"It's perfectly fine. Just like 'yong tatlong sapatos na sinukat mo bago 'yan," pagod na sabi ko sa kanya.

Kanina pa kami dito sa sala ng bahay nila dahil hindi siya makapag-desisyon kung anong gagamitin niya sa awarding ceremony mamaya. Meron naman kasi silang shoes na sinusuot as a team kapag sa game na mismo pero ayaw daw niya suotin 'yon sa awarding. 'Yon daw kasi sinusuot niya buong season. Gusto daw niya iba para special.

Ang dami nang nakatambak na sapatos dito sa may paanan ng sofa nila. Lahat ng 'to na-try na niya. Walang pumasa.

I swear, mas vain pa talaga siya sa akin minsan. Sobrang choosy. Daig pa niya naghahanap ng true love e.

"Are you sure it's fine? Tsk. Para kasing may something e," he vaguely said habang tinitingnan 'yong iba't ibang anggulo no'ng sapatos sa mirror.

"Alam mo kung anong may something? 'Yang mata mo may something. Walang mali sa lahat ng sinukat mo. Lahat 'yan pwede ipanglakad at ipangtakbo," paliwanag ko sa kanya. Para akong kumakausap ng bata. "'Wag ka mag-alala. Wala din naman sigurong masyadong titingin sa sapatos mo kapag tinanggap mo na 'yong award 'di ba?"

Tumango siya slowly. "You know what? I think you're right." He stroked his chin. "Most of the girls will be looking at my gwapo face anyway..."

"Tss." Binato ko siya ng throw pillow na nasalo niya naman.

Ang lakas ng tawa ng loko. "Biro lang! Alam mo namang sa'yo lang ang gwapo face ko." Taas-baba pa 'yong dalawang kilay. Feel na feel.

I glared at him. "Tumigil ka. Bawal mambola ang mga wala pang sapatos."

Siya naman nag-pout. Ang mature. "Ehhh. But I really can't find the right pair e."

Humiga na ako sa sofa at sumuko. Wala na. Wala nang pag-asa sa mundo. Wala nang pag-asa 'tong lalaking 'to. Pasalamat na lang talaga siya at mahal ko siya.

"Come on, Je. Malapit na mag-9. Baka umabot pa ng isang oras biyahe n'yo ni Ara dahil sa traffic," sabi ng Mom ni Jeron sa kanya while holding a cup of coffee from the kitchen. "'Di ba dapat by 10:30 nando'n na kayo sa school?"

"Opo, Tita," sagot ko for him. "Pero wala na po. Wala nang pag-asa 'tong anak n'yo. Ang laki ng problema..."

Natawa si Tita. Of course she knows I'm just joking around. "Ara, make sure you get there on time ha? Kung kailangan mong kaladkarin 'yan, gawin mo."

Umangat ako sandali sa pagkakahiga ko to look at Tita and give her a thumb-up. "No problem, Tita. Ako na po bahala. Kayang-kayang ko po 'to," sabi ko sabay turo kay Jeron.

"Ma naman... Kakaladkarin talaga?" nakasimangot na sabi ni Je.

"Anak, don't worry. I'm just making sure na hindi ka male-late. Ara, magpaalam na lang kayo kung aalis na kayo ha? Nasa taas lang ako."

"Yes, Tita," sagot ko and umakyat na siya ng stairs.

"Bakit parang magkakampi na kayo ni Mama? Kailan pa nangyari 'to? Kailan pa kayo naging close?"

I just shrugged. "Noon pa naman close na kami ni Tita 'no."

Pinanliitan niya ako ng mata na parang ayaw pa akong paniwalaan. Then, umupo siya sa sofa, sa may paanan ko. Sinipa ko siya lightly sa hita. "Pumili ka na. Bilis."

Siya naman naka-pout pa rin. "Ara, wala talaga," sabi niya and inangat niya 'yong paa kong naka-medyas sa lap niya.

"Anong wala?"

PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon