PIECE #8

1.8K 43 21
                                    

PIECE #8 (CHAMPIONS AGAIN)

Nagpapahinga ako mag-isa sa isa dun sa mga foldable bed na hinihigaan namin for therapy dahil kakatapos lang ng training nung umaga. May break lang kami for 30 minutes tapos training na ulit. Lumabas 'yong iba para kumuha ng extra shirt since hindi namin alam na sobrang babad pala kami sa training buong araw. Pero dapat pala na-predict na naming ganito ang mangyayari. Game 3 na bukas e.

Ako naman hindi na sumama sa pagkuha ng damit. Nagpakuha na lang ako sa kanila. Medyo kinabahan din talaga kasi ako sa nangyari last game at pinapakiramdaman ko pa 'yong tuhod ko hanggang ngayon...

Habang nakahiga ako, I thought about the game tomorrow. Iniisip ko 'yong mga bagay that's on the line. Ito na 'yong last chance namin para bawiin 'yong championship. After this, we just have to live with the result kung ano man 'yon, manalo man o matalo.

And that scares me.

And with that, lumalabas na rin 'yong mga pagdududa. Kaya ko ba? Hindi naman kinukulang sa encouragement ang teammates ko pero hindi ko pa rin maiwasan tanungin kung kaya ko ba talaga.

"Sleeping is not allowed."

Napabangon ako bigla nung may nagsalita. Nakabukas 'yong curtain ng higaan kung saan ako kaya tanaw ko si Jeron kung saan siya nakaupo malapit sa mga gym equipment.

I smiled at him. "Bawal ba talaga? Ilang taon na tayo dito. May sumusunod ba talaga do'n?"

Natawa siya at umiling. "I don't think so. I have slept on that very same bed mga three times na."

Pabiro akong umiling din. "Tsk tsk. Sinong mag-aakala? Kahit si Jeron Teng mismo, nakikitulog sa mga higaan sa gym kahit na bawal."

He shrugged while he was still smiling. "Well, napapagod din naman ako. Lalo na kapag season. Hindi maiwasan."

"Ako din naman." Inayos ko na 'yong upo ko. "Pero hindi naman talaga ako natutulog ngayon..."

"Kamusta pala?" tanong niya agad. Alam ko nang tungkol sa nangyari sa tuhod ko last game 'yong tinatanong niya. Bigla kasing naging seryoso 'yong expression ng mukha niya and bigla rin bumaba 'yong tingin niya sa tuhod ko. He was checking siguro kung naka-bandage o niyeyelo or kung iniingatan ko pa based sa porma ng upo ko.

"Okay na," nakangiting sagot ko to reassure him. "Kumirot lang naman nung game pero naging okay naman siya agad."

Ngumiti na rin siya when he saw me smile. "Buti naman. The team needs you. And the fans..." Tinuro niya 'yong sarili niya. "...kasama na ako do'n. We would want to see you there and watch you play."

"Thanks. Ayoko din naman ma-miss 'yong game. Last ko na din 'yon so kahit siguro pagbawalan ako, pipilitin ko talagang maglaro." Hindi nila ako mapipigilan, I swear. Kahit pa paglaruin nila akong libero, gagawin ko.

Ngumiti siya. "I can imagine. You weren't able to play during the Finals last year 'di ba?"

Tumango ako.

"That must have been very frustrating for you." He looked at me na parang he was still trying to sympathize kahit na last season pa 'yon.

Huminga ako nang malalalim, remembering those days. "Sobra."

He smiled, trying to comfort me. "Well, at least ngayon makakabawi ka na."

I nodded. "Yeah, that's the plan."

Natahimik kami pareho. Nasa kabilang dulo ng gym ang tingin ko habang nakaupo at nag-iisip habang siya naman e nakaupo lang din at nakapikit naman. Relax na relax lang siya.

Hindi kami super close ni Jeron. We talk paminsan-minsan lang gaya ngayon pero we get along well naman. Pero sa team namin kasi, ako na yata ang pinakanakakausap niya at sa team din nila actually, siya din 'tong mas nakakausap ko. Madalas kasi kami magkita dito sa Razon, for some reason. Laging nagkakataon na kapag may therapy ako, time niya naman para mag-workout sa gym.

PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon