PIECE #7* (UNFORGETTABLE)
(* - ThomAra one-shot)
"Uy! Mali tayo ng section! Doon tayo dapat sa kabila," sabi ko kay Miks habang naglalakad kami sa pagitan ng mga upuan dito sa Patron seats ng MOA Arena. Nakayuko pa kami dahil ayaw na namin makaabala sa mga nanunuod. Pero OA naman kasi sa tangkad 'tong kasama ko kaya pansin na pansin kami kahit sa mga nasa likod na rows pa. May mga tumatawag pa nga sa kanya na kinakawayan na lang niya.
Iba na talaga sikat.
Nandito kami ngayon to support the Green Archers for their first game of the season. Graduate na and hindi na sobrang demanding ng volleyball training namin kaya meron na kaming oras ngayon para makapanuod ng mga laro ng La Salle varsity teams.
Tiningnan niya nang maigi 'yong ticket niya ang 'yong seats sa side na nilalakaran namin. "Ay shocks. Oo nga. Bakit ba hindi na tayo tumama sa mga ganito?"
"Ewan ko din," sagot ko habang bumabalik kami sa entrance na dinaanan namin. "Dapat kanina pa lang napansin na natin e. Sa UP yata 'tong section na 'to e. Ang daming naka-maroon oh. Sa kabila 'yong green." Umiling ako. "Hayy. Mas madalas kasi siguro tayong naglalaro kesa nanunuod kaya ganito."
Nagkibit-balikat siya. "Ikaw, hindi madalas manuod. Ako, medyo madalas naman. Lagi ka kasing busy dati e."
"So, bakit mali pa rin tayo ng pinuntahang section kung madalas kang nanunuod?"
"Madalas lang naman ako manuod. 'Di naman ako tiga-dito. Hindi ko kabisado."
"Tss. Palusot."
Nung nakabalik na kami sa may entrance, hinintay na muna namin si Ate Kim since ang alam niya e dito seats namin. Nauna na kami dahil bumili pa siya ng food niya.
After a few minutes, nakita na namin siyang may malaking tumbler ng inumin at popcorn.
"Oh, bakit nandito pa rin kayo? Akala ko mauuna na kayo dun sa upuan natin?" tanong niya sa amin.
"Hindi dito 'yong nakalagay sa tickets natin. Doon pala tayo sa kabila."
"Nice," sarcastic na comment ni Ate Kim.
Nilakad na namin papunta sa kabilang section and we felt at home right away. Ang daming naka-green, though hindi naman punuan since simula pa lang ng season.
"Uy. UP vs NU pala muna. Nice," sabi ni Ate Kim as we settled sa seats namin. Patapos pa lang 'yong 1st half and medyo malapit ang laban kaya masaya ang audience especially the UP crowd.
Busy akong pumupuslit ng popcorn mula dun sa lalagyan ni Ate Kim nung biglang may nagsalita sa tabi ko. Ako kasi 'yong nasa isang gilid, and nasa pagitan namin ni Mika si Ate Kim kaya may katabi ako sa kabilang side.
"Ara?" sabi nung lalaking boses.
Lumingon ako agad since ako 'yong guilty na nakikikain ng popcorn nang walang paalam.
"Bakit?" automatic na tanong ko. Hindi naman siguro ako isusumbong nito 'no?
Nung nakita ko kung sino 'yon, hindi ako makapaniwala.
Ay wow. Si Thomas Torres. Walang hiyang coincidence. Sa laki ng MOA Arena, sa dami ng tao dito, siya pa talaga nakatabi ko. Tabi talaga kami ha. As in walang vacant seat sa pagitan namin.
Bakit ha? Bakit?! Sinong nantrip sa universe at nagkatabi kami? Halos naririnig ko na 'yong mga pindot ng mga tao sa camera nila para makuhanan kaming dalawa...
"Uhh. Wala lang. I noticed it was you," apologetic na sabi niya. "Sorry. Did I bother you?"
"No. Hindi naman. Nagulat lang ako, sorry." Pinagpag ko 'yong kamay kong may konting asin pa from the popcorn. Tsk, ang PG ko badtrip. Pero hindi ko na rin in-offer sa kanya 'yong kamay ko to shake his hand dahil sa nakakahiya at baka may tira-tira pang maliliit na butil ng asin at popcorn. Medyo kadiri. Nakakahiya. Kaya nga medyo relieved ako na hindi when he leaned in para bumeso na parang wala lang sa kanya... Habang ako, ayun, forever awkward na bumeso na rin. Nag-hang yata ako nang mga 3 seconds pero after that, naka-recover din naman agad.