4

854 35 9
                                    


It is Friday again. Ang paboritong araw ng mga tamad na estudyanteng kulang nalang i dextrose ang kape para lang magising sa harapan ng notes. It is Friday and it means Freeday tomorrow. Except sa NSTP if meron man but thankfully, graduate na sina Kim sa nakakagutom na klaseng yun.

It's been a week since the Gym arc and days after it was filled with more flirting sa pagitan nila ni Cyd and more bullshit groupchat from her trust worthy and ever reliable friends. Sarcasm at it's finest.

Kim finds herself looking more at the mirror each day.And No, Hindi siya Narcissist. Gusto lang niya talagang pumorma at kahit na ayaw niyang aminin, she knew it is for the Tall sexy and chinky lady she's meeting everyday at the train.

Earlier, hindi sila nagsabay ni Cyd kaya medyo nanlulumo si Kim. She spent her day studying again and luckily, umaayon ata sa kanya ang tadhana as the day seemed to pass rather quickly. As usual, may pinag uusapang katangahan na naman ang mga kaibigan niya and she gladly let them distract her..

Jeron : may virus na naman ang laptop ko! Wtf!

Ara : di na nakakapanibago.

Jeron : huh?

Mika : from the amount of pornsites you're visiting each day. Ano ang bago?

Thomas : update mo kasi anti virus mo.

Jeron : thanks thom, u really are my buddy.

Ara : does your lord and savior Ara Galang need to come and drench you with my Holy water?

Kiefer : kahit lunurin mo yan sa holy water mo. Wala pa rin epekto yan.

Mika : kaya pala naubos holy water ni ara sa yo kief.

Kiefer : kaldero ka ah!

Mika : mukha kang pwet ng kaldero ah.

Kiefer : mukha kang eggyolk.

Thomas : guys, awat na.

Mika : kawawa naman ang unggoy, nagmukhang ikaw.

Ara : on the red corner, presenting..  with 99 knock outs and O wins.. Kiefer "Burn" Ravenaaa!

Kiefer : only because i'm too kind to let it pass.

Mika : only because you're too dumb so you let it pass.

So basically, Kim spent her day counting hours and reading the exchange of banters by her friends. Nang matapos na ang huling klase niya, she head out to the train station.

Isa sa mga panghuling train ang nasakyan niya kaya medyo nagulat siya ng makita ang dalaga na tahimik lang na nakaupo sa gilid. As if on cue, inangat ni Cyd ang paningin niya at nagtama ang mata nila. Cyd gave her a smile worthy of endless praising and Kim gladly return the gesture.

"So..alam ko na kung bakit ka sumakay ng train ngayon." Panimula ni Kim nh makaupo na siya sa tabi ng dalaga.

"Oh? And why is that?"

"Siguro napagod kana kakatakbo sa isip ko buong araw."

Cyd chuckled at parang di makapaniwala na naiiling lang sa kalokohan ni Kim. "Di ko inaasahan yun ah." She says "Akala ko pa naman by now, sumuko ka na."

"Hindi ako susuko sa iyo, Cyd. Not unless you asked me too."

Cyd's heart clenches "Not sure kung banat ba yun or-"

"It wasn't."  Kim said seriously. Namumula tuloy na napayuko si Cyd. She's trying to hide the creeping smile but to no avail.

"May gagawin ka ba ngayong gabi?" Narinig niyang tanong ni Kim sa kanya matapos ang ilang mga saglit.

TRAIN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon