Chapter 1

34 2 0
                                    

---------Chapter 1- AL's Bestfriends-------

Aubrianna.

Nandito ako sa may pintuan ng room. parang kinakabahan akong buksan.

Pero kailangan kaya, dahan dahan kong binuksan ang pintuan.

Sabi na eh, titingin silang lahat sa akin. Huhu :(. I got everybody's attention. Ayaw ko nang ganun eh.

Hanggang sa may lumapit sa akin na babae. She's familliar though, pero di ko alam kung saan ko siya nakita.

"Audrey??", tanong niya

Audrey? Sino siya?

"Uhm, excuse me? I'm Aubrianna Louise Montecarlo. Not Audrey. Baka nagkakamali ka lang.", i said in calm voice

"NO! You're Audrey! Audrey Montecarlo!", she said while she's holding my both arms so tight!

Pano niya alam ang apelyido ko? Aish! Ang kulit naman ni Ate! Di ako si Audrey.

Bigla namang may lumapit na isa pang girl. At pinigilan niya yung girl na humahawak sa akin.

"Sorry, Miss. Kamukha mo lang kasi yung kaibigan namin. By the way, I'm Sheena. And this is my best friend, Kyla.." sabay turo sa girl na lumapit sa akin kanina. "Ikaw?"

"I-im Aubrianna Louise. AL for short." At nagshake hands kaming dalawa.

Si Kyla naman, tahimik lang siya. Nung nagtama ang mata naming dalawa, umiwas siya ng tingin. Pero halata ko na malungkot siya.

Talagang kamukha ko ba yung kaibigan nila? What happen to her kaya?

"Uhm, sige.may nahanap ka na ba na upuan mo?" -sheena. Umiling lang ako. "Dun ka nalang sa tabi namin."

Sumunod nalang ako sa kanila at naunang umupo si Kyla. Umupo nalang ako sa tabi ni Sheena

ang dami talagang tanong sa isip ko. ilang segundo nalang talaga magiging chismosa na ako!

Ayan na.....di ko na talaga mapigilan....waaaa!!

"Uhm, Sheena. Bakit ako tinawag ni Kyla na Audrey?", sabi sa inyo eh. Di ko talaga kaya. Haha

tanong ko yan kay Sheena, pero yung di maririnig ni Kyla

"Ay, sorry sa bestfriend ko ah. Ano kasi.....magkamukha kayo ng bestfriend namin. Eh kasi siya yung lageng kasa-kasama namin. Kaya nung nawala si Audrey, parang nawala na rin si Kyla." -sheena

Haay! Ang swerte naman kung ganun ni Audrey sa mga kaibigan niya.

"teka, ano ba kasing nangyare dun kay Audrey?" -ako

"Ang alam lang namin na-aksidente siya. Tas dinala siya ng family niya sa US. Kaya yun, di na namin alam kung buhay pa siya o patay na. Wala na rin kaming contact sa pamilya niya. Simula nun, di na namin nakitang ngumiti si Kyla."-Sheena

"Ahh, so ganun pala yun." -ako

Tumango lang siya
Di ko naman kasi alam ang sasabihin ko.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang sinaksak ang puso ko. Nasaktan lang siguro ako nung malaman ko yun.
Parang ang gaan ng loob ko sa kanila.

After some minutes, dumating na ang Professor.
Nag pakilala lang kami. Tapos dinismiss na kami.

Si Kyla naman, umuwi na. Masama daw ang pakiramdam. Pero you know what? Anak pala siya ng may ari netong school.

Kaya si Sheena lang ang kasama ko buong maghapon.
Puro kwentuhan. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanilang tatlo. Pati na si Audrey.

ang saya nga eh. Halos lahat ng paborito niyang ulam, dessert. Magkapareho kami. Pati hobbies namin.

"Uhm, AL. Sasabihin ko kay Kyla na magkapareho kayo ni Audrey lahat. Pero hayaan mo nalang kung sasabihan ka niya na ikaw si Audrey." -Sheena

"Ah, ayos lang." -ako

Ngumiti lang siya sa akin

Grabe ang saya ngayong araw.

Tinawagan ko ang driver namin.

nasa sasakyan ako ngayon, hinihintay namin si Ate.
Habang nasa sasakyan ako, biglang sumakit ang ulo ko.

"AAAAHHHHHH!!!!" sigaw ko

"Mam, ayos lang kayo. Mam? Gusto niyo po punta tayo sa ospital." Nag-aalalang sabi ni Mang Ernesto, driver namin..

"Ayos lang po ako Manong. Pagod lang siguro." Sabi ko pero di ako tumitingin sa kniya

Sobrang sakit talaga.
Habang sumasakit ang ulo ko, parang may naaalala ako.

Nasa isip ko na may tatlong mga babae. Sobrang saya nila. Nagtatatawanan at nagkukulitan.

Yung sarili ko lang ang nakikita ko. Yung mukha nung dalawang babae, ang blur!

Bigla nalang nawala ang sakit.
Sino sila? Sino yung dalawang babae? Pakiramdam ko, nandiyan lang sila.

Pero pano ko malalaman? E di ko nga alam ang mukha nila.

Dahil sa pagod ko kakaisip, nakatulog na pala ako....

************


(A/N: Hi guyth! Haha! So I dedicate this chapter to Jellah_aquino)

My Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon