Chapter 2:bagong school,bagong buhay

22 3 0
                                    

TONY'S POV


Nasa school bus na ako.Papunta na kami sa Montero University.


Sana naman wala ng mambully sakin dun.Gusto ko na ng tahimik na buhay.Sana naman mababait ang mga students dito.


Halos limang oras ang naging byahe namin.Ang layo pala talaga nito.Buti na lang at may dorm dun.Required daw lahat ng students na tumira sa dorm.Kasama na raw yun sa mga binabayaran na tuition fee namin.


Bumaba na kami sa bus.


Grabe ang taas ng pader nila.Tapos malaki rin yung gate at sa tabi nito ay may guard house.Lumapit ako duon.May isang guard doon na pinanonood ang mga footage ng cctv.


"Ahm manong guard pwede bang magtanong?"Sabi ko.Lumingon naman ito.Mga nasa 30+ palang ito.

"Ano yun?"

"Ito po ba ang montero univ?"

"Oo ito nga.Bago ka pa lang ba dito?"

"Opo"

"Sige pumasok ka na.Goodluck sayo."Binuksan na niya yung gate.Pumasok na ako at tumambad sakin ang napakaraming estudyante na naglalakad.


May mga buildings dito.Mayroon ding fountain sa gitna.May mga sementadong letra din na ang nakasulat ay.MU.


Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko ang schedula ko.Nandito na rin kung anong room no. ko.


Saan kaya ang mga dorms dito?


May nakita akong babaeng nakaupo sa may fountain habang nagbabasa.Nilapitan ko ito.


"Ahm miss nasaan ba dito yung DFB:56?"Tanong ko.

"Ah yun ba.Hindi ko alam yun eh.Magtanong ka na lang sa mga lalaki dun"at tinuro niya yung dalang lalaking naglalakad

"Ah ganun ba sige salamat"Pinuntahan ko na ang tinuro nung babae


"excuse me nasaan ba dito yung DFB:56?"tanong ko dun sa dalawang lalaki.

"Ikaw ba si Jake Anthony?"Sabi nung isang lalaki

"Ako nga.Bakit mo alam yung pangalan ko"tanong ko

"Ako nga pala si Drake siya naman si Zach,Magkaroom kasi tayo.Sabi nung teacher namin na may bagong student na dadating at magiging karoom namin."paliwanag ni Drake

"Ah ganun pala"

"Welcome to Mentero University brad"Sabi ni Zach

"Tara samahan ka na namin dun sa room natin.Papunta rin kasi kami dun"Sabi ni Drake.Tumanago na lang ako.


Habang naglalakad ako ay panay naman ang pagkwekwento nitong dalawa.Ang daldal nila.Mabuti pa sila mababait di gaya nung Jack & Jill na yun.haha


Pumunta kami sa isang building.Ito daw yung mga dorms ng mga lalaki at nasa kabila naman yung dorms para sa mga babae.Pumasok na kami sa building.May mga nagkalat na lalaki.May mga naglalaro ng baraha.May nagiguitara.Basta lahat sila may ginagawa.


Lumakad na kami hanggang sa huminto kami sa isang pintuan.Nga pala nasa 8th floor ang kwarto namin.Sabi nitong dalawang to na kada floor daw ay 7 ang kwarto.


Pumasok na kami.May dalawang double-deck na higaan.


"Diyan ka sa baba matutulog.Kami ni Drake dito sa kabilang double-deck.Sa taas mo naman nakahiga si Earl"Sabi ni Zach.Tumango na lang ako at nagayos ng mga gamit ko.Bukas na lang daw ako pumasok sabi ni mom.


Humiga muna ako tsaka pinikit ang mata ko.


"Nga pala Tony anong section ka sa first subject mo?"tanong ni drake


Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinignan ang schedula ko.


"Room 1A"Sabi ko.

"Ayos pre magklassmate pala tayong apat.Ano palang course mo?"

"Accountancy,kayo?"

"Chemical Engineering"Sabi ni Drake

"Business Ad yung sakin.Pareho kaming mga 1st year.Ikaw?"Sabi ni Zach

"1st year rin ako"

"Bakit ka nga pala nagtransfer?"

"Kasi pinagkamalan ako nung Principal namin na ako daw ang nagbutas ng gulong ng pinakamamahal niyang sasakyan"Natawa naman yung dalawa.

"Grabe naman yung principal niyo.Para lang sa nabutas yung gulong,natanggal ka na agad?"

"Ewan ko dun.Mabuti na nga lang at may tumanggap pa sakin na eskwelahan eh."


At ayun nagkwentuhan lang muna kami.Hindi sila pumasok kasi tinatamad sila.haha.Sasabay na lang daw sila sakin bukas tutal magkakaklase kami.


Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok ang isang lalaki.


"Uyy Earl ang aga mo yatang bumalik ah?"Tanong ni Zach.

"Tinatamad akong pumasok.Ang boring dun"Sabi ni Earl at umakyat na sa double-deck.

"Nga pala Earl siya si Tony.Siya yung bagong karoom mate natin."Pagpapakilala ni Drake sakin kay Earl

"Nice to meet you tol"Sabi nito habang nakahiga.


At ayun nakisali na sa kwentuhan si Earl.Mabuti pa dito mga friendly ang mga estudyante samantalang doun sa dati kong school puro mga demonyo yung nandun.haha


*******************************


Hanggang dito na lang muna.Maguupdate pa ako sa iba ko pang stories,Sana po basahin niyo sila.


-ADBG

Mysterious SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon