Dear kapre,
Hi kapre kumusta kana?Sana nasa mabuti kang kalagayan.Natataka ka siguro kung bakit sumulat ako.... nababadoyan na nga ako sa ganito pero diba dito tayo nagsimula.sa kabadoyan na to....sabi mo pa nga noon ang pangit ng sulat ko....hahaha.naaalala mo pa ba kung paano tayo unang nagkita at nagkakilala?siguro Hindi na...pero ako tandang tanda ko pa.Kapre sabi mo noon doon sa party ni kuya Matt mo ako unang nakita pero Mali ka....kasi bata palang tayo kilala mo na ako.ako yung batang lagi mong kalaro sa seesaw sa subdivision natin palagi mo ngang sinasabi sakin noon na pag malaki kana papagawan mo ng madaming seesaw sa playground natin para di na tayo papaalisin ng ibang bata pagnaglalaro tayo...hahaha pag inaaway nga tayo tinatago mo ako sa likod mo kasi sabi mo di ako pwedeng masaktan kasi magkakalasog lasog ako...hahaha..grabe...ka.bata ka palang nakakainis na ugali mo pero kahit ganon di mo ako pinabayaang masaktan.Umuwi tayong parang mga batang yagit sa kalsada...pinagalitan kapa nga pero ngumiti ka lang sa mama mo at nagpaalam ka na sakin.
Isang araw Hindi na kita nakita sa playground..Hinintay kita araw - araw,hanggang naging linggo,buwan,taon,kahit inaaway na ako ng mga bata...para umalis lang ako sa seesaw natin...oo natin kasi diba sinulat mo dun pangalan natin.Hindi ka pa din dumating....nalungkot ako noon.pero hinintay pa din kita hanggang sa nakita ulit kita sa party na yun...sobrang tangkad mo na....ang laki ng pinagbago mo...tinawag kita lumingon ka naman.kaya nilapitan kita pero alam mo ba ang nakakatawa.nakalimutan mo ako.ang sabi mo pa nga Hu U??
BINABASA MO ANG
Sulat ni Bansot kay Kapre
Short StoryLihim sa sulat ay hanapin. hanapin ang taong mamahalin. mamahalin na walang alinlangan. alinlangan na muling masaktan. masaktan man ng paulit-ulit. paulit-ulit na sa puso ay pumunit. pumunit at Hindi na binalik. binalik ng isang halik.