anong nangyari

10 1 0
                                    

Anong nangyari saating dalawa.Palagi na tayong nag aaway at matagal na Hindi magkikibuan...


Hanggang sa nasanay tayong Hindi palaging magkasama.

Hindi na kita maramdaman.


Namimiss ko na ang dating ikaw...

Isang araw nakita mo akong kasabay si Gian maglakad sa corridor.

Nagalit ka at sinigawan ako.Hindi mo man lang ako hinintay magpaliwanag umalis kana lang.


Mula noon nawala na si kapre na boyfriend ko.


Kung sino sinong babaeng kasama mo.

Dinadaan daanan mo lang ako.

Nasasaktan nanaman ako dahil sayo.

Hindi ko na alam gagawin ko.Napapagod na ako sa pagmamahal sayo.

Tanga nga siguro ako dahil Hindi mo naman sinabing mahal mo din ako.

Pagod na ko kapre...pagod na pagod na...

Sa araw araw na nakikita kitang masaya sa iba,nadudurog ako..
Pakiramdam ko wala akong kwentang girlfriend kasi di kita mapasaya tulad ng ginagawa nila.


Sumusuko na ako Kapre.Hindi na ako aasa na babalik ka sakin.pagod na ako.

Mahal kita pero pagod na ang puso kong mahalin ka.

Isang tulad mo na masyadong mataas na Hindi ko maabot.at kahit kailan Hindi yuyuko para maabot kita.

Hanggang dito na lang ang sulat ko.
Hanggang dito nalang din kita matatawag na kapre.



P.S Bakla c Gian at Crush ka nun.hanggang sa huli gusto kita mapasaya.Kenneth ikaw lang mahal ko walang iba.

Paalam.


Nagmamahal,
Bansot

Sulat ni Bansot kay KapreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon