Hindi ako makapaniwala na ang isang tulad mo liligawan ang simpleng katulad ko...nganga ang reaction ko sa mga sinabi mo..kung di lang siguro may pumasok na langaw bibig ko di pa ko gagalaw.
Tawang tawa ka pa sa nangyare sakin.wala kang puso....hahaha
Ilang linggo ka ng umaaligid sakin.Binibigyan mo ako nang kung ano ano...bulaklak na papel,chocnut na honey yung tig pipiso,candy na dilimon yung 50 centavos isa.hay ang cheap mo pero sumaya at kinilig pa din ako.
Sa kulit mong di inakala.sinagot kita noong lumuhod ka pa talaga habang may hawak kang tatlong lollipop na may sulat na be my girl!
At Simula na yun ng bansot and kapre love team...kainis ka nga kasi bansot talaga.alam ko naman na obvious na ganon ako pangalandakan mo pa..
Kaya kapre tawag ko sayo eh kasi obvious din...
Pero bakit parang may kung ano sa mukha mo noon na malungkot ka...yun naba yun kapre kaya nangyari lahat ng to ngayon.?
Siguro nga...
BINABASA MO ANG
Sulat ni Bansot kay Kapre
Short StoryLihim sa sulat ay hanapin. hanapin ang taong mamahalin. mamahalin na walang alinlangan. alinlangan na muling masaktan. masaktan man ng paulit-ulit. paulit-ulit na sa puso ay pumunit. pumunit at Hindi na binalik. binalik ng isang halik.