Kabanata 5

44 6 0
                                    

Kabanata 5


Matapos ang P.E classes namin ay bumalik na kami sa classroom para sa mga sumunod na subjects.

Patuloy parin ang pagrereklamo ni Mia habang nagkaklase. Palaisipan sa kaniya kung bakit hindi siya pinili ni Migs bilang ballroom partner.

"Type siguro ako 'nun kaya ayaw niya ako maging kapartner?"

"Huh? Baka naman ayaw niya lang talaga sa'yo?" I said in a soft voice.

"Alam mo, wala akong pinapalampas kahit kaibigan!" pananakot niya sa akin.

After a few hours of lecture, the bell rang, indicating that it's lunch time already. Pero as usual, parang bingi ang science teacher namin dahil patuloy parin siya sa pagsasalita.

"Oh, and next week, we will be having a long quiz on natural hazards, mitigation, and adaptation. There will be a multiple choice and an essay portion so you have to review thoroughly..."

We all groaned.

"Bakit kasi inuna pa niyang ikwento ang talambuhay niya kesa sa mismong lecture?! Kasabay pa naman natin ang mga seniors sa lunch ngayon!"

I nodded to agree.  "Mabaha na panigurado ang pila dun."

"Sana hindi tayo maubusan ng chicken inasal..."

"Buti nalang nagdala ako ng baon ko ngayon!" I said.

She made a face. "Akala ko ba cheat day natin ngayon?"

Mabenta ang chicken inasal sa lahat ng mga estudyante rito dahil masarap talaga. Kahit nga mga mayayamang estudyante na kaya namang bumili sa booth ng Chowking at Greenwich, sa Mama Sal's Inasal parin sila kumakain.

Balak ko naman talaga sanang bumili. Kaso kailangan ko na magtipid ngayong nahati pa ang allowance ko dahil ni Macy.

Inaayos ko na ang mga gamit sa bag while our teacher was still chatting away. Some of my classmates also started packing their things, hoping that she would take the hint.

"So, class, do you have any question?" si Ms. Sanchez.

Mia raised her hand enthusiastically, as if she was completely unaffected by the hours of lecture.

"Yes, Mia?"

"Pwede na po kayang mag-lunch, Miss? Baka lang po lumamig na yung chicken inasal sa canteen..." si Mia.

Tawa kami nang tawa, but her timing was on point.

Si Mia, bukod sa pagiging bubbly, ay medyo chubby rin, na siyang dahilan kaya mas chinky ang mata niya kapag tumatawa o ngumingiti. Pero bagay sa kanya ang pagiging ganun; it made her look even cuter. Kapag siya ang kasama mo, hindi mo mapipigilan na makisabay sa tawa niya, na parang walang bigat sa mundo. Her energy was really contagious. Habang ako'y tahimik at mahilig lang magmasid, siya naman ay palaging masayahin at maraming opinyon sa mga bagay-bagay.

Sa wakas ay pinalabas na kami para sa lunch.

Habang naglalakad kami ni Mia sa hallway ay bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na boses mula sa likod namin.

"Sajie?" tawag ni Uziah.

Narinig ko ang ilang kantyaw ng mga barkada niyang nag-iintay sa labas. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Uziah sa kanila dahil nanahimik naman sila matapos ang ilang sandali. Si Mia naman ay tahimik lang sa gilid ko, pero kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti.

Kailangan ko na talagawang linawin na wala akong gusto kay Uziah.

"Uh... bakit?"

He fumbled through his pocket to get his phone. "Free ka sa sabado? Para makapag-practice na agad tayo nung sayaw?"

Chasing Horizons (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon