Kabanata 4

54 6 0
                                    

Kabanata 4


Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil naghanda pa ako ng almusal.

"Natapos mo ba ang assignment mo?" I signed at Santi.

Tumango siya sa akin bago kumain. Pagkatapos ay tinulungan ko na ang kapatid na mag-ayos bago dumaan ang tricycle na maghahatid sa kanya papasok sa school.

Hindi kasi kami parehas ng paaralang pinapasukan dahil masyadong mahal ang tuition sa La Salle University-Panay o LSU. Nakapasok lang naman ako sa roon bilang scholar matapos kong gumraduate noong elementary bilang valedictorian. Hangga't maaari ay gusto ko sanang parehas kami ng eskwelahan ni Santi kaso hindi pa siya eligible na kumuha ng scholarship kaya sa pampublikong paaralan muna siya inienroll nina Auntie.

I looked at my reflection in the mirror as I was wearing Haze's uniform on me.

My cheeks flushed as a thought crossed my mind.

Tama nga siyang malaki iyon nang bahagya sa akin ngunit sakto lang naman ang haba ng damit at pants. Buti nalang ay medyo pinagkalooban naman ako ng height kaya hindi na gaanong halata na hindi sa akin ang uniporme.

Kumuha ako ng salonpas para tapalan ang malaking pasa na namuo sa itaas ng braso. Buti nalang ay bahagya iyong natatakpan ng mahabang sleeves ng uniporme.

I signed 'goodbye' to Santi after dropping him off outside the house.

He made a heart with his hands and waved goodbye to me.

"Ingat po kayo sa biyahe, kuya!" bati ko sa tricycle driver ni Santi.

Nang makaalis sina Santi ay lumabas na rin sa gate ang pinsang suot ang bagong bag.

When our eyes met, she rolled her eyes at me.

Dapat siguro inalatan ko pa ang itlog na niluto ko kanina para sa kanya.

"Ayaw mo bang sumabay nalang sakin papasok?" alok ko.

Inenroll din kasi ni Auntie si Macy sa LSU kahit may kamahalan ang tuition. Binabawi nalang daw ni Auntie iyon sa pag-oovertime at sa dagdag bonus na nakukuha niya mula sa kumpanya. Gusto niya rin daw kasing matulungan ko ang pinsan sa pag-aaral at mas mainam iyon kung pareho kami ng school. We never study together though... more so, interact with one another.

She gave me a disgusted look. "At ano? Mag-amoy usok bago makarating ng school? Susunduin naman ako ng mga friends ko kaya no thanks."

A black SUV parked in front of the house not long after. When the car door opened, Macy's friends' cheerful chatter filled the air.

"Oh my gosh! Girl, I love your new bag!"

Macy turned back to me and extended a hand.

Alam ko na agad ang ibig sabihin noon—kukuha nanaman siya ng parte sa allowance ko. Hirap na nga akong pagkasyahin ang isang libong baon sa isang linggo tapos babawasan niya pa.

"Kailangan ko ng 500 ngayon. Ibabalik ko nalang sa susunod," demanda niya.

"Huh? Ni hindi mo pa nga nababalik yung ibinili mo ng—" hindi ko na natuloy ang sinasabi nang marahas na humakbang si Macy papalapit.

"Hindi ka talaga nadadala kay Daddy, 'no?" she whispered lowly, making sure that I'm the only one who heard it.

The mere mention of Uncle made me tremble. Dahil ayaw ko na humaba pa ang usapan, I just handed the 500 pesos that she was asking over.

"Thanks! Ibabalik ko agad sa susunod!" she said in a sweet, high-pitched voice.

I knew better, at alam kong hindi ko na muling mababawi pa ang hiniram niyang pera.

Chasing Horizons (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon