Kabanata 3

67 6 0
                                    

Kabanata 3

NOTE: This part includes triggering content which may not be suitable for some readers.


"Why are you admiring my portrait instead of my brother's?"

"Ah, pasensya na," I stammered, feeling my cheeks warm up. "Ganda lang kasi talaga ng pagkakapinta nitong sayo..." I threw in a nervous laugh.

He raised an eyebrow.

"Sinong artist niyo? Ang galing nung technique na ginamit kasi kuhang-kuha yung mga kurba sa mukha mo, nabigyan ka ng hustisya."

He let out a small smirk like he knows he's got the looks.

"It was Angelo Cabrera who painted that one," he mentioned the name of the country's multi-awarded national artist so casually.

Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkakabigla ay inabot na niya sa akin ang isang paper bag.

"Here's the uniform. It's all yours..."

"Uh... salamat. Ibalik ko nalang pagkatapos kong labahan,"

"I already said that it's all yours. I'm not using it anymore so you don't have to return it to me."

Kinamot ko ang batok. "Meron naman talaga akong P.E uniform diba? Dadaanan ko nalang ulit yun sa tahian kapag nagbukas ulit sila."

"You should go there during daytime instead. It's very dangerous for someone like you to go there alone at night."

Umiling ako. "Marami namang tao sa palengke kahit gabi na kaya wala naman sigurong masamang mangyayari sa'kin don."

He sighed. His eyes turned a bit dark.

"Salamat pala ulit dito. Mauna na rin ako..." I said after breaking the few seconds of silence.

"Ihatid na kita sa inyo. Let's go."

Nauna na siyang naglakad papalabas kaya hindi na ako nakaalma pa. Pabor na rin iyon sa akin dahil mas makakatipid at mapapabilis ang pag-uwi ko kung ihahatid niya ako. Mahirap na ring makasakay sa jeep o tricycle kapag ganitong oras dahil paniguradong punuan na iyon mula sa mga trabahanteng pauwi galing trabaho.

Habang sumusunod ako sa kanya papalabas, napansin kong medyo mabigat ang dalang bag. Just when I was about to check it, a white pick up parked in front of us. Mula roon ay bumaba ang isang bodyguard at iniabot ang susi sa binata.

Haze tried to open the door for me pero buti nalang ay naunahan ko na siya. Nakakahiya naman na pati sa pagbubukas ng pinto ay iaasa ko pa sa kanya.

"Sorry, are you uncomfortable?"

"Huy, hindi! Nakakahiya lang sayo,"

"I don't mind. It's just for courtesy," he said it cooly.

Oo nga pala, normal lang para sa kanila ang mga ganitong bagay. 

Huwag kang feeling special, Samara Jisel!

I nodded quickly, forcing a small smile. "Pasensya na. Hindi lang talaga ako sanay..." and it was because I was always too shy to accept help, too used to doing things on my own.

Habang nagmamaneho ay napapansin kong lumilingon-lingon si Haze sa gawi ko.

"You really don't interact with Uzi that much?" basag ni Haze sa katahimikan. 

Kumunot nang kaunti ang noo ko dahil bumalik nanaman sa kapatid niya ang usapan.

"Uh... hindi talaga," I replied with a smile. "Pero sobrang approachable naman niya lalo na nung naging groupmates kami sa isang subject nung first semester,"

Chasing Horizons (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon