Chapter 2

1 0 0
                                    

After ng 3 class namin eh sa wakas recess na grabe gutom na gutom na ko no

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria eh iniiwasan ko yung mga titig sakin ng mga estudyante na sobrang sama at talim ng titig sakin pano ba naman kasi kasabay ko maglakad ang lalaking pinagpapantasyahan nila na halos tumulo na yung mga laway nila sa pagkamangha nila sa lalaking to.

Pagkapasok namin sa loob lahat ng mata nakatingin na naman sa'min particularly sakin di ko naman sila masisisi kung ganyan ang mga tingin nila pano ba naman kasi yung Campus Heartthrob eh may kasamang isang babaeng transferee lamang sa school na to di nila ako kilalang lahat kaya nagtataka siguro sila kung sino yung kasama nitong si Jacob

Dumiretso kami sa counter para makabili na ng food namin shemss gutom na gutom na aketch eh kaya gusto kong kumain ng marami kaya umordet ako ng pasta, pizza, footlong at saka float at masasabi kong sobrang sarap ng luto nila dito 😍

Habang kumakain ako eto namang kaharap ko eh napansin kong nagpipigil ng tawa hmmm...

"oh bakit para kang sira jan?"

at ayun hindi na napigilan at tumawa na nang pagkalakas-lakas napagingin tuloy samin yung ibang studyante

"hoy ano ba tumahimik ka nga pinagtitinginan tayo oh ang lakas-lakas kasi ng tawa mo"

"Hahahahahahahahah sorry na hahhahahaha"

at hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa

"bakit ka ba tumatawa?"

"eh kasi naman po para kang ibibitay na bukas hahahaha ang dami mong binili tapos tingnan mo yung mukha mo may amos para kang bata hahaha"

tapos nag-lean siya ng konti parq makalapit tapos pinunasan niya ng tissue yung gilid ng labi ko at itong si ako namula at hindi makagalaw grabe ang lakas ng tibok ng puso ko

Dug. Dug. Dug. Dug.

"HOY! okay ka lang? hahahaha namumula ka?"

"A-ah w-wala hehehehe"

umiwas ako ng tingin at pagkabaling ko ng tingin sa ibang direksyon nakita kong maraming babae ang masama ang tingin sa akin

Omaygash patay parami nang parami ang haters ko first day ko pa lang dito hakot haters na agad ako huhuhuhu 😭😭😭

Dear Destiny,
Sana tumagal ako sa School na to mukhang di na ko makakalabas ng buhay dito eh at saka wag mo namang gawing sobrang sweet nitong si Jacob hindi ko keri eh baka mamaya ma-fall agad ako sa kanya kakakilala lang namin sa isa't-isa

-
A/N Sorry po ang balak ko pa talaga dito eh hindi na to ituloy pero nung nagbukas ako kanina ngayon ko lang nakita na may mga views pala ito akala ko walang magbabasa nito hahahaha kaya nag-update ulit ako ng isang chapter try ko pa kapag mas tumaas ang views itutuloy-tuloy ko to hihihi pasensya na po ulit sa super late update

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon