E

7 1 0
                                    

"COPD or Chronic Obstructive Pulmonary Disease. Alam kong alam mo na dati pa na may sakit ka. Iha, kung inagapan mo lang sana..maaring mawala yang sakit mo." narinig mong sabi sayo ng doctor. Halos isang buwan ka ng confine sa ospital, at ngayon lang nakuha ang result mo.

At nararamdaman mo ang labis na pagkahina ng katawan mo.

*knock knock knock*

"Hi. Dinalhan kita ng flowers tsaka yung favorite mong bread." masayang bati sayo ni V. Pero di makakaila na may lungkot sa mga mata nya.

"Salamat. Bakit ka nga pala pumunta dito?" pagtatanong mo sakanya.

"Syempre para makita ang babaeng nagpapasaya ng araw ko. At gusto rin kitang alagaan."

"V, bakit mo ba to ginagawa?" natatakot kang marinig ang sagot nya. Baka ang dahilan nya lang pala ay pagkaawa para sayo. Hindi yung pagmanahal na kailangan mo.

"Dahil..masaya ako sa ginagawa ko..at dahil mahal kita."

'Speechless' 'Overwhelmed' Tuwa at saya ang naramdaman mo.

"V--" bago mo pa matuloy ang sasabihin mo, napigilan ka na ng mapula at malambot nyang labi.

"Gusto ko gawin natin yung isa ko pang gusto. Magstargazing tayo." aya mo kay V matapos nyang angkinin ang labi mo.

"Sige."

Lumipas ang mga oras at ginawa nyo na ang plano.

Nasa garden kayo ng ospital at tanging kayo lamang ang tao dun. Naglatag kayo ng kumot at dalawang unan.

Pero imbis na gamitin mo yung unan, braso ni V ang pinatungan mo ng ulo.

"V..salamat at nandito ka para sakin. Salamat at naramdaman ko ang pagmamahal mo. Salamat kasi di mo ko iniwan. Inalagaan mo ko..salamat. Mahal kita V tatandaan mo yan." bawat sambit mo sa mga salitang yan ay pagpatak ng mga luha mo.

Nakatingin lang sa langit si V.

"Bakit ganyan ka magsalita? Parang iiwan mo na ko ah. Di ba marami ka pang gustong gawin?" ngayon tuloy-tuloy narin ang pagpatak ng luha nya.

Masakit makita na nasasaktan ang taong mahal mo ng dahil sayo.

"Ahaha..aishh kantahan mo na lang ako ng favorite song ko." sabi mo sakanya.

'Lying beside you here in the dark,
feeling your heartbeat with mine.
Softly you whisper, youre so sincere
How could our love be so blind.'

Boses nya lang ang gusto mong marinig. Yun lang at wala ng iba.

'So now I come to you, with open arms
Nothing to hide believe what I say.
So here I am with open arms.
Hoping you'll see what your love means to me open arms.'

Tiwala lang. Tiwala.

'Living without you, living alone.
This empty house seems so cold.
Wanting to hold you, wanting you near.
How much I wanted you home.'

Di mo kakayanin kung wala si V. At hindi nya rin kakayanin kung wala ka.

'But now that you've come back
turned night, into day
I need you to stay.
Open arms'

'Kailangan mo nga ako V. Pero di ko na kaya. Siguro ito na ang last na maririnig ko ang boses mo.'

"Okay lang. Sige magpahinga ka na. Andito lang ako. Magmamahal,mamahalin ka at mahal ka. I love you."

***

Wahhh last chapter na next. Keep it up guys...

Read

Vote

Comment

My First and My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon