Continuation ... <3

595 29 11
                                    

**

[Aril’s POV]

“Baby Aril, gising ka na diyan magshoshopping pa tayo. Bibili tayo ng Hello Kitty na underwear!”

“Uwaaaaa kuya Seven! Ano ba yang mga pinagsasasabi mo? Ayoko kay Hello Kitty! Pang-bakla yun e.”

Tumayo na ko. Nagugutom na ko e. Dumiretso na ko sa kitchen. Naka-sunod naman si kuya.

“Himala ata! Bakit wala ang Lucky 13 dito?” pagkatapos uminom na ko ng tubig

“Wala. Ngayon na kasi alis ni Red papuntang France.”

Nabitawan ko yung baso na kapit ko.

“A-ano?”

“Oo e. Naka-arrange marriage sila ni Samantha at para mailayo yun kay Top, pinapapunta sila sa France.”

0____0

“…”

“Wala ka bang gagawin bunso?” biglang pagsulpot ni kuya Six

“Oo nga. Diba mas romantic kung hahabulin mo siya?” tanong ni kuya Seven

“Too cliché kambal” sagot naman ni kuya Six “Korni nun, napapanood ko sa tv yun e.”

“Oo nga pala” kuya Seven

“Hmm. Paano kaya?” kuya Six

“Ayy bahala kayo diyan. Wala akong gagawin. Kung siya nga walang ginawa e. Paano pa kaya ako? Ayaw nun sa’kin.” Naglakad na ulit ako papunta sa kwarto ko at humiga dun.

Aalis na siya? Di man lang nagpaalam sa’kin. Isa lang talaga ibig sabihin nun. Wala lang talaga ko para sa kanya. T_T

**

Andito ako sa bar ni Enzo. Safe ako dito, di katulad nung gabing niligtas ako ni Red. Leshe. Red na naman, namiss ko tuloy, isang buwan na siya dun sa France. Ni-ha ni-ho wala. Kaya ako, magpapakalunod sa alak ngayong gabi. Para makalimot kahit sandali lang, para maging manhid sa sakit.

“Hoy Aril, tama na yan. Papatayin ako ng mga kuya mo.”

“Di magagalit yun *hic* Ako bahala shayo! *hic*”

“Ay nako” hinihila niya yung baso ko, ayoko nga ibagay sa kanya >_<

“Boss, may problema po dun sa VIP Room.” biglang lumapit yung isang bouncer kay Enzo

“Sige … Hoy Aril, dito ka lang ah. Wag kang aalis. Intayin mo ko, ihahatid kita.”

Pag-alis ni Enzo, biglang may lumapit sa’kin na lalaki.

“Hi miss! Want to come home with me?”

“No! *hic* Di naman Red pangalan mo e. *hic*”

“Red ang pangalan ko.”

“Ulul! Gawin kitang pink diyan e. *hic* Si Red gwapo, di katulad mo. Shupii!”

Pero dahil ayaw niya umalis, ako na lang ang aalis. Tumayo na ko at nagsimulang maglakad. Bakit para atang gumegewang yung mundo? Pero hindi, lakad lang. Kaya ko ‘to! Buti naman di na sumunod yung panget na yun. Pakain ko siya kay Lolong e. >_<

Sumakay na ko sa kotse ni kuya Six na pinahiram niya sa’kin. Bait talaga ng mga kuya ko! ^____^ Gumegewang pa rin yung mundo. Uwaaaaaaah ~

Nagdrive lang ako ng nagdrive, pero bakit ganun? Binubusinahan ba nila ko? Hindi yan. Galing ko kaya magdrive! Ibang kotse yun.

Napa-swerve ako bigla ng may sumalubong sa’king kotse then nawalan na ko ng malay.

**

Nagising na lang ako na nasa ospital ako. Andami namang nakakabit sa’kin. >____< Andito si Rex Parco, yung isa sa mga close friends ko, naka-upo siya dun sa bedside chair na nandun sa tabi ng kama ko at nakakapit siya sa kamay ko. Lokong ‘to. Hmmm. Nasaan na kaya ang mga kuya ko? Pinisil ko na lang yung kamay ni Rex.

Ang ninanais kong ending sa love story ng JaRil &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon