"ARE you okay?" pang-siyam na beses na niyang narinig ang tanong iyon simula nang dumating siya sa dance school. Sinasagot na lamang niya ng tango at pilit na ngiti. Everybody is treating her like she's fatally ill. Lahat ng co-instructors niya ay napapahinto kapag nakikita siya. Napapa-iling ang mga ito't binibigyan siya ng nakaka-simpatiyang tingin. May ilang tumapik ng balikat niya at nagsasabi ng pampalakas-loob. Habang tumatagal, pakiramdam niya'y nasasakal na siya. Hindi siya makapag-concentrate sa pagtuturo ng sayaw dahil palaging may sumisilip sa kanya na kung hindi napapabuntong-hininga'y napapangiti ng malungkot.
Nang muling bumukas ang silid ay tuluyan ng naubos ang pasensiya niya. Pinatay niya ang music at hinintay kung sino ang papasok. Takang napatingin sa kanya ang mga batang tinuturuan.
"Yes?" aniyang nakatikwas ang kilay.
"Oh, you're really back," ani Maricar pagkasilip.
"Pati ba naman ikaw?" aniyang hindi napigil ang inis sa boses. Hinila niya ang bestfriend palabas ng silid.
"Please, Maricar, all of you, stop treating me like... like a loser!"
Bahagya itong napaatras sa biglang pagtaas ng tinig niya pagkuwa'y nag-aalalang napatitig ito sa kanya. "Are you sure you're okay? We're just concerned about you, Jane. Matagal ka ring nawala."
Dama niya ang sinseridad nito pero pinatigas niya ang tinig. Tatlong buwan din siyang nawala at alam niyang siya ang tampulan ng tsismis sa nakaraang tatlong buwan dahil pinagpalit siya ng magaling niyang kasintahan sa malanding boss nila. Huminga siya ng malalim para kontrolin ang galit sa dibdib. She came back to show she's not the one on the losing end. Pero sa nakikita niyang simpatiya sa mga kasama ay daig pa niya ang talunan. "I am back to work. It means I'm okay. I'm moving on. Kaya kung pwede lang, kung totoong concerned kayo, stop checking on me. And for goodness' sake, stop looking at me like I'm the most pathetic person in the world because it doesn't help. It's freaking me out!"
Tila naumid ang dila nito. "I'll tell them. It's just," tumikhim ito para maalis ang bara sa lalamunan.
Iniwasan niyang tingnan ang mga mata nito dahil ayaw na niya ng kahit na anong drama. She's done crying. Maricar of all people would understand. Dahil ito ang iniyakan niya sa loob ng tatlong buwan.
"I'm just happy you're back!" anitong pinasigla ang tinig. "Don't worry, ako na ang bahala sa kanila." anito't nginitian siya. Nang umalis na ito'y pumasok siya pabalik ng silid.
"Okay, class, back to your original position," aniya saka pinatugtog ang music. Nang magsimula siyang sumayaw, tuluyan na niyang nakalimutan ang lahat ng alalahaning bumabagabag sa isipan niya nang nagdaang mga araw. Sa bawat pag-ikot, pag-kembot at pag-indak, nakadama siya ng kasiyahang ngayon lang niya ulit naramdaman.
"One, two. One, two, three. And turn. One, two. One, two, three. One, two." aniyang sinabayan ng pagpalakpak ang pagbilang. Napangiti siya sa ipinakitang liksi ng mga bata. She just realized how much she missed them. Sinabayan niya ang liksi ng mga ito. Pinahid ni Jane ang pawis na namuo sa noo. "One last turn and bow." They all turned and gracefully ended the dance. "Very good, kids!" aniyang napapalakpak. Nakangiting nagsilapitan ang bata at niyakap siya.
"Miss Jane, na-miss ka po namin," ani Ella.
"Na-miss ko rin kayong lahat." aniyang niyakap ang mga ito ng mahigpit. "Bukas ulit ha. Walang male-late."
"Opo, Miss Jane!" halos sabay-sabay na sabi ng mga ito saka tumakbo patungo sa mga sundo na naghihintay sa mga ito. Kinawayan niya ang mga ito. Alas-dos na ng hapon. Habang paalis ang mga bata, nagsidatingan naman ang mga teen-agers na tuturuan niya ng hip-hop. Ilang beses pa'y pumuwesto na ang mga ito. Kita niya ang excitement sa mga mukha ng mga estudyante niya. "Everybody ready?"
BINABASA MO ANG
MY UGLY FIANCE
RomanceDear Readers, The full story is now published on Dreame. Thank you for all your support ☺ Daghan kaayong salamat 😘 Love, Calla Lily