"MAMA, ayoko!" matigas na sabi niya. Kaagad niya itong hinarap pagka-alis ng mga Mondragon. "Hindi ako magpapakasal sa Hercules na iyon!"
Binitawan ng ina ang hawak na ballpen at hinarap siya. Kasalukuyan itong naglilista ng mga kamag-anak nila. Pakiramdam niya'y sasabog na ang dibdib niya sa sobrang dami ng emosyong ayaw niyang maramdaman. Everything that happened today is just too much for her!
"Jane, anak, para ito sa'yo, para sa magandang kinabukasan mo."
Gusto niyang maiyak sa inis. How can her mother be so insensitive? "Mama, kung siya lang rin ang mapapangasawa ko, hindi ko na hahangarin pang dumilat sa susunod na araw!"
"Janina!"
"Mama, para sa inyo rin kung bakit ako tumatanggi. Ayokong magkaroon kayo ng pagkapangit-pangit na mga apo."
Natigalgal ang ina niya sa sinabi. Tila hindi ito makapaniwala sa narinig buhat sa kanya. "Kahit kailan hindi sukatan ng pagkatao ang panlabas na anyo, alam mo iyan, Janina!" anito ng makabawi. "Mabait si Hercules. Hindi kagaya ng walanghiyang Lemuel na iyon."
"Kung naging masama pa ang ugali niya, talagang wala na siyang pag-asa sa mundo," himutok niya. "At pwede ba, Ma, huwag natin isama si Lemuel sa usapan. Alam kong nag-aalala ka sa'kin pero hindi sa ganitong paraan ako magiging okay. Arranged marriage? Who does that these days? Saka kung sakaling may ipapalit man ako kay Lemuel, iyong mas nakakahigit sa kanya. Mas matalino, mas mabait, mas mayaman, mas maabilidad, mas gwapo. Importanteng mas gwapo, Ma! Pag nalaman nila na si Hercules ang mapapangasawa ko, I'm dead. Pagtatawanan nila ako habambuhay!"
"Janina! Hindi kita pinalaking ganyan!" anang Mama niya na tila aatakihin sa narinig. Alam niyang dapat na siyang maalarma dahil pangatlong beses na siyang tinawag sa buo niyang pangalan pero wala siyang planong bawiin ang sinabi.
Napabuga siya ng hininga. "Mama, I'm just being honest. Hindi ko kayang magpakasal sa mukhang halimaw na iyon."
"Si Hercules lang ang nakikita kong lalaking nararapat para sa'yo, hija. Mabibigyan ka niya ng magandang buhay. At ang pinakamahalaga sa lahat, alam kong mamahalin ka niya at hinding-hindi ka niya iiwan."
"How do we know that, Ma? Ni hindi ako kilala ni Hercules, paano niya ako mamahalin? But even when it's Hercules or other men, hindi pa ako handang makipagrelasyon. Mas hindi ko handang mag-asawa. You're my mother, you should know how I feel! Masyado nang marami ang iniisip ko, Ma, sana huwag na kayong dumagdag pa. Bawiin n'yo ang napagkasunduan ninyo ni Mrs. Mondragon dahil sinasabi ko na sa inyo ngayon pa lang, walang kasalang magaganap. Kung ipipilit n'yo sa akin ang Hercules na iyon, hinding-hindi n'yo na ako makikita pa!" matigas na sabi niya sabay talikod.
"Janina! Bumalik ka rito. Hindi pa tayo tapos mag-usap!" narinig niyang tawag ng Mama niya pero tuluy-tuloy siyang lumabas ng bahay. Kina Maricar siya magpapalipas ng sama ng loob. Wala siyang planong kausapin ang ina hangga't hindi nito binabawi sa mga Mondragon ang planong pagpapakasal sa kanila ni Hercules.
Palabas na siya sa bakuran nang bumangga siya sa matigas na bulto ng katawan. Napahiyaw siya ng wala sa oras.
"Ikaw?" gulat na tanong niya nang mapagsino ang nabunggo. "Anong ginagawa mo rito?"
"I told you, I wanna talk."
"Didn't we just talk?" aniyang tinalikuran ito at tuluyang lumabas ng gate. Plano niyang iwanan ito pero mabilis itong nakasunod sa kanya.
"I wanna talk about us."
Pakiramdam niya'y umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya't kumukulo iyon. "There's no us! And there will never be an us!" she said on gritted teeth. Bigla nitong kinuha ang kamay niya't hinila siya. Hindi man lang siya nakapalag dahil mabilis siyang pinapasok sa loob ng Land Rover nito. Napasigaw siya sa pagkabigla pero wala siyang nagawa dahil mabilis siyang itinulak nito paloob.
BINABASA MO ANG
MY UGLY FIANCE
RomanceDear Readers, The full story is now published on Dreame. Thank you for all your support ☺ Daghan kaayong salamat 😘 Love, Calla Lily