HUGOT DAY

91 6 2
                                    

Athena...

ATHENA...

Uyyyyy...

A-T-H-E-N-A!!!!!

HOY!!!!

Saka lang ako napatingin sa bestfriend ko na si Blaire..

We're both pretty and hot.. Goddess- like creatures of Marian Marks Academy.. Guys look for us but we never look at them.. That's how we live it.

"Huy Bes, I thought we were heading for lunch? Bakit ka natutulala diyan?" sabi niya habang nakatutok sa phone niya.

Napansin kong parang medyo kinikilig siya habang nakatitig sa phone niya..

"Sorry na. Medyo nawala lang sa sarili. May iniisip lang ako. Alright. Tara na let's eat"

Pero bago pa kami tumayo, hinablot ko yung phone niya.

"UY!!! AKIN NA YAN!!! NOOOOO!!!" hysterical niyang reaksyon. Nahablot niya ulit yung cp niya bago ko pa nakuha.

"Ayan ah!! Sino yang tinititigan mo at parang kilig na kilig ka?" tanong ko sa kanya while raising my eyebrow.

"Wa- wala yu-n Ha-ha.." she stuttered..

"Weh, wag mo nga akong pinaglololoko!" sinubukan ko ulit kunin yung cp niya pero tumakbo na siya agad kaya hinabol ko siya.

Nung hingalin na ako,

"SIGE! IWAN MO NA AKO! SANAY NAMAN AKO MAG- ISA! MAY MGA TAO TALAGANG KAHIT ANG TAGAL MO NA KASAMA, IIWAN AT IIWAN KA PA DIN! SALAMAT SA 2 TAON NG PAGKAKAIBIGAN BLAIRE!"

>.>

<.<

O.O

Lahat ng students napatingin sakin..

Student 1: Hala! Hugotera si Ate!

Student 2: AY! Bet ko yan! Hahahaha Hugot pa!

"Bes, tara na.." binalikan ako ni Blaire.

"Hmmp. Ganyan ka naman kung kai-..." tinakpan ni Blaire ang bibig ko.

"Tama na hugot bes, gutom lang yan.. Lezz go!"

Pinunasan ko bibig ko..

"Ew! bes! Ang asim ng kamay mo! Pwe!"

"Hahahaha.. Bes, mabuti nang maasim kaysa bitter" sabay wink sakin.



*SA CAFETERIA*

Dinuguan- 30 Sinigang- 20 Menudo- 45

Rice- 8 Lasagna- 50 Spaghetti- 35

Cake- 25 Sprite/Coke- 15 Coffee- 12

"Bes, nagmahal nanaman yung Lasagna huhuhuhuhu" poor kasi tong si Blaire eh..

Isang malaking dukha! Pero kahit ganyan yan mahal ko yan. Natural kasi beauty namin pareho, no need for make- up. How do we capture guys heart?... Simple.......Appeal, Personality and Charisma.. *Period*

"Buti pa yung lasagna nagmamahal, ako kaya, kailan niya mamahalin?" hugot ko sa kanya.. with matching pout at puppy face pa.

"Hayyyy juskoooo Athena!!! Magbago ka na! Libre mo na lang ako ng lasagna please??? RK ka naman diba?"

"RK? *buffering* ahhhh Rich Kid! Bes, alam mong di ako RK ako ay isang hamak na kabataan na may sapat at tamang baon sa pang araw- araw na gastusin, adhikain ng aking pamilya na ako ay mamuhay ng matiwasay at malusog sa aking pananatili sa akademyang ito"

Break His Heart 101Where stories live. Discover now