Ly POV:
Hello college life
Bago lang ako dito Ateneo De Manila University wala akong friends at hindi ko pa kabisado itong university
Hindi ko nga alam kung saan yung room ko eh huhuhu iyak na
Sana kasama ko din ngayon yung bestfriend ko si kim. Kim Fajardo isa din siya sa mga ka varsity ko noon sa university of sto. Tomas at ngayon sa De La Salle University siya nag aaral.
Madaming nagkalat na estudyante tapos yung iba magakaka barkada pa jusko op na ako huhuhu tapos nalilito pa ako kung saan ako pupunta
Lakad dito Lakad dun jusko 10 minutes na lang late na ako kakamadali ko may nakabangga ako
Grupo ng mga lalaki mukhang maaangas at mukhang mga sikat base pa lang sa mga tilian ng mga babae
'Nako lagot'
'Bagong mabubully?'
'Tatanga tanga kasi si girl'
Omg lupa kainin mo na ako ngayon na huhuhu
"Tatanga tanga kasi" sabi nung isang lalaki
"Bagong mabubully masaya 'to" sabi nung isa pa nilang kasama
"Cute sana kaso tanga" aba matutuwa na sana ako kaso sinabihan ako ng tanga.
Pogi pa naman siya kaso mayabang
"Oy boys tama na yan tumigil na kayo sa pang titrip" inakbayan ako ng babae mukhang mabait siya
Hayyy sa wakas umalis na rin yung mga grupo ng lalake
"Hi i am dennise lazaro but you can call me denden and you are?"
"I am alyssa valdez po" tapos nginitian ko siya
"Huwag ka ng mag po feeling ko naman hindi nagkakalayo yung edad natin. Feeling ko di mo pa alam kung saan yung room mo halika samahan na kita"
At ayun nga sinamahan ako ni Ms. Lazaro ang gaan ng loob ko sakanya kahit ngayon pa lang kami nagkita
And finally nandito na ako sa room ko buti di pa ako late
Karamihan dito mukhang wala ding kaibigan kagaya ko
Bago magsimula ang klase may dumating na lalake.....
Teka siya yung nagsabi sakin ng 'cute sana kaso tanga' nakakainis kaklase ko pala yun
At kamalas malasan yung katabing upuan ko na lang ang bakante
"Pst hi ano pangalan mo?"
Di ko siya pinapansin at nakinig na lang ako sa professor namin.
-------------------
*kringggg kringggg*
Hayyy salamat lunch na sarap mag unat.
"Pstttt cute sabay na tayong maglunch"
Lumabas na ako ng room at hindi pinansin ang lalaki
Pumunta na ako sa canteen at pagdating ko ang daming tao buti may nakita akong isang bakanteng upuan.
Habang kumakain ako may isang lalaking nagsalita
"Pwedeng maki upo puno na kasi eh?" Tanong ng lalaki dahil busy ako sa pagkain tumango na lang ako
Pag angat ko ng ulo ko...... SIYA NA NAMAN?!
Aalis na sana ako at papatayo na kaso bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko

BINABASA MO ANG
The Varsity Couple
FanfictionSabi nila ang mga volleyball players daw ay bagay sa mga basketball players. Si Alyssa Valdez ay may tahimik na buhay ngunit simula na naging varsity siya ay naging sikat siya at dito niya nakilala si Kiefer Ravena. Isa itong basketball player ng k...