Chapter 6

1.7K 49 6
                                    


Kief POV:

Isang linggo na ang nakaraan simula nung nangyari ang kaguluhan dun sa canteen

Pagkatapos nung nangyari na yun tumigil na sila sa pambubully pero sila naman ang napagtripan ngayon ng mga estudyante

Napapangiti na lang tuloy ako tuwing naaalala ko yung nangyari pagkalabas ko este namin ng canteen

Flashback:

Hinatak ko na siya palabas ng canteen

"Oy saan ba tayo pupunta?" Tanong niya

Imbis na sumagot eh pinaupo ko na lang siya sa isang bench

Pagkaupo niya bigla siyang umiyak

"Uyyy bakit ka na naman umiiyak" umupo na rin ako sa tabi niya at saka pinunasan yung luha sakanyang mata

"Ikaw kasi eh" pinalo niya ako sa braso

Etong si Ly oh pasimple din........nako HAHAHAHA JK lang

"Hindi pa naman tayo magkaibigan uhm i mean yung sobrang close friends pero pinagtanggol mo ko" pagpapatuloy niya

So hindi pa pala niya ako tinuturing na close friend? Tsk samantalang ako.......sabagay di ko naman siya masisi di naman kasi maganda yung unang pagkikita namin

"Edi sige mag umpisa tayo ulit. Uhm miss Hi i'm Kiefer Ravena. Kief for short pero kung gusto mo pwede mo naman akong tawaging babe" hindi ko alam kung bakit ko nasabi yung babe, kumindat na lang ako sakanya para magmukhang di seryoso yung sinabi ko

Tumawa ng malakas si Alyssa, tignan mo 'to kanina lang umiiyak tapos ngayon sobrang lakas naman ng tawa

"HAHAHAHA ikaw talaga. Hello i'm Alyssa Valdez. Aly or Ly for short" pagpapakilala niya

"Friends?" Nilahad ko ang kamay ko

"Friends." Sagot naman ni Ly

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap

"Thank you Kief ah" -Ly

*End of Flashback*

Nandito ako ngayon sa Blue Eagles Gym maaga akong gumising at pumasok para makapanood ng training nila tuloy mamayang 9:30 pa naman first class ko

May dala dala rin akong breakfast for Ly binili ko sa MCDO

Natapos na yata silang mag jogging kasi buong lady eagles nandito na

"Okay girls ten minutes break" sigaw ni coach Tai

Lumapit naman sakin ang Team Besh

"Aga mo naman Kief may dinadalaw ka ba" tignan mo 'tong si denden iniinis na naman ako

"Kayo" tipid kong sagot

"Wow MCDO! Para sakin ba yan?" Tignan mo 'tong si Ella pagdating sa pagkain nagniningning ang mga mata

Kinuha niya yung MCDO tapos kumuha siya ng fries

"Uyyy akin na yan hindi yan para sayo para kay Ly yan" sabi ko at saka pilit inaagaw sakanya yung MCDO

"Tsk oh ayan na!" HAHAHAHA kakatawa talaga si donya

Kinain naman na ni Ly yung dala ko pero hinatian pa rin niya sila ella

"Gusto niyo ng pick up lines?" Tumawa naman sila denden at amy

"HAHAHAHA sige nga" tawang tawang sagot ni amy

The Varsity CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon