Kief POV:Tumakbo na ko palabas ng gym. Hindi ko alam kung bakit ganito yung mga kinikilos ko
Kahit ako sa sarili ko naguguluhan na ako
Lahat ng madaanan kong estudyante o janitor tinatanong ko kung nakita nila si Ly pero lahat sila ang sagot "hindi"
Pumunta akong library, clinic, canteen kahit sa room namin pero wala siya
Napadaan ako sa mga grupo ng babae pero mukhang di naman nila ako napansin
Sila.............. sila nga yung nasa video......... sila yung mga fangirls ko na umaway kay Ly
Gusto ko silang awayin o pagalitan pero naisip ko na masasayang lang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay
"HAHAHAHAHA ang panget niya talaga bagay lang yung sakanya"
"Tsk ang itim itim niya saka mukhang probinsyana di natin siya ka level"
Sinarado ko ang kamao ko ayokong pumatol sa mga babae pero tang*na nila, naglakad na lang ako at ipinagpatuloy ang paghahanap kay Ly
Gusto kong sabihin oo di niya talaga kayo ka level kasi hindi siya malandi kagaya nyo
Biglang pumasok sa isip ko na baka umuwi na siya
Pumunta kaagad ako sa parking lot at pinuntahan ang dorm niya
Nagtanong tanong ako sa mga ibang tumutuloy dito kung saan ang room ni Ly
Hindi naman ako nahirapang hanapin
Nandito na ako sa tapat ng room nila Ly
Kumatok ako ng pinto, piangbuksan ako ng isang babae ng pintuan........
isang babae na gulo gulo ang buhok, may pasa at namumula ang pisngi
Sa mata pa lang niya makikita mo na yung sakit
Yung maamo niyang mukha ngayon ay may pasa at namumula
Yung makikinang niyang mata ngayon ay parang may laman na timba timbang tubig na gusto ng kumawala
BINABASA MO ANG
The Varsity Couple
Fiksi PenggemarSabi nila ang mga volleyball players daw ay bagay sa mga basketball players. Si Alyssa Valdez ay may tahimik na buhay ngunit simula na naging varsity siya ay naging sikat siya at dito niya nakilala si Kiefer Ravena. Isa itong basketball player ng k...