Nauso ang hoverboard,selfie at hashtag. Natapos na ang On the Wings of Love. Ang pinakamalupit pa, nananatiling matibay ang tambalan ng Aldub. Sa lahat ng ito, hindi nagpabebe ang mga Ilocano at tila tubig na nakiagos sa pagbabagong pangteknolohiya, at nakiragasa sa mga usaping panlipunan. Ngunit hindi maikakailang hindi dumaloy palayo ang kaugalian na bumubuo sa ating pagka-Ilocano.
Nakiagos sa uso. Halos lahat ng Ilocano ay mayroon nang Facebook, pati na rin ang mga nanang at tatang natin. Maging sa pagkuha ng mga litrato ay nalulong tayo, mula selfie ay naging foodie hanggang sa matagpuan ng mga lente ng ating kamera si Carrot man at iba pang kalalakihang nagdulot ng 'ayat' sa mga Ilocana. Napawi din ang ating inis sa traffic na dala ng kabikabilang pag-aayos ng kalsada at kabitteran sa buhay dahil sa pabebe wave nina Alden at Yaya Dub na nagsimula ng pangako ng #forever. Bagaman nahirapan ang karamihan sa atin, lalo pa't tayong pinalaking konserbatibo, ay unti-unti nating niyakap ang teknolohiya.
Nakiragasa sa mga problema. Tayong mga Ilocano ,dati ay kalmado at tahimik sa mga usapin ng pulitika, ay nagsimula nang makialam at magpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng 1.2 terabytes na memoryang dala ng Internet. Naging sikat tayo sa iba't ibang larangan tulad ng pulitika, showbiz, at maging sa sports. Nagkaroon ng mga Ilocanong lider sa mga matataas na posisyon tulad ni Juan Ponce Enrile, lider ng minorya sa Senado. Sumikat ang komedyanteng si Vice Ganda mula sa La Union, at Doug Kramer na sinasabi ring mula sa naturang probinsiya. Sa ngayon ay halos may Ilocanong nagpupunyagi sa iba't ibang larangan at nakikisabay sa pakikipagpaligsahan sa loob o labas man ng bansa dahil sa 'laing' na taglay natin.
Nagpatuloy at hindi nagbabagong ugali. Magbago man ang lahat, hindi na ata mawawala ang pagkamatipid nating mga Ilocano, na kung minsan pa ay napagkakamalang 'kaimotan' at matuturing na siguro nating isang pagkakakilanlan natin. Naniniwala pa rin tayo sa Katawtaw-an, Karkarma, at Al-alia. Nagpapatuloy pa rin ang paggawa natin ng Panagpudno bago ang kasal at pagbibigay ng parawad sa ikakasal. Nagsisindi rin tayo ng atong sa labas ng bahay kapag may namamatay. Mayroon pa rin tayong bain at panagdaydayaw sa mga matatanda. Ang umaapaw na kultura't tradisyon natin ay patuloy na dumadaloy sa ating dugo at maipapasa maging sa susunod na siglo.
Ang mga Ilocano ay patuloy na magiging tubig na makikisabay sa agos ng pagbabago sa ating mundo. Totoo ngang umunlad na ang mundo at halos lahat ay nagagawa mo sa isang kisap mata, ngunit ang kulturang naitanim na sa ating pagkatao ay patuloy na 'aanod' sa ating buhay. Sa daigdig kung saan lahat ay nagbabago, nagpapatuloy pa rin ang ating kinagisnang kultura't tradisyon na maipapasa pa natin sa susunod na henerasyon kung ito'y ating pagayayamanin at patuloy na isasakatuparan nang sa gayon ay taasnoo pa rin tayong magsasabi ng 'Ilocano ak!'.

YOU ARE READING
Random Tigers & Thoughts
De TodoFloating Ideas around my head. I actually just made these because it can't just fir in my head anymore.