Flashbacks: A look from the past

213 9 1
                                    

Viceral's POV

I remember where we started. I remember how we met, how I noticed her for the first time.

Thursday 3:20pm, Reavie High School.

Lunch ngayon at nakatunganga lang ako dahil wala akong baon. Lagi naman, umaasa lang ako sa mga libre ng mga kaibigan ko. Mahirap lang ako 'no, di ako rich kid! Dito nga lang ako sa public nag-aaral, pwe! Pero okay lang, di naman ako galit sa life.

Kumukulo na tiyan kooo! Thuglife.

"Oy! Jomar! Kain na tayo!" Tawag sakin ng mga kaibigan ko. Para namang nag-ningning ang mga mata ko at pumunta sa kanila. Maswerte na lang talaga ako at may kaibigan akong katulad nila. Binigyan nila ko ng pineapple juice at isang Cream-o. Ayos!

"Mag-girlfriend ka na kasi para may magdadala sayo ng pagkain! Hahaha!" Sabi sakin ni Ara.

"Ayoko nga, kaw na lang! Babae din ako, di kami talo!"

Nagsalita si Jarisah. "Iniimagine pa naman namin kung magpakalalaki ka sa isang babae."

"Oo nga! Waaah! Mima! Hihintayin ko yun hihi~" Gatong pa ni Rachel.

Eww, yung nanay-nanayan nila magiging tatay? Lima kasi sila, JEARK kung tawagin yung barkadahan nila at ako yung mima. Sila Jarisah, Ellyra, Ara, Rachel at Keera. Bongga 'no? Di mawawala ang R sa kanila.

"Marjorie! Marjorie!" Sigaw sakin ni Paola habang papalapit siya. Si Paola, yung kasamahan ko sa Musical play dati. Section 2 siya.

"Oh? May chika ka teh?" Nag-besohan kami bago siya magsalita. No malice, babae din naman aketch.

"May nagkakagusto sayong kaklase namin! Matagal ka na pala niyang gusto, ngayon lang namin nalaman dahil tinatago nya." Matawa-tawa niyang sabi.
Jongina?!

"Speaking of!" Sabay-sabay na sabi ng mga anak-anakan ko.

Napa-irap ako sa kanila at tiningnan sila ng nakakadiri. Alam naman nilang di ako naiinlove sa babae. Dati lang yun, nung Grade 6! Pero eww, ngayon hindi na!

"Maganda?" Yun na lang ang natanong ko kay Paola.

"Oo!"

Ay, taray. "Maganda pa sakin?"

"Kelan ka ba naging maganda?" Tumawa siya pagkasabi nito. Ang hard ah!

"Nasaan?" Wala, curious lang. Kung maganda siya ba't ganun, ba't papatulan nya ang isang baklush na katulad ko?

Hinila-hila ako ni Paola sa Section 2. Di na sumama yung lima dahil magkwento na lang daw ako.

Nandun lang kami sa pintuan at may hinahanap ata siyang mukha. "Ayun oh!" Turo nya sa isang babae.

"Wala naman." Totoo naman kasi, ang chachaka ng mga girlalu dito! Walang maganda!

"Gaga, san ka ba nakatingin? Nasa dulo, nakaupo!"

Tumingin ako sa likod at may nakita nga akong babaeng tahimik lang. Nakaupo siya, nagbabasa ng libro.

Saglit napatigil ang mundo ko.

Maganda siya, maputi, medyo chubby, medyo mahaba ang buhok na kulay itim at bumagay naman yun sa kanya dahil maputi siya. Mataba ang pisngi pero kahit ganun ay maganda pa rin.

Mygosh, bakit naman nagkagusto 'to sakin?

"Hoy! Ano na? Maganda ba?"

"Oo nga, maganda nga." Tikom na tikom bibig ko.

"Karylle pangalan nya, Karylle Tatlonghari."

So.. Karylle is the name? Ang ganda, bagay sa kanya. Shemay! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?! Baklush ako! Baklush!

"Teka, pano ako naging crush nyan?" Tanong ko kay Paola.

"Eh diba bago mag-uwian lagi kang nandito, siguro palagi kang nakikita, late din kasi siya umuuwi eh. Wait nga lang, hindi mo siya kilala?!" Tanong niya sakin.

"Di eh!" Umiling-iling ako. Pero oo nga 'no? Malapit na mag-tapos school year ngayon ko lang siya nakita at nakilala! Grabe?!

"Mayaman yan, anak yan ng pulitiko dito. Kung alam mo lang. Sa public pinag-aral dahil malapit lang bahay."

Infairness, mayaman naman pala.

Bumalik na ko sa room namin at di talaga mag-sink in yung babae sa utak ko. Nakatulala lang ako. Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang nakasilip din sa bintana ng room nila at nakatingin sa room namin.

Para akong na-star struck.

Hala, ano ng nangyayare sa pagkababae ko? Natotomboy na ba ko? :((

------------------------------------------------------
A/N:

Luh, K. Go tay! Pakalalaki ka na. Nyways, mga kapatid, take a look at the past muna tayo. Balikan muna natin yung mga nakaraan nila, kung saan, pano at kailan sila nagsimula. Please comment your thoughts, and tell me wether I'll continue and update. Thankies!

VICERYLLE: Converted a gay [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon