Flashbacks: A look from the past 2

158 7 0
                                    

Third person's POV

Friday 7pm, Reavie High School

Uwian na ng First year highschool sa RHS. Nagsilabasan na ang mga estudyante habang ang mga iba ay nag-paiwan muna sa loob ng classroom.

Sa labas ng Exodus, nakatayong tulala si Karylle habang malalim ang iniisip. Tinitingnan naman siya ni Jomar na siyang papalapit. Makikipagkilala sana siya sa dalaga ngunit hinarang siya ni Frahser, ang dating crush ni Jomar.

"Ops, ops! Sumisilay ka na naman saken ha!" Sabay tawa nito.

"Gago, asa ka pa." Sagot naman ni Jomar.

"Aba aba, lumalaban ka na ha? Dati patay na patay ka pa saken."

"Dati lang yon! Di na ngayon!" Pagkasabi nito, tinulak siya ni Frahser at nabangga ang nananahimik na si Karylle.

Nag-hawak ang kanilang kamay at napa-sandal sa leeg ng dalaga ang binata. Gulat na gat sila sa pangyayari, dali-daling tumayo at umayos si Jomar at di man lang tiningnan o humingi ng pasensya sa binanggaan.

"Masakit kaya, di man lang humingi ng sorry. Pero okay lang! Shet, nahawakan nya kamay ko!" Sa isip ni Karylle.

"Nasira yung plano, sayang lang. Di ko pa tinanong kung nasaktan siya, ang tanga." Sa isip naman ni Jomar habang tumatakbo pabalik sa classroom ng Numbers.

Kinuha ni Jomar yung bag nya at si Karylle ay ganun din.

Hinabol ng binata ang dalagang naglalakad na sa tunnel ng eskwelahan, wala na namang masyadong estudyante kaya kinuha na ni Jomar ang pagkakataon.

"Hi!" Tumabi siya sa paglalakad ni Karylle.

Ngumiti sa kanya pabalik ang kausap. "Hello!" Masiglang bati nito.

"Uhm.. Ikaw si Karylle diba?"

"Oo, ako nga. Bakit?" Hindi mawala sa labi ang ngiti ng dalaga. Sa labas ay kalmado lamang ang mukha nito ngunit sa loob loob nya ay sumasabog na ang kanyang obaryo (Hahaha! XD)

"Ah, hindi ko na patatagalin pa. Totoo ba na may crush ka sakin?"

"Oo.." Pagaamin ni Karylle. "Pano mo nalaman?"

"Di na mahalaga yun." Bahagyang tumawa si Jomar. "Pano kapag nangligaw ako sayo? Sasagutin mo ba ko?"

Medyo nagulat ito sa tinanong ng binata pero sinagot din naman. "Pano lang naman diba? Oo naman."

"Ahh. Pero tototohanin ko yan. Liligawan kita ah? Sa ayaw at sa gusto mo."

"Ha? Pero teka, crush mo si Frahser ah! Tsaka diba bakla ka?"

"Hindi na. Nagbago na ko. Crush kita, ikaw na crush ko, crush na crush kita." Sincere ang pagkakasabi ng binata.

Hindi na nakasagot si Karylle. "Sige na, nagmamadali ako umuwi hindi na kita maihahatid. Pero nililigawan na kita ha? Wag mo kong pahihirapan. Ingat ka okay?" Sabay takbo ni Jomar.

Naiwang nakangiti si Karylle , kulang na lang ay tumili ito sa loob ng tunnel. Napatawa siya ng makita ang pagtakbo ni Jomar na naka-usli pa ang pwet.

"Bakla talaga. Hahaha! Pero okay lang, tatanggapin pa din kita." Nangiti nyang sabi sa sarili.

------------------------------------------------------
AN.

Okay, sorry na talaga kung ang lame at ikli lang ng update :( At naging busy si Author this past few days dahil nag-surprise siya sa boyfriend nya ^___^ Sorry na talaga huhu. I'll update as soon as possible. Thank you! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VICERYLLE: Converted a gay [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon