Nandito parin kami ni Thunder sa kotse at gabi na ihahatid palang ako ni Thunder sa condo ko. Andami kasi naming dinaanan kaya ginabi kami. Tahimik lang akong nakasandal at may nakapalsak na earphones sa tenga. Pag inaantok kasi ako nakikinig lang ako sa music para makatulog ang weird nga,e recent ko lang na-try 'yung gano'n.
Si Thunder nagda-drive lang na halatang pagod na din. Wala kasing tigil pagku-kwentuhan namin kanina tumigil kasi kami sa isang park nagpahangin lang pero nagtagal kami at humiga pa sa damuhan para kaming bata. Habang nakahiga kami sa damuhan kanina may naalala ako 'yung nasa panaginip namin na ang bully nya. Para kaming mga isip bata sa park kanina naghabulan pa kami, pinagtitinginan nga kami ng ibang tao do'n pero wala kaming pake basta masaya kami pero buti nalang konti lang tao do'n.
Tinignan ko sa phone kung anong oras na 11:16 PM na pala. Maya maya nakarating na kami sa condo ko.
"Bebs dito nalang kaya muna ako sa condo mo?" sabi n'ya.
Gabi na rin naman kaya tumango nalang ako tsaka kasama ko naman si bespren tsaka baka sa kwarto ni bespren s'ya matulog at kami ni bespren ang magsama sa iisang kwarto. Hinigit na n'ya ako papasok at pagpasok namin patay lahat ng ilaw baka tulog na si bespren. Umupo muna si Thunder sa may sofa at ako naman dumiretso agad sa kwarto ni bespren. Pagbukas ko ng pintuan wala sya do'n pero may nakita akong note sa may side table n'ya kaya binasa ko 'yon.
Bespren aalis muna ako ha? I'll be back in three days mwa!'
So kaming dalwa lang pala ngayon no Thunder dito. Ah okay-Ano?! Kaming dalwa lang dito ngayon?! Jusmiyo naman baka may mangyaring 'di inaasahan. Lumabas agad ako ng kwarto at nandoon si Thunder at ang bilis nakapagpalit na agad ng damit at prenteng nakahiga sa sofa at nanonood. Bumalik ako sa kwarto ko at nandoon na lahat ang gamit namin nakapatong sa may maliit na sofa sa kwarto ko 'yung damit na hinubad ni Thunder. Ni-lock ko muna 'yung pinto ng kwarto ko, at pumasok ako sa banyo mahirap na baka mamaya biglang pumasok si Thunder 'no? Tsaka kahit medyo malapit na 'yung kasal namin,e basta ko nalang s'ya papapasukin dito dapat nga next year pa ang kasal namin pero masyado excited si Thunder kaya ngayong year na daw.
Tapos na ako mag ayos at lumabas na ako sa banyo. Kumuha ako ng damit ko na pantulog at lumabas na ako sa kwarto ko. Naalala ko nga pala si Thunder wala nga pala syang dalang extrang damit lahat marurumi kasi nagamit na namin lahat ng damit namin na dinala. Nasa labas na ako ng kwarto ko habang nalalakad ako papalapit kay Thunder tinitignan kong mabuti kung anong suot n'yang damit. Nakarating ako do'n at napahagalpak lang ako ng tawa. Suot n'ya kasi 'yung t-shirt ko na malaki na may design na minnie mouse.
"Bakit 'yan sinuot mo? Hahahaha" tanong ko sakanya. Sinamaan n'ya ako ng tingin at umupo sa sofa. Nakatayo lang ako sa harapan n'ya.
"Wala na kasi akong damit. Bagay naman sa'kin diba? Ang cute ko diba? Gogorabels na ba tayo sisteret?" sabi n'ya at nagbakla-balaan pa s'ya. Tumawa lang ako.
"Oo ang cute cute mo Love!" sabi ko at pinisil pa ang magkabilang pisngi n'ya.
"What did you say?Love?" tanong n'ya.
"Oo. Love simula ngayon 'yun na tawag ko sa'yo. Ang childish kasi nung Bebs" sabi ko at umupo sa tabi n'ya."Okay wife!" sabi n'ya at ngumisi.
"Gaya gaya ka talaga nagbago lang ako binago mo na rin 'yung iyo" pagrereklamo ko. Hindi s'ya sumagot at umakbay lang s'ya sa'kin."We will sleep on one room okay?" sabi niya at tinaggal ko ang pagkakaabay n'ya sa'kin at sinamaan s'ya ng tingin.
"I'm just kidding wife. Don't take it seriously okay? May respeto ako sa'yo hinding hindi ko 'yun gagawin hangga't 'di pa tayo kasal." sabi n'ya at umakbay ulit sa'kin.
Napangiti lang ako sa sagot n'ya at itunuon ang atensyon sa panonood ng TV. Sinandal ko 'yung ulo ko sakanya humikab hikab lang ako kasi medyo antok na 'ko.
"I love you wife" bulong n'ya sa'kin.
Ewan ko ba kilg na kilig parin ako kay Thunder kahit sobrang tagal na namin. Para bang teenager kami. Lagi akong kinikilig sa mga simpleng sinasabi n'ya sa'kin. Hindi ako sumasagot nakasandal parin ako sakanya."Wife wala ka manlang sagot?" sabi n'ya at iniharap n'ya 'ko sakanya naka-pout pa s'ya habang sinasabi n'ya 'yon sa'kin.
"Alam mo na naman ang sagot ko" nakangiting sabi ko sakanya at tumayo na tsaka naglakad na papuntang kwarto ko pero bago pa ako makalayo hinigit n'ya ako pabalik sakanya.
"Hindi ka matutulog hanggat wala akong 'i love you too' " sabi n'ya.
Napabuntong hininga lang ako at humarap ng maayos sakanya.
"Goodnight. I love you too love!" sabi ko atsaka s'ya hinalikan umabot ng limang segundo ang paghalik ko sakanya halatang nagulat s'ya. Pagkatapos no'n ay dumretso na ako sa kwarto ko ayun si Thunder nakatayo parin at kitang kita ko 'yung mga bahid ng lipstick sa labi n'ya, halatang nagulat s'ya sa ginawa ko.Pumasok ako sa kwarto at ni-lock 'yon. Humiga ako sa kama at chineck ko muna 'yung phone ko, titignan ko kasi 'yung mga pictures namin ni Thunder do'n sa beach. Habang tumingin ako ng pictures biglang nagflash ang muka ni Thunder. Ayan na naman s'ya tumatawag. Sinagot ko 'yung tawag.
"Woah wife that was awsome. Ulitin mo ulit 'yon bukas ha? I love you!"
Magsasalita palang ako pero pinutol n'ya na agad 'yung tawag. If I know kinilig lang 'yon sa ginawa ko. Halatang gulat na gulat s'ya,e. Lalo pa naman s'yang guma-gwapo pag kinikilig.
Hay bukas ko nalang titignan 'yung pictures namin pa-pikit pikit na kasi 'yung mata ko,e. Nilagay ko na 'yung phone ko sa side table at natulog na.
-
A/N: HI GUYS! SORRY NAGKAROON LANG NG PROBLEMA SA PAGA-UPDATE NITO KAYA NATAGALAN SORRY TALAGA.