Chapter 8

1.1K 47 5
                                    

"Hoy kayong dalwa!" ulit pa niya.

Napatingin kami ni bespren sa may likod ng puno at ikinagukat ko kung sino 'yon. Grabe takot pa naman ako sa mga baliw na naggagala sa mga gan'to. Oo, tama nga kayo baliw 'yong tumawag sa'min ni bespren.
"Uh Bespren takbo na tayo?" sabi ko kasi papalapit siya dito samin.

"Gaga mas lalo tayong hahabulin niyan" sagot ni bespren.
"E! Ayoko na dito takot ako sa gan'yan" sabi ko.
"Maglakad nalang tayo pabalik do'n kunwari hindi natin siya narinig" sabi ni bespren.

Naglakad nga kami ni Bespren at hindi namin namamalayan na nasa likod pala namin yung baliw binilisan namin ni Bespren yung paglalakad pero sunod parin siya ng sunod hanggang sa tumatakbo na kami ni Bespren at maaabutan na niya kami pero may biglang humigit do'n sa baliw.

"Bakit mo sila sinusundan ha? Do'n kung ayaw mong ipahuli kita at ipadala sa mental" sabi no'ng lalaki at mukang naintindihan naman ata no'ng baliw kaya ayun nagtatakbo na ayaw niya ata madala sa mental hingal na hingal kami ni bespren.

"Okay lang ba kayo?" tanong niya samin pero grabe ang gwapo niya ngayon ko lang napansin 'yong ka-gwapuhan niya kasi masyado akong natakot do'n sa baliw kanina. Hindi ako makapagsalita napakapit ako damit ni bespren at pa hinihigit ko kasi ang gwapo talaga.

"Uhm. O-Oo okay lang kami. Salamat ha?" nauutal na sagot ko.
"Mabuti naman at okay ka este kayo. Diba model ka?" nakatingin siya sa direksyon ko.
"Ah O-Oo model nga ako" sagot ko. Si Bespren kinurot ako sa likod ko aasarin ako niyan mamaya alam ko na mga gawain niyang luka luka kong bestfriend,e.
"Ikaw si... Basta nagsisimula name mo sa E tapos ikaw" tinuro niya si bespren. "Model ka din kaso hindi ko alam name" sabi niya. "Anyway,I'm Jude" inabot niya sakin 'yong kamay niya . Jusko pati pangalan ang gwapo pakinggan.

"I'm Elize" nakipag-shakehands ako sakanya ang lambot ng kamay niya jusmiyo. Binitawan ko na ang kamay niya at kay bespren naman siya nakipag-shakehands.

"I'm Aby" sabi ni bespren.

"Model din ako. Hindi ko lang kayo maabutan minsan kasi lagi akong busy. Alam ko na number mo Elize dati pa simula no'ng nagsimula kayo sa modeling wala lang akong lakas ng loob para kausapin ka" sabi niya.

"Ah. Gano'n ba? Nahihiya ka lang sakin gano'n? 'Wag kang mahiya mabait ako super diba bespren?" Sabi ko at nakipag eye to eye contact ako kay bespren para Um-Oo siya.

"Hindi. Ay este Oo mabait 'yan sobra anghel nga 'yan e baka nga magkapakpak na 'yan sa sobrang bait" sabi ni bespren.

"See you when I see you nalang. May gagawin pa kasi ako e may photoshoot kami dito ngayon" sabi niya at umalis na agad kasi parang may tumatawag na sakanya.

-
*Condo*

Hay salamat naman at nakauwi na din sobrang pagod ko sa shoot kanina tapos ang awkward pa kasi ando'n yung girlfriend ni Thunder. Si Bespren naman pagkaalis ni Jude inasar agad ako bagong pag-ibig ko daw. Grabe pag-ibig agad? Hindi ba pwedeng crush lang? Nakakainis nga yang si bespren,e buti nalang hindi ako niyan inasar kanina sa shoot.

Humiga agad ako sa sofa nakaunan ako kay bespren nakaupo kasi siya. Ang sakit ng paa ko kaya humiga agad ako letse kasi 'yong baliw na 'yon.

"Hoy ano na namang iniisip mo? Si Jude na naman no?" pang-aasar sa'kin ni bespren.
"H-Hindi ah feeling ka crush ko lang naman 'yon" sabi ko at umupo ako para magkaharap kami ni bespren.

"Umamin ka din na crush mo siya. Deny deny ka pa kanina ha? Aamin ka din naman" sabi ni bespren.
"Pake mo ba? Crush lang naman wala namang masama do'n tsaka wala namang magseselos" sabi ko.
"Sus! Basta sinasabi ko sayo... Gwapo nga talaga siya Hahahaha" tawa pa nako aagawan pa ata ako ng crush nahigit ko nga buhok.
"Mang aagaw ka pa ng crush bespren may Aaron ka na,e" sabi ko at yung pagtawa niya kanina napaltan agad ng poker face. Oops! Haha.
"Ayoko do'n! Paasa naman yon! Letse siya! Ayoko sa lahat yung mga paasa e!" Bitter na naman po ang bestfriend ko Haha.
"Easy ka lang bespren. Bitter ka masyado e. Hindi ka naman talaga no'n siguro pinaasa sadyang busy lang siya sa trabaho niya" sabi ko
"Wala basta paasa siya!" sabi ni bespren.

Maya-maya biglang tumunog phone ko at unknown number ang lumabas. Sino kaya 'to? Sinenyasan ko si bespren na saglit lang. Sinagot ko at isang gwapong boses ang bumungad sakin.

[Hello?] Sabi niya.

"Hello? Sino po sila?"

[Jude]

"OM- - Este Oh bakit ka napatawag?" Omg si Jude pala 'to Jusko.

[Yayaain lang kita sana mag-dinner bukas] sabi niya. Ako? Niyaya niya mag dinner? Bukas? Pwede naman ako kasi hanggang Hapon lang 'yong shoot namin bukas.

"Sure" sagot ko.

[Thank you. See you tomorrow. Bye]

Magsasalita pa naman ako kaso binaba na niya. Nahihiya siguro siya? Ewan ko.

"Sino 'yon?" tanong ni bespren.
"Si Jude" sagot ko.
"Anong sabi?" taning ni bespren.
"Mag dinner daw kami bukas" sagot ko
"Kayo magd-dinner bukas? Omg. Go! May importante akong pupuntahan bukas, e" sabi ni bespren.
"Bakit sinabi ko bang sumama ka?" sarkastikong tanong ko.
"Sabi ko nga. Hindi mo nga ako pinapasama"

***
Nandito na ako sa kwarto ko katatapos lang namin kumain ni bespren. Nakaupo ako ngayon dito sa kama ko. Hindi naman siguro masama kung magd-dinner kami ni Jude tsaka sigurado naman akong kilala siya ni Mama Alex si Jude para din kasing familiar 'yong muka ni Jude sakin pero ang gwapo niya pa din Hahaha. Si bespren hindi mapakali kanina ewan ko ba do'n baka may gusto din siya kay Jude? Haha pero sigurado naman ako na wala 'yon bitter pa din 'yon, e.

Napatigil ako sa pag-iisip at bigka kong naalala si Thunder. Psh ewan ko sakanya wala na kong pake sakanya simula ngayon saka malapit narin naman matapos 'yong movie na ginagawa namin kaya okay na okay talaga sakin. Ayoko na siya isipin wala akong oras sa pag iisip sa tanong kagaya niya.

-
A/N: Anong masasabi niyo? Hahaha Team Jude o Team Thunder?

Sorry sobrang late nito sobrang busy ko din kasi.

My Bullylord Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon