Chapter 6

1.2K 50 6
                                    

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Thunder nasa labas sila ng girlfriend niya at magkausap sila nakatalikod yung girl kaya hindi ko pa nakikita 'yung muka niya. Ang ganda niya siguro kasi ang ganda niya nakatakikod palang e maputi tapos medyo curly 'yong buhok.

Maya maya binuksan na ni Thunder yung pinto ng kotse at pumasok 'yong girl at ang ganda niya promise pero mas maganda parin naman ako. Pumasok na din si Thunder sa kotse at nagsimula na magdrive.

"Hi! Ikaw pala 'yong nakisabay kay babe na sinasabi niya. I'm Angela and you are?"

"I'm Elize" nakangiti kong sagot at nakipagshakehands ako sakanya.
Hindi niya siguro alam na 'ex' ko si Thunder nakikipagusap siya ng maayos sakin, e ang awkward naman para sakin kasi tingin ng tingin si Thunder mula sa salamin.

"So pa'no nga pala kayo naging friends nitong si Babe?" tanong niya.
"Sa school lang dati" sagot ko. Hindi ko kasi alam isasagot ko e kinakabahan ko sakanya baka mamaya kung ano matanong nito sa'kin e.

Tumingin ako sa bintana ng kotse kasi baka makalagpas ako sa'min tinignan ko kung nasaan na kami at nagulat ako kasi lagpas na nga ako pero konti lang naman kaasar naman oh kwento kasi ng kwento 'tong girlfriend ni Thunder.

"Dito nalang ako Thunder." sabi ko at itinigil na ang kotse.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba na.
"Salamat Thunder. Nice meeting you Angela" sabi ko at umalis na do'n. Naglakad lakad ako hanggang sa makarating sa condo ko buti nalang hindi malayo 'yong lagpas.
Pumasok ako sa condo ko at nakita ko do'n si bespren nakahiga sa sofa habang nanonood ng tv.

"Bespren nakakainis ka! Bakit hindi mo ko sinundo uuwi ka rin pala ng maaga?" tanong ko.
"Sorry na bespren nakauwi ka na naman e diba? Tsaka alam kong pagod ka na tulog ka na muna" sabi ni bespren at hinila ako papuntang kwarto ko.

"Wait nga hindi pa 'ko nakain e" sabi ko.
"Magbihis ka na muna. Bye nonood na muna ako ng tv" sabi niya at umalis na sa harapan ko. Hay nako pabayaan mo na nga. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis muna hindi naman talaga ako kakain gusto ko lang bungangaan si bespren nakakain na kasi ako kanina.

Pagkabihis ko humiga agad ako sa kama ko. "Hay 1 month palang kaming hiwalay meron na agad siyang bago?Bakit gano'n ang bilis. Nakakainis siya ha? Parang hindi niya talaga ako minahal" napabuntong hiningi na nalang ako at nagpaikot ikot sa kama ko.

"Nakakainis ka Thunder! Bakit may bago ka na agad?! Ang sakit pa kasi!" pinaghahataw ko 'yung unan hindi ko alam na unti unti na pala nababasa ng luha ko 'yong unan. Bakit ako umiiyak? Magm-move on na 'ko diba? Bakit gan'to? Diba nasa bitter stage na ko? Bumalik lahat no'ng pinuntahan ako ni Thunder sa gubat. Nakakainis naman siya ang bilis niya maka move-on pero ako? Wala parin nangyayari bumalik pa sa umpisa lahat, Parang sa Laro lang pag nataya ka balik lahat sa umpisa. Nataya ako no'ng hinanap niya ko balik lahat ng feelings ko kaya ayun natalo ako bagsak na naman ako sa Depress Stage. Umiiyak na naman ako ngayon. Bakit kanina parang bitter lang ako? Bakit pag-uwi ko dito sa bahay umiiyak na naman ako.

Nagulat ako ng biglang magbukas 'yong pinto ng kwarto ko. Automatiko kong pinahidan 'yong luha ko at bumungad sakin ang pagmumuka ni bespren.
"Umiyak ka no?" bumngad niya.
"H-Huh? Hindi ah." tanggi ko.
"Weh? Rinig na rinig kaya sa labas sabi mo 'huhuhuhu' para kang umaatungal na baboy e" sabi niya at ginaya pa ang pag-iyak ko.

"Walanghiya ka bespren tinulad mo talaga ako sa baboy e no?" sabi ko.
"Iyak ka ng iyak diyan e si Thunder na naman ba?" sabi niya at umupo dito sa kama katabi ko. Tumango nalang ako.

"Nako bespren maaayos din ang lahat sayo 'wag kang mag alala mawawala din 'yang lahat ng sakit na 'yan" makahulugang sabi ni bespren tsaka tumakbo na palabas ng kwarto ko.
Ano namang ibig sabihin niya do'n? Hindi ko ma-gets. Bahala nga siya.
Pa'no naman maayos ang lahat e hindi nga ako makamove-on d'yan kay Thunder.
Maya maya tumunog 'yong phone ko may nagtext tinignan ko kung sino 'yon at bumungad ang pangalang 'Thunder' Ito parin pala number niya? Akala ko nagpalit na siya? Gulo niya aba.
Binasa ko ying text.

From: Thunder
Goodnight! :)

Anobayan ano ba 'to Gm? Yaan mo na nga siya. Ibinato ko 'yong phone ko may sofa dito sa kama ko sobrang lambot naman nun kaya hindi 'yon masisira.
Habang nagiisip isip ako dito sa kwarto ko bigla kong naalala si Angela 'yong girlfriend ni Thunder, madaldal naman siya mabait at higit sa lahat maganda kaya siguro mabilis na-inlove si Thunder pero kahit gano'n sa tingin ko mas mas maganda, mabait at madaldal naman ako sakanya. Hindi ako nagbubuhat ng sariling bangko ha? Alam niyo naman 'yon e.

Maya maya may nagtext ulit napatayo ako nang mabilis sa kama ko at kinuha 'yong hinagis kong phone kanina at tinignan kung sinong nagtext.

From:Bespren
Atungal baboy ka!!!

Walangya talaga 'yong si bespren sarap ding upakan minsan e. Dali-dali akong nagpunta sa sala para puntahan do'n si bespren pero wala siya do'n sobrang dilim pa nakakatakot tumingin tingin ako sa paligid baka nandito e pinagtataguan lang ako. Paglingon ko nakita ko si bespren may hawak na flashlight at nakatutoo sa muka niya, akala niya matatakot niya ko? Hindi pa nga ako nakakakita ng magandang multo.

"Akala mo matatakot mo ko ano?" sabi ko at nabatukan ko ng isa.
"Sorry na akala ko matatakot ka, e hehe" sabi niya at nagkamot pa ng ulo.
"Hindi pa ko nakakakita ng multong kamuka mo bespren" sabi ko.
"Matulog ka na ulit bespren tsaka sorry sa abala Hehe" sabi niya at naupo na ulit sa sofa.
"Matulog ka na din. Goodnight" sagot ko at naglakad na.

"Wait lang bespren! Basta tandaan mo maayos din ang lahat" sabi niya at naglakad na ko papuntang kwarto ko hindi ko talaga siya ma-gets.

-

My Bullylord Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon