Pagkapasok ko pa lang ng gate ramdam ko na ang kaba at saya dahil finally college student na ako. Dahil first day ngayon hindi muna ako nag-uniform. Nagtanong ako kung saan ang gym dahil P.E. ang first subject ko. Sabi nung lalaking napagtanungan ko sa pinakadulong building daw ang gym at pagdating ko sa dun konti pa lang ang tao. Ang awkward kasi hindi pa namin kilala ang isa't-isa. Almost 45 minutes na kaming naghihintay pero hindi pa rin kami nadadagdagan at yun pala nasa maling floor kami. Sa ground floor pala yung klase namin. Bale dalawang gym sa iisang building. Pagdating namin sa ground floor nandun pala yung iba naming classmate. Kaya nagtataka din ako kanina pa kung bakit ang konti pa lang namin kahit 45 minutes na kaming naghihintay.
Nagpakilala lang yung teacher namin sa P.E. tapos nagdiscuss lang ng konti kung anong gagwin namin next meeting at ano ang dadalhin then dinismiss na din kami kaagad. May naging kaclose kaagad ako, si Mariah. Maganda sya at medyo parehas kami ng height. Yung height namin cute size hahaha. Kumain muna kami sa canteen kasi 12 pa nag next class namin. May nakakausap din kaming iba naming classmate pero hanggang tanungan lang kung saan kami graduate ng high-school at saan nakatira.
Dahil nga first day hindi mawawala ang introduce yourself and expectations mo sa subject. Buong mag-hapon ganun lang ang ginawa namin. 5 pm yung huli naming klase. Sabay kaming umuwi ni Mariah dahil sa bayan sa Antipolo pala ang sakayan nya. Taga- Binangonan kasi sya. Bago kami maghiwalay kumain muna kami sa gilid ng simbahan kung saan mayroong mga kwek-kwek at gulaman. Habang bumibili kami doon namin napansin yung isa naming kaklase. Si Christia. Kinalabit ko si Christia tapos nangburaot kami ni Mariah! Hahahahaha ang kapal nga ng mukha namin kasi hindi pa kami close nun. Halata sa mukha ni Christia ang pagtataka dahil siguro ang weird lang na first time pa lang namin syang nakausap tapos nangburaot na kami!
Binigyan nya kami ng bente so bale tag-sampu kami ni Mariah. Nag-thank you kami kay Christia tapos nagpaalam na dahil uuwi na daw sya. Naghiwalay na din kami ni Mariah dahil babyahe pa daw sya. Habang naglalakad ako inisip ko yung pangbuburaot namin kanina. Ngayon lang ako tinablan ng hiya sa ginawa namin kanina.
Pagdating ko sa bahay nagbless ako kay mama at papa at dumiretso sa kwarto. Humiga kaagad ako sa kama. I stayed there for 10 minutes tapos naghilamos, nagpalit ng damit, at kinuha ang notebook at ballpen ko.
Dear Diary,
Masaya na nakakapagod ang araw na ito. Mayroon na kaagad akong bagong kaibigan. Si Mariah. May ginawa kaming kahihiyan kanina. Nang-buraot kami sa isa pa naming kaklase! Si Christia! Gusto ko syang maging kaibigan dahil mukha syang mabait. Dito na lang muna. Bukas na lang ulit! Good night.
Love,
Coleen
Hindi na ako kumain ng hapunan dahil kakakain ko lang. Nakatulog ako sa kaiisip kung ano pang mangyayari sa mga susunod na araw.
BINABASA MO ANG
How To Mend A Broken Heart
RomanceIlang beses ko nang sinabihan ang sarili ko na " Kailan kaya nya mapapansin na may gusto ako sa kanya?" Ilang beses ko nang sinabihan ang sarili ko na "Kung natuturuan lang ang puso na itigil yung nararamdaman ko para sa kanya ginawa ko na." Ilang b...