Chapter 2- Matter of choice

26 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw at napansin siguro ni mama na lagi akong tulala. Tinanong nya ako kung inlove daw ba ako. Noong una hindi ko sya sinagot at tinuloy lang ang pagwawalis ko. Gusto ko sanang sabihin na "Ma, heartbroken ako at late ka na po sa balita" hahahaha pero hindi ko na lang tinuloy. Ang magaling kong kapatid na si Nellie ay nagsumbong pala kay mama na lagi daw akong umiiyak tuwing gabi. Kinwento ko na rin kay mama ang nangyari at sabi nya h'wag na lang daw si Joben kasi sya ang dahilan kung bakit ako malungkot.


Sa tatlong taon kasi na nakasama ko si Joben naging komportable ako sa kanya. Lagi kaming nagkikwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Lagi namin sinasabi ang mga problema namin sa isa't-isa kaya nasanay na rin siguro ako na lagi syang takbuhan ko. Minsan pa nga nagjajamming kami at pinapanuod ko syang magbasketball. Parang kami pero hindi. At sana kami na nga lang pero wala e si Kim ang gusto nya. 


Naging cold ako nun kay Joben at napansin nya ito. Knowing na liligawan  nya si Kim at dahil bestfriend ko din si Kim nagpapatulong syang mangligaw! Oh diba gagawin pa akong tulay. Tinanong nya ako kung bakit ako umiiwas sa kanya pero ang sabi ko na lang ay medyo stress ako sa studies pero ang totoo ay nasasaktan na ako.


Umamin din ako kay Joben na may gusto ako sa kanya para maging okay na ako. Nag-sorry sya sa akin dahil si Kim talaga ang gusto nya at wala akong magagawa kung hindi tanggapin ito. Unti-unti bumalik ang closeness namin. May hurt pa rin akong nararamdaman pero hindi na tulad ng dati. 


Dahil nga si Joben ang first love at first heart break ko syempre hindi pa ko nadaliang magmove-on. Ang pagmomove-on kasi madaling sabihin pero mahirap gawin. It is a matter of choice. Kung iaaccept mo yung pain at magmove-on na lang o hahayaan mo yung sarili mong mabaon sa kalungkutan.


So, sabi ko sa sarili ko na never na akong magpapakatanga sa pag-ibig . At alam kong dadating yung panahon na may magkakagusto din sa akin.


At Dahil gusto ko talagang magmove-on sa kanya pinili ko yung first choice na accept the pain then move-on. Bakit? Kasi sabi ko nga it is a matter of choice. Pipili ka lang naman ng better choice dahil para sa sarili mo din naman yun. Kung saan feeling mo magiging masaya ka, yun yung piliin mo. Tsaka isa pa I don't want to hold grudges against my two best-friends. They deserve happiness and I deserve it too. 

How To Mend A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon