Chapter 18-Prom Partner

166 6 0
                                    

Hindi ko na talaga matanggap yung mga sinasabi sakin ni Eric...Kaya lumabas nalang ako ng room at naglakad lakad sa hallway ng hindi ko rin alam kung saan ako pupunta...Pumunta nalang ako ng music room para magpractice tumugtog..Pagpasok ko,,sakto walang tao...Mukhang nasa practice ata lahat...

Pumasok ako at umupo...Kinuha ko kagad yung gitara ko...Pero tutugtog palang ako,,may biglang tumunog dun sa may gilid...Parang may bumagsak...

Nilapitan ko yun at nagulat ako ng bigla kong nakita si Hannah...Nakadukdok siya...

"Hannah???Anong ginagawa mo dito??"-me

Hindi siya sumasagot,,pero patuloy parin siyang umiiyak...

"Hannah??Anong problema??Bakit ka umiiyak??"-me

Tumingin siya sakin sabay pinunasan yung luha niya...

"Bakit ka umiiyak??"-me

"Hindi ko na talaga kaya...Ganun ba talaga ako kabobo??"-hannah

"Ha??Bakit??Ano ba kasing nangyari sayo???"-me

"Hindi mo pa ba alam???Ako lang ang bumagsak sa test natin...Kaya lahat sila pinagtatawanan ako..."-hannah

"....."-me

"Ang totoo,,hindi naman kasi talaga ako matalino..Hindi rin naman ako ganun kabobo kung tuturuan ako..Pero nung bata kasi ako...May ginawa sila mommy para ma-top ako at magmukhang matalino..Binabayaran nila yung mga teachers ko para ibigay na sakin lahat ng tests at sagot sa mga assignments..Hindi ko rin alam yun nung bata ako,,kaya tingin ko tuloy ang tali-talino ko.. Pero kaya pala nila ginagawa yun dahil mahina talaga ang ulo ko.."-hannah

"Hindi totoo yan...Kaya ka lalong humihina,,kasi iniisip mo...Pero kung seseryosohin mo,, sigurado ako makakakuha kadin ng maganda grades kahit hindi yung pinakamataas..."-me

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..Dati naman na kong bumabagsak palagi pero ngayon lang ako nahiya..Feeling ko tuloy ang tanga tanga ko.."-hannah

Umiling ako..."May kaya kang gawin,,pero hindi mo lang talaga magawa kasi may hindi ka pa naiintindihan sa sarili mo..."-me

"Teka,,bakit ka nandito??Diba dapat may practice kayo??"-hannah

"Wala pa kasi akong partner eh..."-me

"Bakit naman wala parin???Diba dapat meron na??Wala ka parin bang napipili??"-hannah

"Eh kasi akala ko kapag nag-js ako,may girlfriend na ko..Pero dahil sainyong dalawa,,hanggang ngayon wala parin...Ang gusto ko kasi,,ang partner ko,,eh yung taong gusto ko talaga..."-me

"Ganun??Edi ibig sabihin wala ka paring gusto hanggang ngayon??"-hannah

"Ken!!!Ken!!Ken!!!"

Narinig kong tinatawag ako ni Eric...Kailangan ko ng lumabas para hindi na siya pumasok dito dahil malamang pag nkita nanaman niya ko dito,tutuksuhin nanaman ako nun...

"May naghahanap na sayo..."-hannah

"Ah..Oo..Sige lalabas na ko..See you later..."-me

Lumabas ako ng music room at nakita ako kagad ni Eric..

"Akala ko kung san ka na nagpunta..."-eric

"Bakit??May problema ba??"-me

"Si Abi...Wala parin palang partner sa prom...Sabi ni ma'am,,siya nalang daw ang partner mo..."-eric

"Ha??"-me

"Oo..Pumunta ka na sa practice hall..Hinihintay ka na nila..Bilisan mo..."-eric

HANNAH's POV:

Mga 30 minutes parin akong nasa loob ng music room simula ng lumabas si Kenneth.. Hindi parin ako tumatayo..Wala naman din akong pwedeng lugar na puntahan..

Nilibot ko yung mata ko sa loob ng kwarto...Hindi naman pala masama ang lugar na to...Akala ko kasi dati sobrang ingay dito kasi madaming instrumento..Pero masarap din palang tumambay dito.. Nakarinig ako ng unting ingay sa may hallway kaya lumabas ako...Paglabas ko,,halatang may pinag-uusapan sila..Mukhang may tsismis ata...

"Oo nga,,ang bobo naman nung babaeng yun,,ano kayang nagustuhan niya dun??"

Napalingon ako sa babaeng nagsabi nun...Sino bang pinag-uusapan nila???

"Grabe talaga..Ibig sabihin gusto talaga siya ni Ken.."-girl2

Napalingon ulit ako....Si Ken ba yung pinag-uusapan nila???

"Hala...Siguro nga...Grabe...Ang swerte naman ni Abi dahil siya ang pinili ni Ken na maging partner sa prom!!"-girl3

Si Abi???

Biglang naisip ko ulit yung sinabi ni Ken sakin kanina..

"Ang gusto ko kasi,,ang partner ko,,eh yung taong gusto ko talaga..."

Si Abi???

Siya ba talaga???

Unstoppable StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon