Final Chapter

26 2 0
                                    

AFTER TWO MONTHS.

2 months narin simula ng graduation namin. Sa maikling panahon na yun, naramdaman kong malaki na ang nagbago.


4 months na simula ng magsimula kaming mag-date ni Ken,pero hanggang ngayon wala pa naman akong nakikitang bahid ng pagsisisi sakanya dahil ako ang pinili niya. Joke. :D


Habang tumatagal mas nagiging close kami, at mas nakikilala namin ang isa't-isa. Nawala narin talaga ang pakiramdam kong sobrang obssession sakanya kasi alam kong, nasakin na siya ngayon. Nararamdaman ko ding unti unti na kong magmamature dahil sa tulong ni Ken.


Naglalakad ako sa daan ng bigla kong makasalubong si Abi....
Kasama ang boyfriend niya.. 1 week palang simula ng maging sila kaya medyo nahihiya pa si Abi.


At least parehas na kaming masaya ngayon.. Minsan talaga ang layo ng tingin natin, hindi natin alam nasa harap lang din pala natin sila.


"Okay lang kaya ko naman.."-abi

"Sige, okay lang, ako na magbibitbit ng bag mo.."-dylan

"Hindi, okay lang talaga ko.."-abi

"Ako na.."-dylan

"Hindi ano....."-abi


Biglang tumakbo si Abi....
Napatigil siya ng makita niya ko.. Bigla siya ngumiti at kumaway..


"Hannah!! Papasok ka na??",tanong ni abi.

Tumango ako."Ikaw din??"

Biglang inakbayan ni Dylan si Abi."Oo. Sinundo ko lang siya. Sabay sabay na tayo.", sagot ni dylan.

Biglang tinanggal ni Abi yung kamay ni Dylan sa balikat niya pagkatapos ay ngumiti.

Natawa ako."Alam niyo, ibang iba kami ni Ken sainyo nung nag-uumpisa kami."

"Oo kaya nga kinabukasan palang pagkatapos naging kayo, nag-kiss na kayo agad."-abi

Nagulat ako sa sinabi niya."Wag mo nga kong binubuking."

"Bakit? Eh ikaw naman yung patay na patay kay Ken nung nag-uumpisa kayo kaya gustong gusto mo yun. Samin dito, si Dylan ang patay na patay sakin."-abi

"H-ha? Ako?"-dylan

"Psh. Ang importante, si Ken ang patay na patay sakin ngayon."

"At sinong nagsabi sayo??",sabi ng isang boses mula sa likuran ko.

Lumingon kaming lahat at nakita namin si Ken..

"Bakit hindi ba??",tanong ko kay Ken..

Inakbayan niya ko at biglang hinalikan sa pisngi,"Tama ka.."


Tumawa kaming apat..


"Tara na baka ma-late pa kayo.. Ihahatid ko muna si Abi bago ako umalis..."-dylan

"Tsk tsk... Iiwan mo yung girlfriend mo sa loob ng isang malaking university para mag-aral sa ibang lugar?? Haay... Goodluck sayo.."-ken

"Goodluck din sayo, sana hindi mag-iba paningin mo kay Hannah kapag nakakita ka na ng magagandang babae sa university.."-dylan

"HIndi mangyayari yun..",sabi ni Ken habang nakatingin sakin.. Nakakainis, ang aga aga pinapakilig ako nito... Huhu.. Imaginine niyo nalang na isang gwapo at matalinong lalaki ang nagsabi sainyo nun, hindi pa kayo hihimatayin sa sobrang kilig??

"Oh tara na tara na.. Bawal late.."-abi

"Oo nga haha.."


Sabay sabay kaming naglakad papunta sa stasyon kahit na iba-iba kami papasukang school. Kami ni Abi, magkaklase padin kami dahil parehas kami ng course at kinuhang schedule. Si Ken naman, medyo malayo ang school samin pero nag-promise naman siyang pupuntahan niya ko paminsan minsan.


Ang sarap sa pakiramdam...

Sana ganito nalang kami palagi..


Wala naman sigurong magbabago sa pagpasok namin ng college diba??

Dahil may tiwala ako sa nararamdaman ko at kay Ken..


"Hannah..",bulong sakin ni Ken habang naglalakad kami at magkahawak ng kamay.

"Hm?"

"I love you..",bulong niya ulit.

Nangiti ako at inilapit ko din ang labi ko sa tenga niya para bumulong....

"I love you too..",sagot ko.


Ngumiti siya...

At hinigpitan ang hawak sa kamay ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unstoppable StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon