Chapter 2

2.5K 30 2
                                    

Nalaglag ang walis.

Napanga-nga si Kim.

Bakit?

Kasi nasa harapan niya..

Nasa harapan niya na...

..si Xian Lim.

Bumaba ito sa sasakyan na naka t-shirt, Capri shorts, at top siders. Halatang halata sa mga mata nito na bagong gising lang siya. At ang buhok niya... sobrang sexy pala pag gusot gusot pa!

Tila kusang humiwalay ang puso at kaluluwa ni Kim sa isip niya. Bakit? Dahil kung kanina ay iniisip niyang hindi niya kayang makita si Xian, ngayon, wala na siyang ibang naiisip gawin kundi ang lapitan ito. At iyon nga ang ginawa niya.

“Xiaaaaaan!! Xiaaaaaan!!!” Sigaw ni Kim habang papalapit sa binata.

Nakatingin lang si Xian kay Kim, patay malisya. Ayaw niyang mahalata nito na kanina niya pa siya tinitingnan bago pa man siya bumaba ng sasakyan. Ngayon lang yata siya nakakita ng tunay na babae. Tunay na magandang babae. Lahat yata ng kakilala niya ay gumaganda lang pag may make-up na. Pero this girl, this girl is so beautiful kahit nakapajamas lang siya. There’s a certain glow in her face. At ang cute cute niya habang kunot ang noong nakatingin sa sasakyan ni Xian.

Hindi malaman ni Xian ung anong gagawin niya pagbaba, pero mas lalong hindi niya alam ang gagawin niya nang bigla siyang niyakap ni Kim.

“Xian!!!”

Hala, umiiyak na yata. Wala naman kami sa Mutya ng Masa ah. Isip ni Xian.

“Uhhm, uhh, hello.” Sabi ni Xian with a tipid smile. Generally hindi naman sya ganito sa fan. Warm siya sa kanila. Nangangamusta siya, tinatanong ang pangalan, taga-saan, etc. Pero nakalimutan niyang lahat to nang yakapin siya ni Km.

“Xiaaan, Xiaaaan..” Naiyak na nga si Kim. Ang higpit higpit ng yakap niya sa bewang ng binata. Nahiya nalang siya bigla nang marealize niya na nababasa nap ala ng mga luha niya ang damit ni Xian. At that, humiwalay na siya sa pagkakayapos sa kanya.

“Uhhm, hi. Are you okay?” Nahihiya si Xian kay Kim nang makita ang mga mata nitong namumugto na sa pag-iyak. Hindi ‘to first time na may fan na umiyak sa kanya pero ito ang first time na kakaiba ang naramdaman niyang kaba. Nakalimutan niya yatang artista siya at kilala siya ng buong mundo.

“Oo okay ako, sobrang okay!! Sorry, hindi lang ako makapaniwalang nandito ka na sa harapan ko.” Paliwanag ni Kim. Hindi siya makatingin kay Xian. Una, overloaded pa ang pagka-starstruck niya dito. Pangalawa, alam niya at nararamdaman niyang sobrang namumula na siya. Pangatlo, ang bango ni Xian, baho niya. Pang-apat, naka-PJs pa siya. Pang-lima, all of the above.

“It’s okay. Please don’t cry. Pumapanget ka oh.” Alam ni Kim na mahilig talagang magbiro si Xian. Ang hindi niya alam, hindi joke yung sinabi niyang yun.

Ilang segundo pa silang hindi nagkibuan. Hindi sila makatingin sa isa’t isa. Kim just can’t believe that Xian is right in front of her eyes. At bonus nayakap niya pa! Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Parang panaginip niya lang kagabi.

“Wow. Just wow.” Sabi ni Kim, breaking the silence.

Isang ngiti lang naman ang sinagot ni Xian sa kanya. Todo todo na ang hiya ni Kim. Siyempre, ayaw niya naman maging hysterical at magwala sa harap ng crush niya. Ultimate crush niya. Baka isipin ni Xian sobrang cheap ni Kim. Kaya lang, hindi na alam ni Kim kung anong magiging reaksyon niya bukod sa pagiging hysterical.

“Cliche, pero I’m your number one fan. No, second pala. First is your family.” Pinilit niyang ngumiti kahit pakiramdam niya eh malalaglag lahat ng ngipin niya kapag ginawa niya yon. “Sana makilala pa kita.” Di na yata alam ni Kim kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon