Chapter 6

2.1K 27 8
                                    

Monday Morning, two days after the first meeting

“Kimberly gising na.” Sabi ni ate Lakam sa kapatid habang binubuksan ang mga kurtina ng mga bintana sa kwarto ni Kim. Floor-to-ceiling and length ng white drapes na ito at tamang-tama lang ang kapal para harangan ang init ng araw ngunit hindi naman pigilan ang pagpasok ng liwanag nito

“Kimberly....” pag-ulit ni ate Lakam.

“Mmmm....”  umungot at pumihit naman ng puwesto patalikod sa bintana si Kim na balot na balot pa sa white comforter niya habang yakap yakap ang malambot na unan na siyempre, white din.

“Bangon na.. anong balak mo ngayon?” Dahil Monday ngayon, walang pasok si Kim. Karaniwan, kung hindi siya sumasama kay ate Lakam sa shop eh pumapasok siya para mag-library o di kaya ay mag-stay nalang sa bahay.

“Mmm.. pasok nalang ako...” nakapikit pa rin siya.

“Sure?”

“M-hmm....”

“O sige ikaw nanag bahala dito. Mag-iiwan nalang ako ng ulam, kumain ka na.” Lumabas na si ate Lakam sa kwarto ni Kim at naghanda ng sarili niya. Saktong 8:30 ay umalis na siya papunta sa shop.

Makalipas ang ilan pang mga minuto ay gumising na rin si Kim. Nagkusot siya ng kanyang mga mata at saka ay tumitig sa kisame. Maaliwalas na ang kaniyang kuwarto dahil nga nabuksan na ni ate Lakam ang mga kurtina niya. Bago siya tuluyang bumangon ay inabot niya ang kanyang phone mula sa bedside table at agad na nagbukas ng Twitter.

kim chiu @prinsesachinita

good morning world!! ;-);-)

Matapos niyang mag-tweet ay saka siya nagbasa ng iba pang tweets mula sa kaniyang mga kaibigan. At siyempre, sinadya niya ring puntahan ang profile ni Xian.

XIAN LIM @XianLimm

Hahaha! Hope you guys have a good night! Thank you Ms. Cupcake!!!!

Hindi pa siya nag-uupdate...ito ang isip ni Kim. Isa lang ito sa mga araw na bahagyang nalulungkot ang kaniyang kalooban sa tuwing walang balita mula kay Xian. Titingnan niya pa sana ang thread sa PEx ngunit naisip niyang maaga pa masiyado para sa bagong balita. Hanggang 12mn naman bago siya matulog ay lurking pa din siya doon. Dahil doon, isinantabi niya na lang muna ang kaniyang fangirl mode at bumaba na sa kusina para mag-agahan.

Nagluto si ate Lakam ng bacon at pancakes. May apat na klaseng syrup ang nakahain sa kanilang hapagkainan: cinnamon, maple, chocolate, at blueberry.  Isa sa favourite breakfast meals ng magkapatid ang pancakes, at minsan ay araw-araw silang kumakain nito sa sobrang pagkahilig. Upang maiwasan ang pagkasawa sa mga ito ay minabuti nilang bumili ng iba’t ibang flavours ng syrup para magkaroon ng variety.

Tahimik na kumakain si Kim habang tinatanaw ang bahay nila Aling Mila sa kabilang kalsada. Maaga pa kaya’t may pa-ilan ilang kapitbahay pa silang nakikiusyoso sa set. Nalaman ni Kim sa PEx kagabi na may teleserye pala si Xian. Lalo niya tuloy nasabi sa kaniyang sarili na dapat ay iwasan niyang mapalapit sa ultimate crush niya kung ayaw niyang madawit sa mga issue si Xian dahil sa kaniya.

She shook the idea of it off her head. May isang major paper siyang gagawin ngayon at kailangang kailangan niyang magfocus. Binilisan niyang maligo para maaga siyang makarating sa school. Simple and safe lang ang suot niya dahil sa tuwing magbibiyahe lang siya ay natatakot siyang may mangyari sa kanyang hindi maganda kagaya ng holdap kung mapagkamalan siyang sosyal o machansingan naman kung masiyado siyang showy. Saktong 9:15 ay paalis na siya ng bahay. On the way out ay minabuti niyang maging discreet nalang. Para hindi siya lalong maapektuhan, she locked her eyes to the groud and hurriedly walked far from Aling Mila’s house.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon