Chapter 7

2.2K 29 6
                                    

“Ahm, excuse me kuya?” agad na tinanong ni Kim nang makalapit sa lalaki.

Nagulat ang lalaki at inayos ang kaniyang sarili nang makita si Kim.

“Ay sorry Ma’am. Taga rito po ba kayo? Tanong niya kay Kim.

“Oo, bakit? Anong kailangan mo kuya?” Tuloy pa rin na pagtataka ni Kim.

“Ahh.. delivery lang po for Ms. Chiu. Paki-receive nalang po.” Iniabot nito ang bouquet of pink tulips at saka ang receipt.

“Kim o Lakam?” Tanong ni Kim.

“Ay Ma’am sorry wala pong sinabi eh. Chiu lang.” Sagot naman ni Kuya.

“Eh baka naman nagkakamali ka lang kuya? Baka sa ibang Chiu to?” Paninigurado ulit ni Kim.

“Hindi po mam, tama po ito. Para sa inyo po talaga yan.” Sabi naman ni Kuya.

“Sure ka kuya?” hindi pa din tinatanggap ni Kim ang mga bulakak.

“Opo mam, ito po yung address na ibinigay sa akin eh.” Paliwanag naman ng delivery boy.

“Ahh... ganun ba... o sige na nga.” Tinanggap na ni Kim ang mga bulaklak at pinirmahan ang resibo.

“Thank you po Ma’am.”

Sakto namang pagkaalis ng delivery boy ay ang pagdating ni ate Lakam sakay ng kanilang kotse.

Beep beep!

 “Ate Kams!!” Natuwa naman si Kim dahil hindi niya malaman ang gagawin sa flowers, buti nalang nandito na si ate Lakam.

Nang maka-parada nang maayos ay bumaba na si ate Lakam at pinuntahan si Kim.

“O, kanino galing yan?” tanong niya.

“Hindi ko alam ate. Sabi nung kuya para kay Ms. Chiu daw. Hindi naman sinabi kung sa’yo o sakin.” Habang nag-uusap ay pumasok na ang magkapatid sa kanilang bahay.

“Wala bang card?” Tanong ni ate Lakam.

Naupo si ate Lakam sa sofa para magtanggal ng kaniyang mga sapatos habang iniabot naman sa kaniya ni Kim ang mga bulaklak.

“Tingnan mo nga ate, baka naman para sa’yo iyan.” Pumunta si Kim sa kusina para uminom ng tubig.

Habang wala si Kim ay tiningnan ni ate Lakam ang card. Nang mabasa niya ang card ay tila knilig ito. Bahagya siyang napa-ngiti at umiling sa nakita. Hindi niya namalayan na nakabalik na pala si Kim.

“O, ano te Kams, may manliligaw ka na?” pagbibiro ni Kim at saka umupo sa tabi ng kapatid.

Hindi pinatulan ni ate Lakam ang biro ni Kim at saka inilapag ang mga bulaklak sa lamesa. Pinulot niya ang kaniyang mga sapatos at tumayo papunta sa kaniyang kuwarto.

“Para sayo yan.” Huling sabi ni ate Lakam na may kasamang ngiti bago tuluyang iniwan si Kim.

Nagtagpo na naman ang mga kilay ni Kim sa tinuran ni ate Lakam.

“Ang labo talaga nun.” Sabi niya nang makaalis ang kapatid.

“Kanino ba kasi galing to?” Kinuha niya ang mga bulaklak at saka tiningnan ang nakasulat sa card.

I’m really sorry for what happened yesterday.

I hope you’d let me make it up to you

- X

X? Si Xian? Isip ni Kim.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon