KEN'S POVBago ako lumabas ng bahay namin chinat ko muna siya
ken: Good morning :) and bye dahil paunta nako ng school. wag kanang magalit sakin ok! :)
Pagka type ko nun nag paalam nako kay mama at papa tapos tumakbo na palabas ng bahay papuntang school tinatakbo kolang kasi malapit lang
pagka pasok ko ng room umupo agad ako sa upuan ko wala si john siguro e kasama nanaman yung babae niya tss. sinasayang ang perang binabayad ng magulang niya dito sa school
napa tingin ako sa tabi ko 'wala pa siya' napa iling iling ako bakit ba hinahanap ko siya? tss.
pumasok na ang teacher namin pero wala pa siya
"Sorry ms. I'm late" napa tingin ako sa entrada nitong room namin at nakita ko siyang habol ang hininga
"It's ok." tipid na sambit ni ms. kaya pumasok na siya at umupo sa tabi ko tiningnan niya ako tsaka inirapan. ang lakas ng loob niya irapan ako bwiset!
"Hoy koreana wag mokong irapan" bulong ko sakanya. ayaw kong tawagin siyang kristine dahil.. basta ayaw ko
tumingin siya sakin tsaka nagsalit at ngumiti "Hindi kita inirapan Hihi" pwede naman siyang mag salita na walang hihi sa huli
"Pwede bang wag kang mag hihi"
"Bakit ba? sanay nako e" what sanay? ayan din ang sagot niya nung sinabi kong wag siyang mag hihi. bakit ba parehas na parehas sila?!
"Tss. dahil Mahal kolang ang dapat mag hihi" napa bilog ang mata niya at bubuka na sana ang bibig nung biglang sumigaw si ms.
"Ms. Park ang Mr. De guzman GET OUT!" napa tayo agad kami pareho dahil umuusok na ang ilong ni ms. epal kasi tong koreana nato e! bwiset talaga siya !
pagka labas namin tumayo lang kami at sumandal sa pader sa tabi ng pinto
"Ang ingay mo kasi" sabi niya
"Ako pa talaga?!" turo ko sa sarili ko habang naka tingin sakanya
"Bakit ikaw naman ang unang nag salita ah!" pag tatanggol niya sa sarili niya
"Bakit pwede naman na hindi ka suma~" Napa tigil ako sa pag sasalita nung inilagay niya yung phone niya sa tenga niya
"Hello!" sigaw neto sa kabilang linya habang naka kunot ang noong naka tingin sakin pero ako ewan ko at tinitingnan ko siya
"......" ewan ko kung anong sinabi nung nasa kabilang linya at biglang napaltan ng ngiti ang kunot noo niya
"Ay sorry akala ko kasi kung sino" naka ngiting sambit niya at tinilikuran ako pero bakit, bakit kahit likod nalang niya ang naka harap sakin ay naka tingin parin ako. parang may sariling buhay ang mga mata ko at ang ulo ko dahil ayaw nitong tumingin sa iba
"Sige! antayin kita sa tapat ng gate"
"...."
"Bye. hihi" napa talikod ako sakanya nung bigla siyang humarap
"Pumasok na kayo don!" buti nalang at lumabas na si ms. Exconde kaya pumasok nako agad sa loob at umupo sa upuan ko
~•~•~•~
ewan ko kung ano ang pumasok sa utak ko at sinusundan ko siya ngayon na curious kasi ako sa kausap niya kanina
Tumigil siya sa tapat ng gate netong school pero ako nag tago lang sa isang sulok
"Hey tintin!" may biglang lumapit sakanyang isang lalaki at yinakap niya si koreana pagka tapos non sabay silang nag lakad kaya lumabas nako sa tinataguan ko
'sino yun?'
'Tintin?' Tss.
BINABASA MO ANG
Dahil sa Facebook (Short Story)
Short Story(COMPLETED) Dahil sa Facebook.. Nakilala ko siya