32

2.1K 95 7
                                    

KEN'S POV

"Sige hijo pasok ka" sabi ng kasambahay nila kaya pumasok ako sa loob at sinundan siya

"Nasa kwarto kasi sila" sila? ibig sabihin hindi siya mag isa sa kwarto niya?  umakyat kami sa pangalawang palapag ng bahay nila ag tumigil kami sa tapat ng isang pinto

"Kumatok ka nalang hijo, mauna nako sayo may gagawin pa kasi ako sa baba" pag papa alam niya

"Sige po salamat po" sabi ko at nginitian niya lang ako tsaka siya bumaba

*TOK TOK*

"pasok" mahina niyang tugon kaya binuksan kona ang pinto at nakita ko naman siyang naka higa lang sa kama at hindi nga siya nag iisa andito din yung lalaking sumundo sakanya sa school dati. anong relasyon nila?

"Hi bro Dennis Childhood friend ni tintin" pakilala niya at inilahad ang kanyang kamay tiningnan kolang ito wala akong balak makipag kamay sakanya kaya ibinaba niya na ito

"Ken" tipid kong sambit

"Una nako tintin ha" yinakap niya si kristine tsaka hinalikan niya ito sa noo." anong karapatan niya para halikan siya childhood friend lang naman diba? tss!

"Sige bro nice to meet you" sabi nito na hindi ko pinansin

"Bye" sabi ni kristine nung palabas na ng pinto yung dennis

"Bye mag pagaling ka ha. Itatanong ko kay tito mamaya kung pwedeng dito ako matulog mamaya para mabantayan kita" what?! dito matutulog?! pakshit siya!

"Sige" pakshit kahit siya pumayag din?!

lumabas nayung dennis at kami nalang ang naiwan. umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya

"Kamusta kana?" tanong ko sakanya

"Ayus lang" tipid niyang sambit at napa tingin siya sa dala dala kong supot

"Ah eh ito pala yung mga damit mo at ang phone mo. naiwan mo sa cr e" inabot niya ito tsaka inilagay sa study table niya na katabi lang nang kama

"Talaga bang natutulog yung dennis nayun dito sa bahay niyo?" curious kong tanong  kaya napa tawa siya

"Oo naman. Haha kaibigan kona kasi siya simula pagka bata pati yung papa niya tsaka si daddy ay magkaibigan" napa tango tango ako

"Ay oo ngapala birthday mo ngayon diba?" masigla niyang tanong. parang wala siyang sakit awtomatiko tuloy akong napa ngiti

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you" mas lumapad ang aking ngiti dahil sA kanta niya siya ang unang kumanta sakin ng Happy Birthday ngayong araw dahil wala pang niisang bumati sakin dahil lagi namang walang tao sa bahay gawa nang naalis ng maaga ang nanay at tatay ko tapos uuwi sils gabi na kung kelang tulog nako kaya feeling ko mag isa lang ako. pero nung dumating siya sa buhay ko. nag bago ang lahat

"Pikit ka dali" sabi niya kaya napa kunot ang noo ko

"Bakit?"

"Basta may regalo ako sayo" naka ngiti niyang sambit na naka upo na pala sa siya sa kanyang kama. kaya sinunod konalang siya

"Wait lang wait" naramdaman kong parang bumaba siya sa kanyang kama at maya maya lang naramdaman konarin siyang umakyat ulit sa kama

"Pwede na!" pagka mulat ko nakita ko siyang may hawak na maliit na box at ibinigay ito sakin

"Happy Birthday ken" bati niya kaya binuksan kona yung box. bumungad sakin ang isang relo na itim

hinablot naman niya ito at sinuot sa akin sakto wala akong suot na relo ngayon

"Salamat" tipid kong sambit at nabigla ko nung siya mismo ang yumakap sakin

"Happy Birthday" tipid niyang sambit

Salamat, itatago kotong relong to dahil bigay ito ng babaeng gusto ko ay hindi pala, ng babaeng mahal ko

TO BE CONTINUED..

Dahil sa Facebook (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon