The Painting - Chapter #1

200 5 0
                                    

Chapter #1

“Miss!”

“Miss, anong pangalan mo?” tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumilingon sakin. Ilang sandali pa at bigla na lang siyang tumakbo,

“Miss!”

“Miss, sandali lang! Saan ka pupunta?” patuloy siyang tumatakbo.

Humarap siya sakin, pero ang labo ng mukha niya. Hindi ko ito makita ng malinaw.

“Miss!!”

Hinabol ko siya ng hinabol. Pero bakit parang ang bilis bilis niya?

Bakit hindi ko man lang siya maabutan?

Nakikita ko nga ang maganda niyang likod, pero bakit ayaw niyang lapitan ko siya? Para makita ko man lang ang mukha niya sa malapitan di ko kasi makita ng malinaw ang mukha niya.

Sa paghabol ko sa kanya, may nalaglag na isang bagay galing sa kanya.

Pinulot ko ito at

Isa itong ………

Brush?

Isang Paint brush …

Huminto siya sa pagtakbo akmang lilingong uli---

“Hoy! Ian!! Gising!”

“hmmmmppp…”

“Ano? Hoy Ian! Wag mo nga ako kausapin gamit ang alien language mo!”

“aaasdfghjkl!”

“Ano?! Tayo na dyan! Jan ka na naman natulog sa sopa! Anong silbi ng kama mo?!”

“Ano ba kasi yon?! Natutulog yun tao eh!”

“Hoy Mr. Ian Rommel Dela Peña baka nakakalimutan mo na mas nakakatanda ako sa’yo! Ate mo ko! At baka nakakalimutan mo din mister na may pasok ka sa araw na ‘to!”

“Oo na! Babangon na nga!”

Bumangon na ko ng tuluyan. Hindi na din naman kasi ako makakatulog dahil sa bunganga ng ate ko. Di kasi ako titigilan non.

Hayyy.

Ayun na, ang ganda na ng panaginip ko.

Bigla lang talaga umeepal ‘tong magaling kong kapatid! Tss.

Naligo na ako at nagbihis para pumasok sa eskwela.

Lumabas na ko ng kwarto ko at nagtungo sa kusina para kumain ng umagahan.

“Anong ulam?”

“Bacon and egg. Kumain ka na nga lang jan”

Umupo na ko at kumain.

Tinamad na naman siguro ‘tong babae na ‘to magluto.

“Hoy! Kapatid! Napaniginipan mo na naman si girl of your dream no?”

“asdfghjk”

“Ano?! Wag ka nga magsalita ng puno yan bibig mo.”

Uminom ako ng tubig at saka sinagot yung tanong niya.

“Paanong hindi ako sasagot e tinatanong mo ko ha Iyah!”

“Hoy! Wala kang paggalang anong Iyah lang?! Ikaw talagang bata ka! Parang hindi kita tinuruan ng magandang asal!”

“Makapagsalita ka naman kala mo ang tanda mo na 20 ka pa lang no!”

“Sabi ko nga. Bata pa ko ^__________^V

“-___________-  Kaso tumatanda ako ng dahil sayo!”

“Alis na ko Iyah!”

Tumayo na ko at inilagay ang pinagkainan ko sa lababo.

Ganyan talaga kami mag-usap ng ate ko.

Close kasi kami niyan. Siya na lang kasi ang kakampi ko sa buhay.

“Anong sabi mo?”

“Sabi ko aalis na ko Ms. Iyah Ree Dela Peña!” Sigaw ko sabay takbo palabas ng bahay.

Nakita ko kasi si ate na humawak ng walis tambo kaya tumakbo na ko.

Naglakad na ko papunta sa eskwelahan, walking distance lang naman ito mula sa bahay namin.

Habang naglalakad ako, naisipan kong bumili ng bulaklak at dalawin ang magulang ko maaga pa naman at di pa ko malalate sa eskwela.

“Ate. Magkano po dito?”

“Ah. 150 lang iho.”

“Sige po. Kukuhain ko.”

Miss! Yung sukli niyo po naiwan niyo.”

Napalingon ako sa lalaking sumigaw. Tss. Iniiwan ang sukli hindi ba niya

alam na------

Naputol yung sasabihin ko ng makita ko yung babaeng tinatawag nun lalaki.

Napatulala ako.

Kahawig niya …

Kahawig niya yung …

Yung babae sa panaginip ko.

“Iho eto na yung sukli mo.” Napalingon ako sa nagsalita. Kinuha ko yung sukli.

Kaso paglingon ko sa lugar kung nasaan yung babae kanina nakaalis na siya.

Lumingon lingon pa ko baka sakaling makita ko pa siya.

Nung hindi na siya mahagip ng mata ko, tinungo ko na ang daan papunta sa magulang ko.

**

“Hi mama at papa! Kamusta na kayo diyan? Eto oh, may dala akong bulaklak para sa inyo.” Naupo ako sa tapat ng puntod nila habang inaayos yung pagkakalagay nun bulaklak na dala ko”

“Ma, Pa! Pagsabihan niyo nga si ate. Palagi na lang akong sinisigawan. Tss.”

 “Okay naman kami. Ayun si ate, luma-lovelife na. After ilang years nagka-aminan na din sila Pa. Wag kang mag-alala kilala niyo po siya at alam ko pong pasado siya sa standards niyo. Si Kuya Jason po Ma, Pa, natatandaan mo pa po ba? Yung best ever friend ni ate, siya yung boyfriend niya ngayon. Nagka-aminan na din sila. At alam kong hindi pababayaan ni Kuya Jason si Ate.”

“Ako? Wala pa kong girlfriend no. Gusto ko kasi yung katulad niyo mama at ni ate. Gusto ko yung alam kong mamahalin din ako ng lubos.”

“Wag ka magselos Ma. Wag ka mag-alala ipapakilala ko siya sayo kapag natagpuan ko na siya.”

“Malapit na Ma.

Alam ko, malapit ko na siyang makita…”

***

Don't forget to leave some comments guys!

PLEASE??? 

- LulaMae

The PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon