The Painting - Chapter #13

47 2 0
                                    

CHAPTER 13

Ian’s POV

Nandito kami ngayon sa loob ng videoke room. Ni-request kasi ni Raine na dito daw kami, kaya sinunod ko na lang.

“Oh, kanta ka na.” sambit niya sa akin

“Bakit ako? Ikaw kaya nagrequest na dito tayo.”

“Eh. Gusto kong marinig kang kumanta.”

“Hindi ako marunong.” Tipid kong sagot sa kanya

“Marunong ka. Dali na, kapag hindi ka pa pumili ako ang pipili ng kakanatahin mo. Sige ka.” Pananakot niya sa akin.

“Osige na nga.”

Nagsimula na akong maghanap ng pwedeng kantahin. At nang may makita na ako ay pinindot ko na ito para mag-play na.

Tuliro d|-__-|b

Nag-umpisa ng tumugtog ang intro ng kanta kaya naman hinawakan ko na yung mick at humarap kay Raine.

Hindi naman masyadong nakaka-ilang dahil dalawa lang kami dito sa loob ng Videoke Room.

Labis ako'y nahuhumaling

Sabik sa bawat sandaling

Ika'y makapiling

Giliw, hayaang lumapit

Huwag mo sanang ipagkait

Malas ang langit

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta.

Nang mapansin niya yun ay napatitig na din siya sa akin.

Anong nadarama

Tuwing makikita kang dumarating

Tuliro, 'di malaman ang gagawin at

Walang sinumang makapipigil sa akin

At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo

Parang may kusa ang katawan ko at dahan-dahan akong lumapit papunta sa kinauupuan niya

At inilahad ko ang mga kamay ko sa kanya. Agad naman  niya itong inaabot sakin at binigyan ako ng isang nakakalokong ngiti.

Wari, 'di ko na malimot

Mga galaw at kilos mo

Sa aking pagtulog

Habang hawak ng kaliwa kong kamay ang mick at isa nama’y hawak ang kamay niya at dahan-dahan ko siyang iniikot sa akin. Natatawa si Raine sa ginagawa kong pagsayaw ngayon.

Oo, sumasayaw ako. Parang kusa na lang kasing gumalaw ang katawan ko para gawin ito.

Kahit natatawa ay sinabayan niya ang pagsayaw ko habang kumakanta ako at nakatitig sa kanya.

At sa panaginip, ika'y mamalagi

At 'di na muling malulumbay

Sa aking paggising

Sa pagtitig ko sa mata niya, para akong nanonood.

Pinapanood ko ang future naming dalawa.

Unti-unti ko siyang inilapit sa akin. At dahan-dahan ay hinaplos ko ang makinis niyang mukha gamit ang likod ng aking kamay. Tinitigan ko ang bilugan niyang mata, wari’y may pinapanood talaga ako.

Nakikita ko ang future naming na magkasama, nagtatawanan, nagkukulitan, naglalakad na magkahawak ang mga kamay, masasabing inlove na inlove kami sa isa’t-isa. Pero hindi ko akalain na makikita ko din sa mga mata niya ang dahan-dahan niyang paglalakad suot-suot ang isang puting dress habang iniintay ko siya na unti-unting makalapit sa akin…….

“I love you Raine..”

“Anong sinabi mo?” agad naman akong napabalik sa katinuan.

“H-ha? May sinabi ba ako?” pagmamaang maangan ko

“Wala. Wala kang sinabi. Kala ko kasi narinig kong sinabi mo na “I love you Raine” kaya kita tinanong kung may sinabi ka.” Nakangisi niyang sagot sa akin.

“*cough! Cough!*” bigla akong nasamid sa sinabi niya

“Uy! Ian! Okay ka lang ba?”

“H-ha? Oo. Okay lang ako.”

“Ano ba yan. Kala ko sinabi niya. Matutuwa na sana ako, naudlot pa. -_-“ bulong niya.

Oo, bulong yan pero narinig ko. Di niya siguro napansin na medjo napalakas ang pagkakasabi niya.

Nakakainis! Bakit ko ba kasi sinabi ng malakas yun? Akala ko ako lang nakakarinig. Narinig pala niya. Nakakahiya tuloy. -_-

“Ian! Your idling again! Tara na uwi na tayo!”

“H-ha? Osige. Hatid na kita.”

“Sure!” sabay ngiti niya ng napaka-laki.Yung ngiti na hindi ko makalimut-limutan :)

Ilang saglit lang at nakarating na kami sa tapat ng pinto ng condo niya

“Sige Ian. Salamat sa paghatid. Pasok na ko.Gusto mo pumasok muna?.” Pag-aaya niya sakin

“Ahh. Hindi na siguro. Gabi na din kasi.” Pagtanggi ko

“Ahh. Osige, Ingat ka sa paguwi.” Nakangiting paalam niya sa akin

Pero bago pa siya tuluyan makapasok sa loob ay agad ko siyang hinawakan sa braso.

“Bakit?” tanong niya

“Ahh. Wala naman.” Sabi ko

“Hahaha. E bakit mo hawak ang braso ko? Paano na ko niyan makakapasok?”  biro niya

“Okay lang yan. Dito na lang sa puso ko ikaw pumasok kung gusto mo.”

“H-ha?” gulat na tanong niya

Ngumiti ako sa kanya ng napakalapad na akala mo ay napalanuhan ko ang jackpot sa lotto.

“Raine, I just want you to know na hindi mo guni-guni yung narinig mo kanina. Well, hindi ko sinasadja na itanggi kaso nagulat din kasi ako. Alam mo na, may mga bagay kasi na kusang lumalabas sa bibig. At yun puso ang nagdidikta nun hindi ang utak. Oonga pala. Narinig ko ng maayos yung pinaguusapan niyo ni Shiela kanina sa may KFC, ewan ko ba kasi sa inyong mag-bestfriend akala niyo may bundok palagi sa gitna niyo kung magusap kayo. Ayan tuloy narinig ko ng maiigi yung tanong ni Shiela kung kelan mo ako nagustuhan? Actually, ako din yun din ang tanong ko, tanong ko sa sarili ko kung kelan ba kita nagustuhan. And now, I know the answer….

I like you Raine, the first time I saw you. And now, I know that I’ve fallen for you. I’m not asking for permission para ligawan ka. I’ll just do it. ^_____^ Sige, pasok ka na sa loob at magpahinga ka na. Tapos na yung napakahaba kong speech. Goodnight Raine!” At binitiwan ko na ang braso niya ng may malapad na ngiti sa labi. Hindi pa din siya kumikilos mula kanina at nakatulala lang sa akin. Alam ko naman nagulat siya kahit ako, kanina ko lang napagdesisyunan na umamin.

“Raine? Uy! Gusto mo buhatin kita papasok sa loob?”

“H-ha? Ahh. HEHE. Hindi na. Sige Goodnight Ian.” Sabay ngiti niya ng malapad

“Goodnight.” Tatalikod na sana ako ng bigla akong mapahawak sa pisngi ko at kasunod non, nakarinig ako ng malakas na pagsara ng pintuan. Pero dahil sa tunog na yun, agad akong napangiti at tinahak na ang daan pauwi sa amin.

--

Kamsahamnida! XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon