CHAPTER 10
Ian’s POV
Nandito kami ni ate Iyah sa Mall. Wala lang, naglambing kasi ‘tong isang to.
Lumabas naman daw kami, palagi na lang daw si Kuya Jason ang nakakasama niya samantalang ang “baby brother” niya hindi na daw niya nakakasama. =___________=
“Baby Brother, saan mo gustong kumain?” tanong sakin ni Ate habang nakapulupot ang braso niya sa braso ko.
“Kahit saan.” Matipid kong sagot.
“Okay. Then, KFC tayo.”
“KFC na naman?” inis kong tanong sa kanya
“Oh bakit? Reklamo ka? Tinatanong ka kanina kung saan mo gusto tapos nung ako nagsuggest magrereklamo ka?”
“Hindi. Teka, may bibilhin lang ako.”
“Anong bibilhin mo?” tanong niya sa akin.
“Mga gamit ko sa pagpi-pinta.”
“Bakit ? Ubos na ba mga gamit mo?”
“Hindi pa. Pero kailangan ko bumili ng ibang materyales dahil may gagawin ako painting para sa Paint Exhibit ng school namin.”
“Waaaaaaaahhhhhh! May exhibit ka baby brother?” masigla niyang tanong sakin habang kumikinang ang kanyang mga mata.
“Hindi akin yon, pero ilalagay din nila ang mga likha ko kaya kailangan kong gumawa.”
“Sus. Himala sumali ka sa ganyan?”
“Hindi ako sumali. Kailangan lang.”
“Edi sumali ka pa din. HAHAHAHA Oh, tara na bumili ng mga kailangan mo at nagugutom na ako.”
Tumungo na nga kami sa shop kung saan makikita ang halos lahat ng pwedeng gamitin sa pagpipinta.
Nagsimula na akong tumingin tingin ng mga materyales doon.
Magaganda ito at medjo may kamahalan, pero okay lang kasi maganda naman talaga ang pagkakagawa sa mga materyales pati na rin ang mga kulay, buhay na buhay.
Nang makalibot na ako, isa-isa na akong kumuha ng mga kakailanganin ko.
At binayaran ito sa cashier.
“Hay! Natapos ka din! Ang tagal mo ha! Tara na! Nagugutom na ko!”
Bungad sakin ni ate sabay hila sakin patungo ng KFC.
Habang papalapit kami sa KFC, may nahagip ang mata ko na isang pamilyar na mukha. Hindi ko na rin ito natignan muli dahil sa pagkakahila ni ate Iyah sakin.
“Ako na ang oorder baby brother. Hanap ka na lang ng mauupuan natin.”
“Sige.” Sagot ko sa kanya. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso.
“Anong order mo baby brother? ^___________^” tanong sakin ni Ate.
“Kahit ano. Ikaw na bahala.”
“KFine! Lumayas ka na nga sa harap ko at maupo na! Nakakainis!” inis na sabi sakin ni ate.
Ilang saglit lang at dumating na din si Ate Iyah na may dala-dalang tray.
“Oh, bakit ang dami niyan?” tanong ko nang makadating na siya sa lamesa namin
“Sabi ko naman sayo kanina diba, nagugutom na ko.”
“E ang dami kaya niyan, mauubos mo ba yan?”
“Oo naman. ^_____________^ At kung hindi ko man maubos edi ikaw ang uubos.” Sagot niya sa tanong ko.
“Bakit ako? Ikaw umubos niyan. Ginusto mo yan.”
“Fine! Sungit!” sigaw niya pabalik sakin. Ang bilis mag bago ng moodswing ngayon ni Ate, bakit kaya?
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin, may naramdaman akong umupo sa likuran ng upuan na inuupuan ko.
Grabe naman maka-upo yun, parang pagod na pagod uh.
“Huy! Magkwento ka na kasi!” sabi nun nasa likurang table namin.
“Wala nga akong ikkwento.” Mahinang sagot ng kausap niya. Pero teka, familiar yung boses nila sakin.
“Meron kang iikwento!” sigaw ng kausap niya.
Tinignan ko si Ate Iyah para tanungin kung familiar ba yun mga boses sa kanya pero pag tingin ko sa kanya, nilalamon na niya yung mga inorder niya.
“Ate! Bibitayin ka na ba bukas at ang dami mong kinakain ngayon?!”
“Asdfghjkl”
“Ano?!”
“Ang sabi ko, WALA KANG PAKIELAM!” sabay irap niya sakin at balik sa pagkain niya.
Hayy mabuti pa at wag ko na lang istorbohin ang isang to, mukhang may LQ sila ni Kuya Jason eh.
“Uy! Magkwento ka na! Kelan mo pa kasi siya simulang magustuhan?” patuloy lang ako sa pagkain habang nakikinig sa usapan nila.
Alam kong masama ang makinig sa usapan ng ibang tao, kaso papaano akong hindi makikinig kung halos magsigawan na silang dalawa kahit magkalapit lang sila.
“Hindi ko nga kasi siya gusto!” sabi nung isang babae
“Umamin ka na kanina tapos babawiin mo ngayon? Tanga ka rin no?”
“Arrgggggghhhh! Fine! May gusto na ko kung may gusto sa kanya!”
“Yan! Edi umamin ka na din! So, kelan mo nga umpisang nagutuhan si Ian?”
“Aaaaaaakkkkkkkk!” nabulunan ako bigla sa narinig ko. Familiar na nga mga boses nila, tapos kapangalan ko pa yung pinaguusapan nila.
“Baby Brother! Okay ka lang ? Oh, eto inumin mo!” pagaalala na sabi ni Ate
Ininum ko naman agad iyon para mawala ang bumara sa lalamunan ko.
“Basta!”
“Alam mo, konti na lang masasabunutan na kita!” inis na sabi nung kausap nun babae
“Edi sabunutan mo!” sagot nung isa!
“KELAN MO BA KASI NAGUSTUHAN SI IAN ROMMEL DELA PEŇA ?!”
Wow ha. Kapangalan ko talaga?
Teka,
0.o
E Ako yun uh?
--
*_____________*V