5

3.4K 101 10
                                    

"Ezra ang ganda-ganda mo talaga," papuri sakin ni Lami ang baklang handler ko ngayon. Sa kasamaang-palad ngayon kasi ang pesteng pageant na 'to. Napasubo ang kagandahan kong taglay.

"Alam mo don't state the obvious," ani ko't agad namang umirap siya sa akin. Natawa na lamang ako sa baklang 'to naiisip ko kasi sa kaniya  si, Brenda Mage.

"Gora na bes  judis na mag eng-eng rok. Ganda mo talaga kung lalaki ako ikaw ang tipo ko," seryosong aniya habang inaayos ang buhok ko.

"Yuck! hindi ka ba natatakot sa  mga pinagsasabi mo riyan?" reklamo ko. Napaka-cringy eh. Binatokan ako ng bakla medyo masakit pero keri lang.

"Napaka-feeler nito akala mo naman," pairap na aniya.

Umirap na lamang din ako at sinuot na ang jeans attire namin. Ito kasi ang unang nasa criteria.

"It's your turn my chicken galingan mo, hambalusin mo ang byoti ng mga piranhang yan," nakangiting sambit niya at pumakpak habang nakatingin sa'kin.

"So dapat pala ngayon palang pati ikaw hahambalusin ko na? anong chicken yang pinagsasabi mo, ano ako pang sabong?" gagad ko.

"'To naman 'di na mabiro jokiss lang eh."

Napangisi na lamang ako. Kahit kailan talaga, mabuti na rin at nawawala ang nerbiyos ko sa katawan.  It's my turn I raised my chin let my breast out and walk with confidence. Muntik pa akong matapilok nang makitang na sa judge table si, Bradley at nakatitig sa'kin. Bwesit, lintik na buhay to nandito na naman siya. Ngumiti lang ako ng plastik at nagpakilala.

"Good evening ladies and gentlemen I am Ezra Xaira Tokarev Hough. Representing Tourism Department,"

Agad naman silang nagpalakpakan. Dapat lang din naman sa ganda kong 'to. Aba'y sobrang swerte na nilang nasilayan ang aking kagandahan at ang alindog kong nakakapanghina ng tuhod. Sabi nga  nila confidence takes it all, of course motto ko lang 'yan. As expected the pageant goes on. Guess what? nakuha ako sa top five siyempre naman. Ang beauty kong ito pang  Ms. Richfield.

"At ngayon, for our top 5 finalists. Here's your question contestant number 6 please come forward," rinig kongani ng masters of ceremony. Nangangawit na talag ang bibig ko kakangisi. Kilala ko ang number 6 na to. Si Velvet Lastikosa ng Business-Ad. Nagiging ka8bigan ko na rin siya kasi ang ibang kasamahan ko during rehearsals mga  feeling Ms. Universe.

"Contestant number 6 how are you feeling?" tanong ng masters of ceremony.

"I'm pretty that's why I'm fine," nakangiting sagot niya. Mana talaga sa'kin confident eh.

"So here's your question. Kung ikaw ay magiging isang hayop ano ka at bakit?"

"Bago ko po sagutan ang tanong na iyan. Atin munang tawagin ang ating mga dyos. Buko dyos, mango dyos, orange dyos at ang pinaka-masarap na dyos, leyemon dyos. Kung ako ay magiging isang hayop ako ay magiging isang lion. Bakit? dahil ako ay mabangis, nakakamatay, matulis at wild and that would be all thank you."

Prenteng ngumiti siya at halatang nang-aakit sa mga judges. Cheap ng paraan ng babaeng to. Ma-hug nga ito mamaya.

"Thank you for that, Ms. Lastikusa without much a do let's call on contestant number four, Ms. Rhathatoot Vellez contestant number four how are you feeling?" nakangiting tanong nito. Labas ang postiso  nitong pak na pak.

"The judges are very handsome so I presumed I am perfectly fine," at kumindat ito.

"Great so here's your question if you want to be a flower what kind of flower you would like to be?"

"Good evening ladies and gentlemen I am Vellez Rhathatoot, babaeng pala utot babaeng kusog mukaon ug utot-utot, Ms. Rhathatoot proud to answer this question. The flower would be Utot-utot or Santan. Because this flower symbolizes myself the fragrance and the color indicates how joyous I am yun lang po at maraming salamat."

Napapantastikuhang napatingin ako sa mga kasama ko. Anong klaseng pageant ba to parang Ms. Gay. Hindi ko inakalang turn ko na pala. Kinabisado ko na lahat ng itinuro sa'kin ng handler ko.

"And now for our last contestant, Ms. Hugh. Please come forward," tawag niya sa'kin. So lumapit naman ako at nag-pose na parang si, Ms. Pia Wurtzbach.

"How are you, Ms. Hugh?" nakangiting tanong niya. Sinuklian ko ang ngiti niya 'yung mas malaki at mas maganda pa.

"Totally fine, how about you?" balik tanong ko.

"I'm very good seeing you here," aniya.

"Really? have you eaten?" tanong ko ulit.

"Yes," sagot niya.

"Oh, I envy you. Hindi pa kasi ako kumakain," ani ko't nagsitawanan ang audience saka ko napansing nakikipag-usap na pala ako sa MC namin. Napa-ayos ako ng pose at ngumiti na naman ulit.

"So here's your question if you are ought to find a man, what kind of man would that be?" I smiled as I prepared my speech siyempre napaka-easy ng question.

"Before i'll answer that let me call on all the Santos. Santos, santos, santos
Erik Santos, Vilma Santos, Charo Santos at ang pinaka malaking Santos, General Santos. If I am ought to find a man it would be a man with  great intigrity to support me as a woman," ngumiti ako sa MC na may hawak sa microphone. Akmang aalisin na niya ang microphone nang hawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa  microphone.

"And day after day, I must face a world of strangers where I don't belong, I'm not that strong. It's nice to know that there's someone I can turn to who will always care, you're always there. When there's no gettin' over that rainbow. When my smallest of dreams won't come true. I can take all the madness the world has to give but I won't last a day without you,"
I smiled sheepishly at the moment and stare at Bradley na nakangangang nakatingin sa akin. Sobrang inpressed siguro sa sagot ko. Straight english 'yun of course. Anong akala niya sakin dumb? 'Yun kasi ang tinuro sakin ng handler kong si, Lami. Di ko naman kasi inakala na kailangan pala ng ganun. My God stress ang bangs ko letse buti nalang at napaka-easy ng tanong.

"Ngising tagumpay, Ezra."

TBC
zerenette

BIO: The Pervert Guitarist (Series2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon