10

3.7K 94 4
                                    

Pagka-pasok ko sa sala ay napakalapad nang aking ngiti subalit wala namang tao. Hindi kaya ibang tao ang bisita niya? Kinakabahang naglakad takbo ako paakyat sa  kwarto namin. Mabilis na binuksan ko ang kwarto baka maabutan ko pang nagmi-milagro sila ng bisita niya. Pagka bukas ko ay wala namang tao.

"Bakit wala rito sa kwarto ang ugok na 'yun?" Nanlaki ang mga mata ko. Baka nalunod sa bowl nabagok ang ulo sa bowl ano ba? Mabilis na tiningnan ko ang banyo pero waley, walang tao.

Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa kusina. Unti-unting nawala amg ngiti ko sa labi at gulat na napatingin sa dalawang bulto ng tao na naghahalikan. Naka-kandong pa ang hita ng babae kay Bradley. Parang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at naninikip ang dibdib ko sa nakita. Ramdam kong parang nawalan ng lakas ang katawan ko. Ni hindi man lang naramdaman ang presensiya ko.

Huminga ako ng malalim at pumikit pilit nilaabanan ang sakit at hapdi. Para akong binibiyak sa sakit.

Napakuyom ako sa kamay habang hawak-hawak ang pad ng tableta at binato sa kanilang dalawa.

"Sana naman kung may gagawin kayong kababalaghan 'wag dito sa kusina. Kunting respito at hiya naman," buong bigat kong ani at tumalikod na.

"E-ezra!" Gulat na gulat na sambit ni Bradley. Nilingon ko siya, guilt and regret was written on his face.

"Ikaw na siguro ang pinaka-masayang lalaki sa buong mundo no?" Puno ng pait na sambit ko at tumalikod na.

Ang kapal talaga ng lalaking 'yun. Ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya. Wala akong karapatang magalit pero bakit nasasaktan ako? Bakit sobrang sikip ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Nararamdaman kung nag-iinit na rin ang sulok ng mata ko. Until a droplets of tears fall down. Bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan? Tumakbo ako papunta sa kwarto at ni-lock iyon. Narinig ko pang kumakatok siya. Mamatay na sana ang hinayupak na malanding lalaking yon.

"Ezra, Ezra open this goddamn door," may himig ng pagmamadali sa boses niya. Hindi na ako madadala sa mga salita niyang walang laman.

"Fuck you! Doon ka sa babae mong kasing landi mo bwesit ka, napaka-landi mo!"

Pinahid ko ang luhang umalpas sa mata ko. Nayakap ko ang sarili ko at napapikit. Nakasandig lamang ako sa likod ng pintoan. Mabilis na tumayo ako at pumasok sa banyo at hinubad ang saplot ko. I let myself cool down. Plano ko talagang magbabad sa bath thub ng ilang oras. Nakakaasiwa ang presensiya ng lalaking 'yun. Nakakabwesit lang. Hindi ako bumaba para kumain wala akong ginawa. Nagbabad lang ako ulit at hinayaan kong gumana ang utak ko. Hindi ako pwedeng magpa dalos-dalos ng desisyon. Mga bandang ala-una ay bumaba na ako para kumain ng lunch. Gutom na talaga ako,  kahit naman nasaktan ako kanina nagugutom pa rin ako. Bakit? Tao pa rin naman ako.

"Ezra,"

Gulat na napatingin ako sa likod ko. Papasok ako ng kusina nang magsalita si Bradley. Halatang may bahid ng pagsisisi ang mga tingin niya sakin.

"Bakit?" Kunwari ay wala akong pakialam sa ginawa niya.

Ang sarap sakalin ng lalaking to. May gana pa talagang magpakita sakin.

"About sa nangyari kanina," umpisa niya hindi pa tatapusin eh. Pabitin pa para kunwari hindi niya sinasadya. Naku! Huwag ako ang ipasok niya sa bulsa niya.

"Bakit? Pakialam ko naman. Hindi naman kita ka ano-ano. Wala rin tayong relasyon so okay lang. Ang akin lang naman sa susunod 'wag dito sa kusina. Hindi na ba makapaghihintay ang kalibugan niyo at dito pa talaga. Kaya lumalayas ang grasya eh ginawang kama ang lamesa iba rin kayo noh?" Umismid ako at kumain na lamang kahit na wala akong malasahan sa kinakain ko.  Pansin kong nakatingin pa rin siya sa'kin. Hindi ako komportable lalo na't nai-imagine ko kung saan sila naglandian ng babaeng 'yun.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo lang," ani ko at sumubo na ng kanin. Kaya naman pala matabang wala akong ulam.

"You're not mad?"

Seryosong tanong niya sakin. I held my head up high and face him na pinagsisihan ko naman. Nangungusap ang mga mata niya na nakatingin sakin.

"Una, bakit ako magagalit sayo? Dahil ba sa nakita ko? Hindi ako ganung klase ng tao kung iniisip mo. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang babaerong katulad mo. Ah, oo may lagnat ka pala. Pati pala yang alaga mo nag-iinit kaya nangangailangan ng lagusan para mapasukan. Iba ka rin, may karapatan kang mangkama ng ibang babae ganun din naman ako diba? Tsaka isa pa, hindi ka na bata para hindi malaman ang tama sa  mali. Hindi mo na kailangang pagsabihan pa, Bradley." Matabang kong ani sa kaniya. Sana ma gets niya ang sarcasm ko.

"Kung hindi ka galit, then why are you acting like you are?" He said in a stern and cold voice. I'm a bit scared but I didn't let him notice it. This isn't good nagagalit na ako.

"Guni-guni mo lang 'yan," sagot ko at hinugasan na ang ginamit kong plato. Muntik pa akong mabulonan sa tubig na iniinom ko.

"Really?" Paninigurado niya. Nakakainis na rin.

"Oo, I'm done nakakawalang gana ang mukha mo. Nakakadiri tingnan, alam mo iyon? Siyempre hindi mo alam makapal mukha mo eh," naiinis ko ng ani. Hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko nanginginig ako.

Tumayo na ako at diritsong lumakad palabas ng kusina. Akmang lalakad na ako papuntang kwarto nang maramdaman kong hinihila niya ang kamay ko at sinakop ang mga labi ko. Ni hindi ko magawang magsalita. Hinayaan ko siya hanggang sa magasawa siya. Nang hindi ko siya sinasagot ay binitawan niya ako saka naman ako nagkaroon ng pagkakataong masampal siya.

" I know wala akong karapatan na mag-reklamo kasi binili mo ako sa punyetang ama-amahan ko. Pero iyong hindi mo na nirespito ang pagkababae ko ang sakit lang B. Binigay ko na lahat ng mayroon ako ano pa ba  ang kulang? Kung sawa ka na sa akin dahil nakuha mo na ako fine, I won't oblige you to take care of me. Kung magkano man ang ibinayad mo sa punyetang iyon pagta-trabahuan ko iyon, babayaran kita kapalit ng kalayaan ko," matigas kong saad. Nakatingin lang siya ng deritso sa akin.

TBC
Zerenette

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BIO: The Pervert Guitarist (Series2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon