Prologue

114 5 10
                                    

"King, gumising ka na. Marami pa tayong gagawin." Pag-uuga-uga sa akin ni Mama para magising. Pagdilat ng isa kong mata, bumungad sa akin ang napakaraming mga kahon at napakakalat. Bigla kong naalala na ngayon nga pala kami maglilipat.

"Ang aga naman Ma. Inaantok pa ako eh."

"Para maaga tayong matapos, tsaka maaga din kasi dadating yung nirentahang truck. Maya-maya nandito na yun." Pagkatapos ay lumabas na si Mama dahil may ililigpit pa siya sa kwarto nila.

Napilitan na lamang akong tumayo para tumulong kela Mama. Actually, eto na lang din naman yung hindi pa namin naliligpit, yung iba naming damit at mga kalat-kalat dito sa kwarto at sa mga kwarto nila.

Sinisimulan ko nang magligpit. Maya-maya napagod na ako. Naupo muna ako at nagpahinga. Masaya at excited ako na malungkot. Masaya, kasi makakalipat na kami ng bahay, panibagong view na naman na kelangan mag-adjust. Malungkot, kasi sa tinagal tagal na namin dito sa bahay na'to ay mamimiss ko talaga 'tong bahay. Halos dito na rin ako lumaki, naging maayos naman ang pamumuhay namin. Kung tao ang pag-uusapan, wala akong mamimiss sa mga naging kapitbahay namin kasi wala akong kilala sa kanila, sa mukha ko lang sila kilala. Palagi kasi kaming nandito lang sa loob ng nakababata kong kapatid, si Kayla... 

'Si Kayla?' Tanong ko sa isip ko, tapos lumingon lingon ako sa kwarto para hanapin siya. "Asan yung piglet na yun? Kumakain lang na naman siguro yun sa kusina. Baboy talaga."

Tumayo ako para kunin yung ibang mga lalagyan o mga boxes sa tabi ng cabinet ko para malagyan ko ng iba kong mga gamit. May iba ring boxes sa loob ng cabinet ko, kinuha ko din yun. Tapos may nahulog na papel, kasinglaki ng calling card.

This card is a sign of our friendship. Keep it. :) 

                                                                         -Justin

Whenever I see this, I can't help but to smile. Si Justin, sya yung dati kong crush. Pero, dati lang yun. Swear! Naging schoolmate-slash-classmate ko siya ngayong High School, but in the end we're friends. Probably, you're confused why I keep this until now even he's not my crush at all, is it simply because I appreciate and do keep everything my friends had given me. Besides, it's a mere friendship card. And sarap kasing basahin and tingnan nun pag kinatagalan.

Bakit nga pala...

I was in my reverie when I remembered how this card brought here.

Tama nga pala, dito pala talaga 'to nakalagay dati. Nasanay kasi akong nasa cabinet sa kabilang kwarto nakatago yung paperbag ko na puno ng mga secrets, remembrance and souvenirs from friends. Baka nahulog 'tong card nung time na kinuha ko yung paperbag. 'di ko lang siguro napansin na nahulog 'to nun. Alangan namang ito lang nahulog, right? So, I scrutinized my cabinet once again, there you go I found another card, it says:  

Open mo yung box. This is my very FIRST gift to you. Even today is just a typical day for the both us, I want you to accept this. Wala lang. I just want you to feel that you really mean a lot to me. Very much. I'M JUST HERE FOR YOU ALWAYS. Don't forget it. :D

-S.I.G 04-07-06 

-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤-¤

First time lang po. :) Comments, suggestions, criticisms pwedeng pwede po dito. Hehe.

MEMORIES (hiatus)Where stories live. Discover now