"KAYLA!!!"
Pumasok siya sa kwarto ko.
"Ate po?"
I pointed the box. "Ba't ang daming langgam nung bag ko?!" Alam kong bata pa siya para ganito na lang ako mainis.
"Kendi po Kay-ya huyog nina. Tori po ate po." Ihh! Kung hindi ka lang bata!
"Okay sige na, lilinisan ko na lang. Punta ka na sa kwarto mo." Tapos nun, lumabas na siya.
Kagaya ng sinabi ko, nilinisan ko nga, napakalagkit na nung ibang papel. Nakakainis naman ih. Yung iba nagkadikit-dikit. Ayoko namang itapon, napakasayang. Pinunasan ko na lang na may kaunting tubig, na kahit yung iba mabubura ang pagkasulat at pinatuyo ko.
Ayun, mabuti nga naayos ko rin, kinuha ko naman yung pinakahuling bagay sa paper bag, yung maliit na box. Parang hindi ko kayang buksan, kaya binalik ko na lang uli. Ayoko namang umiyak ngayon. Ayoko.
¤ o0o ¤ o0o ¤ o0o ¤ o0o ¤ o0o ¤ o0o o0o ¤ o0o ¤ o0o o0o ¤ o0o ¤ o0o o0o ¤ o0o ¤ o0o
Sunday @ 8:33
Akala ko hindi ako makakatulog ng maayos. Mabuti nga at parang normal lang.
Tumayo ako at inayos ko muna yung mga box, dinismantle ko tapos finold ko flatly yung mga box. Pagkatapos nun lumabas na ako at kakain. Mabuti at konti na lang rin yung mga kalat sa sala. Ang pinagtaka ko lang pa'no nila Mama nabuhat yung ibang mga mabibigat na gamit like couch, refrigerator, cabinet at iba pa. Ang lakas naman ni Mama para tulungan si Papa. Haha. Whatever. Kakain na lang ako. Ang tahimik naman dito. Tulog pa ata sila. Pero bakit may pagkain na? Baka nasa labas sila Papa. At sigurado akong tulog pa si Kayl. Ewan ko, basta ako gutom na talaga ako.
Ayun nga, kumuha ako ng pandesal sa mesa, palaman ko mayonnaise at di pa ako nakuntento, kumain din ako ng sinangag plus hotdog. Mabuti nga't wala nang-iistorbo. Sarap kaya ng kain ko.
"ISH!!!" kasasabi ko pa lang eh!
*cough* nabilaukan talaga ako. Dali dali akong uminom ng gatas. Kainis! Sino ba kasi ....
"KUYA ANT!!" Tumayo ako palapit sa kanya and I gave him a short hug, tas pinalo ko siya sa braso. "Ba't ka ba kasi nanggugulat, nabilaukan tuloy ako!"
He chuckled. "Pano di ka mabibilaukan, eh grabe ka makasubo, di mo pa nga nalulunok, susubo ka uli."
"Whatever. Eh sa nagugutom ako sa pagligpit tsaka di na ako nakakain kagabi sa sobrang pagod. Tara kain tayo." Yun. Naupo kami tapos pinagpatuloy ko yung kinakain ko pero siya tapos na daw siya kumain kanina pa.
"Magtatanghali na no! Kanina pa ako kumain. Ikaw na lang."
"Haha. Bahala ka. Ba't ka nga pala nandito?"
"Tumawag kasi si Tito kagabi kay Papa, pumunta daw kami dito dahil magpapatulong siya magbuhat nung mga gamit niyo. Kaya yun." Kaya pala.
Si Kuya Ant, pinakaclose kong pinsan. Magkapatid yung Papa namin. Only child siya. Ngayon na lang uli kami nagkita busy kasi sa school pero kahit ganun bumabawi kami pag bakasyon, nagkukuwento siya ng mga secrets niya and likewise. Nagca-catch up kami. Mas matanda siya ng dalawang taon sa'kin.
"Kaya pala, akala ko pa naman si Mama lang yung katulong ni Papa pagbuhat ng mga yan." I pointed the ref. "Kaya nagtaka ako kanina. Asan si Tito William? Mabuti nga alam niyo papunta rito?"
"Nasa labas sila Papa. Sinabi ni Tito yung address and dyan lang kaya kami sa kabilang kanto lumipat." Di siya nakatiis at kumuha rin ng hotdog.
"Lumipat? Kelan pa?"
YOU ARE READING
MEMORIES (hiatus)
Teen FictionThis girl despises her first love for making her in too much pain. But despite those pains she had received, her love for him still remains even it was already happened 2 years ago. And now, everything she does, reminds and haunts her from the memor...