Lizzy's POV
Hays... Nasusuka talaga ako. Ano bang nangyayari sa akin ?
"Bess !! Nandiyan ka na ba ?!" Kahit kailan talaga ang lakas ng bunganga ni bes norry.
"Oo bes."
"Bes OMG !! Nyare sayo ? Okay ka lang ? Goshness !! Don't me !"
"Sa tingin mo okay lang ako ? Mamaya na lang tayo mag usap bes."
"Okay... Bes may pagkain dun niluto ko. Tsaka si manang umalis na dun na lang daw siya sa mansion niyo." Hindi ko na siya pinansin at nag tuloy tuloy na papunta sa taas. Feeling ko mag kakasakit ako. Mag papahinga na ako baka mawala mamaya tong pakiramdam ko.
*After 2 hrs.*
"Bes!!! Bes !! Gising may sunog !! May sunog !!" Napatayo ako... "Labas na tayo bes !! Halikana !! Anog itinatawa mo diyan ?!"
"Bes wag O.A. Walang sunog... I'm just kidding alright."
"Leche ! Pinakaba mo ako ! Tss. Labas bumaba ka na dun !"
Sinunod naman niya ako. Tss. Buti naman.
"Bes may visitor ka ! Dalian mo diyan !" Hindi ko na siya pinansin at pumunta na ng cr at naligo.... Pero habang nag totoothbrush ako may tanong na sumagi sa isipan ko...
Sinong bisita ang sinasabi ni bes ?
Baka si Mirko... Tss. Matagal ng wala si mirko pero alam kong babalik siya dahil lam kong mahal namin ang isa't isa. Nung pababa ako may naamoy akong pagkain... Shit... Ang bangoooo sino naman yung nag luluto....
"Bess halika sa sala !"
"Bakit bess?"
"Just shut up ! Stop asking questions. Pumunta ka na lang dito !"
Derry's POV
"Bess halika sa sala !"
"Bakit bess?" Si Lizzy yun ah.
"Just shut up ! Stop asking questions. Pumunta ka na lang dito !"
"Okay.... No choice naman. Peste."
Nag okay sign sa akin si Norry. Dati ko pa siyanv kilala dahil siya yung kaunanahan na girlfriend at ex ni Nate.... Hindi namin alam dahil hindi pala kwento si Nate. Anyway nag luluto ako ng caldereta dito sa kanila kasi nga masama pakiramdam ni lizzy. Tapos na ihahanda ko na lang. Sinenyasan ko si norry... At inalalayan siya papunta sa dining area...Norry's POV
Hi guys !! I'm Norry Fizzer. Naging mag best friends kami ni lizzy nung 1st year high school kami. Dahil parehas kaming nag lalaro ng billiards at parehas kami nb lugar na pinag lalaruan. Sila yung mayari nung billiardan... Kaso yung paglalaro namin natigil dahil nakipaghiwalay sa amin yung dalawa boyfriend. Hindi rin kami nakapag second year. Kaya 3rd year kami kumuha kami ng acceleration test sa S.U.. Sa kanya not totally... Parang iwas sa kanya... Hindi ko sinabi sa kanya yung dahilab kung bakit huminto ako sa pag aaral. Tsaka never ko sinabi sa kanya kung sino ex ko.. 😂😂
~FLASHBACK~
DING DONG
Putik natutulog ako... Punyeta sino ba yun ?!
"Sino yan ?!"
Pagka bukas ko... dO___Ob
Si derrick... Isa siya sa mga barkada ni Nate..
"Ehhh... H-hi Norry." Naiilang pa niyang sabi..
"Hoy lalaki ! Wag ka ngang mailang sa akin kutusan kita eh. Eh bakit napaparito ka ?"
"Kailangan ko tulong mo. Wag kang tumanggi. Masama pakiramdam ni Lizzy kaya sabi ko after school pag luluto ko."
"Kay. Ikaw bahala sa mga ingredients. Pwede kang kumuha diyan."
"Ganito. Gisingin mo siya kapag sinabi ko tapos pag baba niya takpan mo mata niya tapos alalayan mo papuntang dining area."
~END OF FLASHBACK~
"Derry nag abala ka pa.. Thank you." Nakuuu... Kakaiba to..
"Hoy ! Hindi ka man mag papasalamat ?!"
"Walang kupas ang kaingayan mo norry. Thank you."
"Wait.... Mag kakilala kayo ?" Sige bes... Wag ka ng makiusisa pa. "Hehehe... Ano kasi... Ex niya si Nate -"
"Hehehhe !!! Anong ex ?!" Pinanlakihan ko siya na mata. Eh kumakain pinag uusapan yung mga ex ex.. Pucha past is past. Binabalikan pa talaga yung nakaraan. Peste.Ang sabihin mo hindi ka pa nakaka MOVE ON. 2 years na ang lumipas pero... Aminin mo hindi ka pa Naka ka move on.
"Continue Derry wag mo pansinin yan." Si bes talaga !!
"As I was saying , ex siya ni Nate pero hindi niya sinabi sa amin yung dahilan."
"Ahh si Nate yung ex mo bes.. Ooh. Eh bakit hindi mo sinabi sa akin?" Patayy...
"Bess kaya ko hindi sinabi para hindi ka na mag alala sa akin nun... Hindi ko sinabi yung pangalan niya nung nav break kami dahil ayoko siyanv pag usapan.."
"Okay bes I do understand.."
"Hoy ano ?! Mag tsitsismisan na lang tayo ?! Kain na !!" Tss. Palusot ko para matigil na yung sa ex ex na yun.
"Bes bakit hindi ka pumasok ?"
"Wala lang.. Nakakatamad pumasok pag first day."
"Bes mag kaklase tayo. Sabay ka na sa akin."
"May pasok pa bukas.. Kailangan ko ng umuwi Sige bye..."
"Hoy derrick thank you sa dinner !"
"Derry thank you ang sarap ng luto mo."
"Hehe... Thank you Lizzy bye ! Gusto niyo sumabay na kayo sa akin bukas ?"
"Wag na ! Chupi na !"
"Good night Lizzy !" Parang may kakaiba sa dalawa ah.
"Night rin." Pag kaalis ni Derrick.