ONE TRUE LOVE MO NA BA SIYA?

333 2 1
                                    

Sa haba ng buhay ng isang tao, maraming tao ang dadaan sa buhay natin. Pero papano ba natin malalaman kung sa dami ng taong yon eh sino ba don yung one true love mo?

Minsan, ang one true love ng isang tao ay nakikilala mo ng mas maaga. Kung minsan naman nasa kalagitnaan na ng buhay mo. Pero madalas ata sa mga nakikilala ko e mga highschool palang nakikilala na nila yung one true love nila.

Yung ibang lalaki nababaduyan sa term na one true love. Totoo nga naman. Pero once na natamaan na yan ng sobra, at nagmahal na ng todo eh mawawala na yung katigasang taglay nyan. Worst scenario is gagawa na yan ng mga baduy na bagay para mapangiti yung minamahal niya.
Isa yon sa mga palatandaan na nahanap mo na yung one true love mo.

Sa lalaki, masasabi mong nahanap mo na yung one true love mo kapag nasubukan mo nang magbitbit ng bag ng minamahal mo. Yung floral na bag o di kaya kahit anong pambabaeng bag na gamit niya. Yung hindi mo alintana kung magmumukha kang bakla mapagsilbihan mo lang siya. Yung uunahin mo siyang makasama kesamaglaro ng online games kasama ang barkada mo. Kasi gusto mong mas mag spend ng time kasama siya kesa masayang ang oras at pera kakalaro ng online game. Yung susuportahan mo siya sa lahat ng bagay na gusto niya kahit hindi ka naman ganun ka interesado. Pero dahil nga mahal mo siya. Magpapaka interesado kana lang din.  MAdami pang ibang paraan upang malaman kung yang taong nagpapangiti sa'yo eh ang one true love mo. Pero di ko na dadamihan pagkat masyadong madami at iba-ibang pamamaraan para malaman.

Sa babae, masasabi mong ang lalaki ay ang one true love mo kapag naalis mo ang bisyo niya. Yung tipong mas ginusto niyang mawala ang mga maling bisyo niya kesa mawala ka. O diba ang ganda mo kasi ate. Hahaha pero totoo naman. Dapat talaga ganun. Isa pang palatandaan na siya na nga ang true love mo kapag ini-imagine mo na yung sarili mong kasama siya hindi lang bukas ku di sa mga susunod pang mga taon. Yung maaalala mo palang yung pangalan niya eh buong pagkatao niya ang papasok sa isipan mo. Yung lalaking gagawin ang lahat mapasaya ka lang. Mapaligaya ka lang. Kasi ang kaligayan niya ay ang makita kang maligaya :)

Kaya sa mga nahanap na ang one true love nila, kapit lang. Baduy man pakinggan pero tahakin niyo ang daan patungong forever. Merong forever, tandaan niyo. Hindi man perfect road ang daanan niyo eh asahan niyong may patutunguhan kayong maganda kapag parehas kayong naka-kapit at minamahal ng patuloy ang isa't isa. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jheero's adviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon