May mga lalaki na madaling magpalit ng desisyon. Madaling magpalit ng minamahal.
Parang yung kakilala ko. Pagkatapos niyang magsawa sa isang babae isinunod naman niya yung bestfriend nung ex niya. Mejo gago nga yung gawain niya. Pangit tignan pero nung naka usap ko siya.
May mga pagkakataon kasi sa buhay na kailangan natin magpalit ng desisyon. Hindi dahil sawa kana sa una mong pinili, pero dahil sa tingin mo ay mas magandang dulot yung pangalawa mong pinili kesa dun sa una. Mali nga yung ginawa ko pero kapag nandito ka sa posisyon ko maiintindihan moko. Lalo na't parehas tayong lalaki.
Tama siya. Dadating at dadating sa buhay natin na maghahanap tayo ng iba. Hindi man ngayon pero sigurado ako dadating yun. Pero nasayo naman ang desisiyon. Kasi may iba na kahit nagsasawa na ay pinipili paring manatili kasi ayaw niyang makasakit ng damdamin ng iba.
Pero paano naman yung damdamin mo? It's your life. Manage to live your life in a way you want. Because life was full of temptations. Choose to live the life where you are happy. Truly happy. Kahit mali pa ito sa paningin ng iba ang importante masaya ka.
Hindi ko sinasabi na umibig ka ng dalawa o magpapalit palit ka ng syota. Ang gusto ko lang ipaintindi na Kahit saang sulok ka pa dalhin ng taong kasama mo kung hindi naman siya ang makapag papasaya sayo. Wala ring mangyayari. Masasaktan mo lang siya at hindi ka rin magiging tunay na maligaya.
BINABASA MO ANG
Jheero's advice
No FicciónIto yung mga sitwasyon na madalas nating pagdaanan at di natin alam ang gagawin. Basahin niyo lahat ng kagaguhang desisyon at lahat ng dapat niyong gawin desisyon na nagawa ko na. You can also drop your own situation then I'll try to write some way...