Hindi ka ba makapili kung sino ang dapat mong piliin? Wow. Edi ikaw na. Ikaw na gwapo. Ikaw na maganda.
Pero if ever ma trap ka between two person na parehas namang mahalaga sayo. Sino nga ba ang pipiliin mo? Sino bang mas lamang? Parehas naman silang kaya kang mahalin ng totoo. Parehas silang kayang gawin ang lahat para sayo. Kasi nga mahal ka.
Ganyan talaga ang buhay. Darating ang pagkakataon na malilito ka at di mo na alam kung ano ang gagawin mo. Mahirap jan sa posisyon mo. Alam ko yan.
Yung isa sinasabing mahal ka. Nararamdaman mo naman. Tuwing magkasama kayo hindi mo maipaliwanag pero masaya ka. Kulang ang salita para i-express ang nararamdaman mo.
Pagdating din dun sa isa. Parehas. Mahal ka. Masaya ka pag kasama mo siya.
Meron at merong lamang jan. Hindi mo lang alam kung sinong pipiliin kasi kapag pinili mo yung isa maaaring wala sa kanya yung katangian na meron dun sa isa. Pero nasaiyo yan.
Kapag tie na tie at di ka makapag organize ng tie breaker edi iwan mo silang dalawa. Humanap ka ng pangatlo o kaya magpari kana. Hahahaha! Joke.
Kasi kapag tuluyan kapang nahulog sa dalawang babae na yan baka masaktan mo lang sila or masaktan ka lang.
Ang pagpili ay hindi basta basta. Hindi agad agad. It takes a lot of motivation to choose. Lalo na kapag tungkol sa pag ibig ang pagpipilian mo. Hindi pwedeng ituro mo lang kung sino sa kanilang dalawa. Kapag namimili ka kailangan mo din ng rason kung bakit siya at hindi yung isa ang pinili mo. Kasi masakit maiwan dahil hindi ikaw ang pinili. You have to explain kung bakit siya ang pinili mo. Kailangan mo ipaintindi kung bakit hidi siya ang pinili mo. Masakit maiwang nakanganga.
BINABASA MO ANG
Jheero's advice
No FicciónIto yung mga sitwasyon na madalas nating pagdaanan at di natin alam ang gagawin. Basahin niyo lahat ng kagaguhang desisyon at lahat ng dapat niyong gawin desisyon na nagawa ko na. You can also drop your own situation then I'll try to write some way...